Posted by: Oliver Lee | December 11, 2013

Wickedmouth Unang Putok – A “Book Review”

Kasalukuyan kong tinatanggal ang agiw at alikabok ng blog na ito para magbigay daan sa isang napakahalagang post. Gusto ko lang kasing i-congratulate ang isang taong well-deserved naman talaga na rising star ng blogosperyo.

Correction, low-rise star or medium-rise star. Hindi sya ganun tumaas. Kinulang ng star margarine sa kanin at kinapos sa pag-inom ng Growee.

Joke lang, hahahah! Basta, sumisikat na superstar pa rin nevertheless (Nora Aunor lang).

I am talking about Glentot of Wickedmouth.com at ang kanyang bagong-bago at mainit-init pa fresh from the oven na book entitled “Wickedmouth: Unang Putok.”

Image

Bago ko pala ituloy ang aking pagiging “Book Reviewer”, isa munang paumainhin sa may-akda ng libro dahil ngayon ko lang nagawa ang article na ito. Matagal ko na kasi syang nakuha straight from the author kaso ngayon ko lang naalala na gagawan ko nga pala ng book review to. Ang heartfelt ng dedication mo Glentot, walangya ka natouch me.

At saka nakalimutan ko ung password ko sa wordpress, ngayon ko lang naalala.

Anyhoo, kung hindi ka pa familiar sa kanyang mga sulatin, huwag mong ipagsawalang-bahala ang Parental Advisory Explicit Content na nasa cover ng libro. The book is intended for Mature Audiences who needs a very large dose of laughter. Bagamat okay ang mga kwento nya, I don’t think you’ll use the story as bedtime story for kids. If you intend to, please let us know of the results.

Isa sa mga pinakagusto kong story ung tungkol sa ngipin nya… which was aptly titled “Tooth”. Hindi dahil kakaparoot-canal ko lang (nakarelate sa dentista, haha!) pero dahil naiimagin ko ung nangyayari sa kwento dahil sa way ng pagkakasulat nito (ang benta sa akin ng Pwuthanghwinahhhhh…. haha!).

Ok, fine, so nakakarelate ako dahil sa aking recent root canal experience.

Going back, ito yung tipo ng libro na parang meron kang kausap na kaibigan mo na nagkkwento ng kanyang stupid, real, funny stories sa iyo. From his funny childhood experiences, to stories about KhiKhi, stories about Nanay Doris and Sasha Fierce – lahat ay magbibigay ng tuwa at tawa sa iyong mga kalamnan (if that makes any sense, haha). Hindi na ako magbibigay ng kung anong literary references and shit dahil hindi naman ako magaling magbook review, pero isa lang ang masasabi ko bilang isang taong mapagbasa ng libro. Naenjoy ko ung book at napasmile ako ng very, very nice. Ito ung mga tipo ng libro na pwede mong ulitin at mag-iismile ka pa din.

Nakakatuwa din ung mga drawing ni Sir Mots (Hindi ko kasi siya pa kilala kaya may Sir. Tapos teacher pa sya, kaya hindi naman siguro out-of-place ung may Sir). Na-capture nya ng cute at nakakatuwa ung mga highlight ng stories. Feeling ko inistalk nya si Glenn simula pagkabata kaya ganun ung mga drawing nya, hahahaha!

Congratulations again to Glentot and Mots for a very successful book! Aabangan ko ang Pangalawang Putok. In the meantime, do grab a copy of Wickedmouth Unang Putok at a National Bookstore, Powerbooks or NBS Bestseller branch near you!

 

 

Advertisements

Responses

  1. nice review… relate much din ako sa tooth!

  2. Bat parang nawala yung unang comment ko dito LOL. Or baka di mo inapprove haha. Anyways maraming salamat sa review!!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: