Posted by: Oliver Lee | July 26, 2012

This Is Not Goodbye

In fairness, hindi ko alam kung paano kong sisimulan ito.

Pansamantala ko munang iiwan ang tahanan kong ito sa blogosperyo. Minsan kasi, kahit na andami kong gustong isulat o ikwento, hindi ko magawa dahil malamang sa malamang e walang oras. Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin na wala akong sapat na inspirasyon. Minsan yun lang ung dahilan kung bakit ako magsusulat ng kung ano-ano dito, pero lately, ito ung mas mabigat na dahilan.

Siguro kaakibat na din na hindi ako makapagkwento dito kasi minsan naiisip ko na marami akong kakilalang may alam nito. Mas malakas ang self-restraint ko na huwag na lang isulat kasi makakasira sa image ko (joke!). Ako na ang self-conscious, hahaha! Kelangan ko na atang palitan ang sabon namin, lumalakas ung konsensya side (if you did not get that reference, you are not watching enough tv!).

Pero honestly, wala naman sa akin un. Kung magiging honest ako sa sarili ko, ung pagkawalang inspirasyon ang totoo.

Serously Seriusly Sa totoo lang, nakikita ko naman ung sarili ko na babalik ako dito. Pansamantagal lang to. Siguro mga three or four months, andito na uli ako. Isipin nyo na lang na parang tv to, may seasons din. So bale parang season ender to, hahahaha!

Habang sinusulat ko nga ito, ang tumatakbo sa isip ko e huwag ko na lang kayang ituloy na ipost. Nagdadalawang-isip ako. Tutal ramdam ko naman na babalik ako e. Kaso nararamdaman ko din na kung pipilitin ko lang ung sarili ko, mas pinaplastik ko lang lalo ung sarili ko. Baka dumating ako sa point na pag nagsulat ako dito e wala namang connection sa akin ung sinusulat ko. Writing on my blog just for the sake of writing here. Siguro kailangan ko lang na tanggalin muna itong blog sa utak ko, para ung next kwento ko, daig pa ang orange juice na super concentrated.

Gaya ng sinabi ko sa ilan sa mga post ko dito (or sa About ata. I suck at About pages. actually hindi ko alam kung saang post ko sya sinabi), ginawa ko ito para sa akin. Yes, I’m self-serving like that. Ayoko lang na pagdating sa future na babalikan ko ung mga sinulat ko e kahit ako maeewanan ako sa mga sinulat ko. Lahat ng post dito, kahit itong post na ito, may personal na connection sa akin. Lalo na ung mga foodtrip na kung makapagsulat ako e para akong food reviewer, haha!  Syempre ung mga trips and vacation din. Kapag binabasa ko sila ay maaalala ko kung bakit ko sya sinulat. Ung emosyon, ung idea, ung inspirasyon, kung bakit ko sya nilagay dito.

Kaya to future Oliver, don’t worry. Your past Oliver is watching your back. Also, ampogi mo future Oliver.

Parang pag binasa ko ung mga nasa taas na paragraph e parang feeling ko e magkakaalzheimer’s ako?

Active pa rin naman ako sa kabila so kahit papaano e parte pa din ako ng innernetz world. Ung sideblog ko na becauseoliverisawesome. Kaya don’t fret, ginisang pansit! Andito pa din me!

Gaya ng panimula ko, hindi ko din alam kung paano kung tatapusin ito.

Advertisements

Responses

  1. over na, pwede ka na bumalik 🙂

    • Hahaha! binilang?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: