Posted by: Oliver Lee | August 11, 2014

Ipis and the Titan

Sinimulan ko na palang panoorin ung isang series na matagal ko ng hinohold panoorin. Japanese siya at uunahan ko na kayo, hindi siya porn. Anime sya at Attack on Titan ang title nya. Ayoko nang isearch kung ano ung Japanese title nya at tamad akong mag-google. Kaya mo na yan, malaki ka na.

Hindi ko sya masimulan panoorin kasi nga Japanese yung series. Ayokong magbasa habang nanonood. Hindi ko maappreciate yung drawing (weh?) at hindi ko makita ung facial expression nila habang binabanggit yung mga linya nila. Sayang ang acting! Also, hindi ko siya mapanood sa office (ito talaga yung real reason, hahahaha!). Hindi ko kayang magbasa sa maliit na screen! Buti na lang meron na nung english dub. Kahit papaano ay nasimulan ko nang paunti-unti yung series.

Maganda yung series. Nakaka-hook din. Kalahati pa lang ng season yung naka-english dub kaya ipinagpatuloy ko na lang sa bahay. Pinanood ko na ung mga karugtong na Japanese dubbed. Tama naman yung pagkakadub at tuloy-tuloy naman yung flow ng story.

Napa-isip din ako kung ano yung gagawin ko kung naharap ako sa same na sitwasyon. Feeling ko maninigas na lang ako sa takot. Isipin mo, fixed na nakangiti lang yung mga mukha nila tapos bigla ka na lang kakainin na para kang gumagalaw na Choc-nut. Walang nguya nguya, lunok agad. Malas mo pa pag naputol appendages mo sa pagkagat nila. Mas malas pa yung nakagat na yung kalahati ng katawan mo, inapakan ka pa. Double whammy!

Kung maging Titan naman ako, feeling ko, ako yung pinakapathetic na Titan. Kanina kasi sa sala namin, may dumaang ipis na tumatakbo. Nag-feeling Titan ako (uunahan ko na kayo, hindi ko siya kinain) at tinry ko syang apakan. Kaso ambilis tumakbo nung ipis. Buti na lang hindi sya nagfeeling na Survey Corps* at lumipad papunta sakin dahil punyeta siya at ako ang tatakbo, haha! Walking ipis is ok. Flying ipis, that’s another story.

Hindi ko napatay yung ipis since mabilis nga siyang tumakbo. Nagising at napatingin sa akin yung dalawang aso ko at tinignan kung bakit ako nag-ingay.

Tumigil yung ipis malapit sa cabinet. Hindi gumagalaw. Feeling ko naramdaman nung ipis na tinitignan ko siya at nung dalawa naming aso. Siya naman ang napatigil sa takot (I think). Tinry ko uli syang apakan, with matching bwelo pa.

Walang nalandingan na ipis ung tsinelas ko. Mabilis siyang nakatakas, pumasok sa ilalim nung cabinet.

Tinignan ako nung dalawang aso namin at bumalik sa paghiga.

At kung makakasalita sila, feeling ko sasabihin nila ay “pathetic”.

siggy

*Yung mga pumapatay sa Titan. Nag-aala Spider-man kung mag-swing swing sa mga building.

 

Advertisements

Responses

  1. hahahahahha, ang title dapat ng post mo, the cockroach and the titan. 🙂 parang action diba? ahahahahha, lumilipad na ipis is a different story—-agreeable! ahahahahahha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: