Posted by: Oliver Lee | February 4, 2013

Mastershet!

Recently, as in last two weeks ago, ay napagdiskitahan ko ung oven na binili ng ate ko last December. Nasa Robinsons Ermita kasi ako ng mapadaan ako sa French Baker. Or Deli France. Basta hindi ko na din alam, isa syang French themed bakery. Tapos ayun nga, nakita ko ung apple pie. For some reason, bigla na lang akong nagkaidea na gumawa ng sarili kong apple pie.

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa utak ko un. Una, wala akong kaexpe-experience magbake. Medyo may hilig naman ako sa pagluluto. Alam mo un, pritong itlog, pritong hotdog, pritong maling, basta prito ok yan. Saka nilaga. Well isang dish lang na nilaga which is nilagang itlog.

Feeling ko kaya ako nagkalakas ng loob na gumawa ng apple pie is because it is about time (at hindi na kasi ako ung nagbabayad ng gas namin, mwahahahaha!). Saka hindi matutupad ung dream ko na magkaroon ako ng isang pastry restaurant. Oo, ako ang taong gustong magkaroon ng pastry restaurant na hindi marunong magbake, kill me.

So nagsearch ako sa google ng recipe for apple pie at pumunta ako sa Baker’s Depot since I assumed na lahat ng kailangan ko ay nandun. Also, hindi ko alam ung ibang items dun sa recipe, katulad ng shortening. Ang alam ko lang ay flour. Medyo doubtful pa ako kasi baka cornstarch ang makuha ko. Or yeast. Basta pinacheck ko sa saleslady tapos kinuha nya. Feeling ko kung magdagdag sya ng item dun ay hindi ko na mapapansin. Ganun ako kagullible ng mga oras na yun, haha!

Doon ko din lang natutunan na green apples pala ang ginagamit sa Apple Pie. At ang proper name pala sa green apples ay Granny Smith Apples. Hindi ko kilala si Granny Smith at kung ano ang ginawa nya para ipangalan sa kanya ang mga mansanas na berde. Hindi ganun ka intense ang research ko.

I followed to the letter naman ung recipe na nakuha ko at mukhang ok naman ung kinalabasan. Syempre, piniktyuran ko ung ginawa ko at ito ang naging itsura nya:

20130204-144810.jpg
Oliver’s Kick Ass Apple Pie

Ayun, sabi ng mga tao sa bahay masarap naman daw. I therefore conclude na sumasarap ang pagkain kapag may hawak na kutsilyo ang nagluto.

Hindi pa ako nadala at gumawa ako nitong weekend ng dalawang pizza. Dalawa kasi napasobra ung bili ko ng ingredients hahahhaa!

20130204 -145140.jpg
Oliver’s Kick Ass Pizza #1

20130204-145146.jpg
Oliver’s Kick Ass Pizza #2

Sabi nila masarap. Again, may hawak akong kutsilyo so lalong tumitibay ang conclusion ko.

Malapit na akong maging Mastershet! Masterchef! Saka matutupad na din ung dream kong pastry business! May pangalan na ung magiging restaurant ko, with matching tagline pa:

Masterbaker! We don’t just bake, we MASTERBAKE!

Patent pending! Hahahhaa! Sana pag natuloy ito, kakain kayo ng mga minasterbake ko ha?


Responses

  1. Nainggit ako. HIndi rin ako pala-luto, recently lang ako nagsimulang magaral. So I feel you. Ang laki ng achievement mo na to! Mukhang masarap! Natawa ako sa masterbake LOL

  2. wahahaha…panandaliang nawala ng pagkabadtrip ko ngayong araw na to dahil sa post na ito..hehehe.. will follow your blog bro! ayus! imasterbake na yan!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: