Posted by: Oliver Lee | December 5, 2012

This Is Not Hello

Kahayup-hayupan at hindi nagsave ung draft ko. Title lang tuloy ng post ung natandaan ko. And some other stuff.

Sayang, nakakaiyak at makabagbag-damdamin pa man din ung sinulat ko. Maluluha ka sa right-eye.

—–

Umattend ako ng wedding ni Ann at James (kunyari kilala niyo sila) kahapon kaya nagleave ako sa office. Medyo unique at first-time para sakin tong wedding na ito kasi hindi siya Catholic wedding. Iglesia Ni Cristo sila pareho kaya it is an INC wedding (malamang, hahaha!).

First time kong pumasok sa isang INC na church. Bale dun sila pala kinasal sa Central na tinatawag nila. Ung malaking INC church dun sa papuntang Fairview. Ayun, angganda lang ng church nila. Ang intricate nung wood carvings dun sa ceiling. Sabi ni Zaide mas malaki pa daw ung sa second floor nun. Sayang lang bawal kumuha ng pictures sa loob kasi isusurrender ung celfone saka gadgets sa guard sa labas. So dun sa wedding nila, ung mga official photographers lang ung pwedeng kumuha ng pictures. Wala tuloy masyadong ebidens na ampayat na ni Ann, hahahaha!

—–

Nagpunta nga pala ako with the family sa Cebu. Nagawa ko naman ung objective ko na kumain ng lechon from three different restaurants. Hirap lang ako ngayong huminga…. Joke! Hahaha!

Ung pinakatasty at masarao na lechon na nakain ko is from CNT located sa tapat ng SM Cebu (googler nyo na lang tinatamad ako, hahaha!). Ang tasty nung balat saka nung laman itself. Tapos ung kanin nila is nakabalot pa sa dahom ng saging ata yun. Well, pahirap un, parang mas gusto ko ng kumain agad. Ang downside lang sa kanila actually is hindi mo sya madadala na pampasalubong. Wala kasi silang frozen lechon (or kung meron man, hindi ko alam). Ang travel time lang kasi ng lechon once bought is 4 hours so ayun.

Ung second lechon na nakainan ko na ok is Zubuchon, which according to Anthony Bourdain is the best pig ever. Well, second best sya para sakin. Masarap din naman ung lechon nila. Ang ok naman sa kanila is makakabili ka ng frozen lechon nila for pasalubong sa departure area ng airport mismo. Yun ung pinampasulubong ko sa mga officemates ko dito. Nagdedeliver din sila tapos ipipickup mo sa airport. So ayun, you can have a taste of Lechon Cebu here in Manila.

Yung third best is hindi ko alam ung pangalan kasi hindi ako ung bumili. Binili lang sya ng ate ko sa isang mall somewhere (Park Mall ata yun), tapos ayun, wala lang. Pork Belly ata yung pangalan. Well anyway, ang gusto ko lang sa kanila is meron silang spicy at regular varieties. Hindi sya ganun katasty pero masarap naman sya. Pwede na.

—–

Nanood ako nung concert ng Maroon 5 nung nagpunta sila dito at sulit naman. Sana bumalik ulit sila and I swear magiipon ako para dun naman ako lumapit ng onti sa stage.

—–

Nag team building pala kami last August or October (di ko na maalala exactly, haha!). Well, that was sariling gastos team building. Nag target shooting kami sa may Macapagal Boulevard (sa gitna mismo, binabaril namin ung mga sasakyan, haha), doon sa may tapat ng Dampa. Ayun, ok naman, 2nd time ko na. In peyrness, naaalala ko pa kung paano magreload ng baril at magkasa and some stuff. Ang dumi lang nung kamay ko puro gunpowder kasi ako ung nagrereload mismo ng bala ng baril. Siguro kung nagsindi ako ng posporo nun, bigla na lang sasabog ung kamay ko.

—–

At yan ung mga naaalala kong mga nangyari sa akin this past few months na hindi ako nagpopost. Nakalimutan ko na ding magpost dun sa project 365 ko. Naging project 100+ na lang sya hahaha! Hahayaan ko na lang syang ganun, dito na uli ako :p

Advertisements

Responses

  1. uh… wow may snow yung blog mo. *wamasabi*

    • Onga e. It’s a WordPress thing. Can’t do anything about it (i think)

  2. Uy, dun sa wedding nila ann at james.. matanong ko lng…ano pa nakita mo nun??

    • Marami! Hahaha! Oi labas naman tayo, i-date mo ako hahahaha!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: