Posted by: Oliver Lee | December 11, 2013

Wickedmouth Unang Putok – A “Book Review”

Kasalukuyan kong tinatanggal ang agiw at alikabok ng blog na ito para magbigay daan sa isang napakahalagang post. Gusto ko lang kasing i-congratulate ang isang taong well-deserved naman talaga na rising star ng blogosperyo.

Correction, low-rise star or medium-rise star. Hindi sya ganun tumaas. Kinulang ng star margarine sa kanin at kinapos sa pag-inom ng Growee.

Joke lang, hahahah! Basta, sumisikat na superstar pa rin nevertheless (Nora Aunor lang).

I am talking about Glentot of Wickedmouth.com at ang kanyang bagong-bago at mainit-init pa fresh from the oven na book entitled “Wickedmouth: Unang Putok.”

Image

Bago ko pala ituloy ang aking pagiging “Book Reviewer”, isa munang paumainhin sa may-akda ng libro dahil ngayon ko lang nagawa ang article na ito. Matagal ko na kasi syang nakuha straight from the author kaso ngayon ko lang naalala na gagawan ko nga pala ng book review to. Ang heartfelt ng dedication mo Glentot, walangya ka natouch me.

At saka nakalimutan ko ung password ko sa wordpress, ngayon ko lang naalala.

Anyhoo, kung hindi ka pa familiar sa kanyang mga sulatin, huwag mong ipagsawalang-bahala ang Parental Advisory Explicit Content na nasa cover ng libro. The book is intended for Mature Audiences who needs a very large dose of laughter. Bagamat okay ang mga kwento nya, I don’t think you’ll use the story as bedtime story for kids. If you intend to, please let us know of the results.

Isa sa mga pinakagusto kong story ung tungkol sa ngipin nya… which was aptly titled “Tooth”. Hindi dahil kakaparoot-canal ko lang (nakarelate sa dentista, haha!) pero dahil naiimagin ko ung nangyayari sa kwento dahil sa way ng pagkakasulat nito (ang benta sa akin ng Pwuthanghwinahhhhh…. haha!).

Ok, fine, so nakakarelate ako dahil sa aking recent root canal experience.

Going back, ito yung tipo ng libro na parang meron kang kausap na kaibigan mo na nagkkwento ng kanyang stupid, real, funny stories sa iyo. From his funny childhood experiences, to stories about KhiKhi, stories about Nanay Doris and Sasha Fierce – lahat ay magbibigay ng tuwa at tawa sa iyong mga kalamnan (if that makes any sense, haha). Hindi na ako magbibigay ng kung anong literary references and shit dahil hindi naman ako magaling magbook review, pero isa lang ang masasabi ko bilang isang taong mapagbasa ng libro. Naenjoy ko ung book at napasmile ako ng very, very nice. Ito ung mga tipo ng libro na pwede mong ulitin at mag-iismile ka pa din.

Nakakatuwa din ung mga drawing ni Sir Mots (Hindi ko kasi siya pa kilala kaya may Sir. Tapos teacher pa sya, kaya hindi naman siguro out-of-place ung may Sir). Na-capture nya ng cute at nakakatuwa ung mga highlight ng stories. Feeling ko inistalk nya si Glenn simula pagkabata kaya ganun ung mga drawing nya, hahahaha!

Congratulations again to Glentot and Mots for a very successful book! Aabangan ko ang Pangalawang Putok. In the meantime, do grab a copy of Wickedmouth Unang Putok at a National Bookstore, Powerbooks or NBS Bestseller branch near you!

 

 

Posted by: Oliver Lee | March 8, 2013

showmethemoney

Nagiging financially aware na ako this 2013. Hindi ko alam kung ano ung huling nakain ko nung magtapos ang 2012, pero at the start of the year e naging conscious na ako kung saan napupunta ung pera ko at kung ano anong mga ewan ang pinagkakagastusan ko.

Siguro dahil natakot lang ako sa thought ko na: “anong mangyayari sa akin pag super thunders na ako?”

Actually nagstart itong kalokohan na ito noong mga kalahati ng 2012. So mga 1006 un (waley).

Basta, noong mga June or July ata, naging interesado ako sa insurance. Matagal na akong pinapakuha ng ate ko nito, I think nung magsimula akong magtrabaho, pero I haven’t really thought about it or have done anything either. Ewan ko, siguro dahil sa excitement nga ng pagkakaroon ng first paycheck. At saka namamahalan ako. Hindi kasi ganun kalaki ung kinikita ko dati din naman (reasoning 101, hahaha!)

So nung June or July, bigla na akong magresearch sa mga iba’t-ibang insurance companies. As in research talaga ung ginawa ko. Nakakatakot din kasi baka mamaya e magsara bigla ung pagkukunan ko. Scary like shit. By November nakapili na ako ng insurance company (ang tagal ng research ko no? Hahahaha!) at hindi ko na sasabihin dito kung anong company dahil hindi ito endorsement shit – ako ang bida sa blog na ito, hahaha!

By December naman, nainteresado ako sa stocks at mutual funds. Nagstart kasing magstocks ung friend ko, pero ako ayoko kasi ayokong gumigising ng maaga, at hindi ko sya kilala. Ayokong pasukin ang mga bagay na hindi ko alam. From there ay naintroduce ako sa mutual funds dahil mas less hassle sya sa stocks. I did a little research na din kung ano ba sya at ang silbi nya sa buhay ko.

Nagopen ako ng mutual funds account nung January. After kong magopen ng mutual funds, si stocks naman ang inaral ko. Gusto ko nang bigyan ng hassle ang sarili ko, haha! Dininig ata ng kompanya ung trip ko kasi biglang nagkaroon ng financial awareness week samin. At nagkaroon ng noob-friendly seminar at discussions about stocks. Hanggang after nung seminar, nagresearch na ako ng taimtim at walang pagiimbot at nang may buong katapatan about stocks. Hanggang nakahanap kami at ng friends ko (ung mga nauna sa aking na magstocks) ng free seminars at lessons about it. After a week ata, nagopen na ako ng sarili kong account at kasalukuyan na ginagawa ko na din ang stock shit na yan.

Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung ano nakain ko at pinaggagawa ko yang mga bagay bagay na yan. Buti na din lang at walang masyadong larong maganda at bago ngayong 1st Quarter ng 2013 (except Ni No Kuni, that game rocks! Yan lang ang binili kong laro this 1st quarter. I am so proud of myself). Biruin mo, dahil sa stocks na yan e napabili ako nang aking first inspirational book. Inspirational book! Hindi sya Batman or Superman or X-Men kundi purong purong parang honey bee na insipirational book! Who would have thought that I have that type of DNA mix in my sexeh bodeh?!

I wish at hope na may katuturan at silbi itong pinaggagagawa ko sa buhay. Twenty years from now, it’s either I will give myself a tap at the back or I will be in some really deep and dark shit, hahahaha! At kung akala mo ay isang inspirational story ito para isipin mo din ang iyong financial future, you have come to the wrong place. Bahala ka sa buhay mo, magresearch ka din, bwahahaha! (this post is brought to you NOT by Aman Futures, hahaha)

« Newer Posts - Older Posts »

Categories