Posted by: Oliver Lee | December 18, 2012

Alarm Clock

Subconscious
existing or operating in the mind beneath or beyond consciousness: the subconscious self.

Para kunyari intellehenteng babasahin tong binabasa mo. Tipong Psychology Today, hahahaha!

I swear, walang kwenta tong babasahin mong ito, hahaha!

Anyway, kaya ganyan ung nasa itaas dahil sa isang weird at nakakatawang umaga ang tumambad sa akin ngayong araw na ito.

Hindi naman lingid sa mga nakakakilala sa akin na hirap akong makatulog. Bibihira ung mga times na higa/instant tulog ung nangyayari sa akin. Usually higa/nood tv/ps3/basa/muni-muni/tunganga ung nangyayari sa akin bago ako makatulog. At syempre, late tulog is equals to late gising.

Hindi masaya to kapag natatapat sa weekdays. Minsan naaasar na lang ako sa sarili ko pag sa office e antok na antok ako. Ung tipong kulang na lang e lagyan ko ng toothpick ung mata ko to stay awake, pero pag uwi ko sa bahay e daig ko pa ung uminom ng tatlong bote ng red bull. Minsan nga naisip ko na iayos ko kaya na parang office ung kwarto ko e.

Ang haba na ng side story ko, hahaha!

Eto na nga ung weird na nangyari sa akin kaninang umaga. Nagising ako sa alarm clock ng cellphone ko. Nagigising naman ako sa alarm clock/cellphone ko (sino ba naman hindi magigising kung tunog recess/fire alarm ug alarm ko haha). Pero syempre, alam na ang forever kakampi ng mga puyat at late matulog. Ang forever na five minutes pa.

Aminado ako dyan sa five minutes, five minutes na yan. Minsan nga ten minutes e. Mas malupit sakin minsan e one hour, haha!

So ayun na nga, nag five minutes mode ako kanina. After mga thirty minutes (may apat na alarm sa cellphone ko na may intervals ng thirty minutes), tumunog uli ung cellphone ko. Syempre, ang magaling na ako e ini-snooze na naman sya. Ganun uli sa third na alarm, i think. Actually hindi na ako sure kung anong nangyari sa third na alarm, groggy pa ata ako. Hindi ko na matandaan. Pero dun sa fourth alarm, sobrang nagising na ako.

Narinig ko na ung fourth alarm at handa na ako para pindutin ung snooze button. Pagkapa ko sa gilid ng kama ko hindi ko sya makapa. Minulat ko na ng onti ung mata ko pero hindi ko maaninag ung cellphone ko. Naiirita na ako sa tunog kasi gusto ko pang mag five minutes. So umupo na ako sa kama at hindi ko sya nakita sa gilid. Tumigil na ung alarm ng alarm clock pero hindi ko pa din sya makita. Inisip ko baka natabunan ng kumot or unan pero wala naman. Baka nahulog sa ilalim ng kama, wala din.

At wala na akong idea kung nasan ung cellphone ko. Yun ang gumising sa akin.

Chneck ko uli ung unan ko at kumot pero wala talaga, as in tumayo na ako. Imposible naman na tumayo ako sa first or third alarms kasi matatandaan ko naman siguro un. Alam ko din e wala naman akong history ng sleepwalking. Sleeptalking meron ata. Tumingin ako sa ilalim ng kama ko pero wala naman sa ilalim. Tinaas ko na ung kumot at unan kasi un na ung pinakalogical place na makikita ko sya. May tatlo akong unan, isa sa ulo at isang mahaba na niyayakap, saka isa pang mahaba na asa gilid.

Hanggang sa may mahawakan akong matigas na bagay sa unan ko na niyayakap.

Ang naknampoodle na cellphone ko ay nasa loob ng unan ko. Andun sya sa pinakababa, sa may bandang paa ko na.

Hindi ko alam kung panong nangyari na asa loob ung cellphone ko. Feeling ko nairita ung utak ko kakasnooze kaya pinasok nya na lang doon sa kailalim-ilaliman ng unan ko. Buti na lang din hindi nabasag, bigat kong to, haha!

At least effective, nagising ako. ;p

At nasayang ko na naman ang oras nyo, yehey!

Advertisements

Responses

  1. Share ko rin ang nangyari sa akin noong college. Nagset ako ng alarm pero hindi tumunog. Paggising ko, durog na yung alarm clock ko sa sahig. According to my roommate, nung tumunog daw yung alarm clock, hinagis ko. Subconsciously.

    • Mas malupit ung sayo, haha! Pero nakasira na din ako alarm clock, kakahampas ko dati.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: