Posted by: Oliver Lee | April 12, 2012

Nata-Thai na me

And this post is about food. Ang relevant ng title ko diba? Hahahaha!

Last Wednesday, me and dem officemates decided to have dinner on the account na gutom na kami. Un lang, tapos.

Nagkayayaan na kumain sa Som’s. Isang Thai restaurant malapit sa Rockwell. Malapit din sya sa Burgos pero mas sosyal kasi pag sinabi kong malapit sya sa Rockwell. Baka kung ano pa isipin mo pag inuna kong sinabi na malapit sya sa Burgos diba?

Som's Noodle Haus

Sa tangnang tanang buhayko hindi pa ata ako nakakakain sa authentic na Thai restaurant. Kung counted si Banana Leaf, pwes nakakain na ako, kaso ang alam ko is multicultural si Banana Leaf. Well, anyway, hindi ko alam kung anong foods ba ang meron sila. Basta ang alam ko lang e maanghang ung pagkain nila.

Tama naman ung theory ko. Pero apart from that, masarap din naman ung pagkain nila.

Since wala akong alam sa mga food nila, hinayaan ko silang may mga alam na umorder ng food namin. Sa mga inorder namin, ung plain rice ko lang at Coke Zero ang kilala ko. Kaya ladies and gentlemen, here are the foods that was introduced to me that night! Let us welcome them one by one. <insert intro music here>

As per tradition, click the pictures to embiggen.

Phad Thai

Ang noodle dish above is Phad Thai. Hindi ka naman mapaphad thai ng pagkain na yan (#angcornykillmenow). Stir-fried (ata) noodles sya na may sahog na chicken (you can choose kung beef, chicken, pork or seafood) at may ibubudbod kang giniling na mani tapos lalagyan mo ng calamansi.

Kung idedescribe ko ung lasa nya, medyo magkahalong tamis at asim ung dish. Akala ko nga nung una is maanghang sya because of the color pero hindi naman pala. Masarap sya and it was a good appetizer for us.

Kai Yad Sai Mu

Meat (you can choose kung beef, pork or chicken. Sa case namin pork), eggs, oyster sauce, peas, carrots, garlic, pepper, palmsugar, fish sauce, white soya sauce, ketchup. Galing ko no?

Anyway, asa menu nila ung information na un, hahaha. This is a maanghang na dish. As in makikita mo sa loob ung tinadtad na sili. Para syang giniling sa loob nung itlog. Hindi sya torta e, kasi diba pag torta nakahalo ung sangkap sa itlog. Itong dish na ito is parang nilagay sya sa loob ng itlog, which is cool by the way.  Ok lang sa akin ung anghang nya kasi parang nagccounteract naman ung anghang ng sili at tamis ng ketchup. Masarap sya actually at sya ang dahilan ng extra rice ko nung gabing yon. =p

Green Curry

I swear muntik ko ng makalimutan ung pangalan nya, haha. Green Curry with beef (again you can choose your meat) and talong and some gulay with gata and, you guessed it right, green curry.

Marami silang Curry dishes. Meron silang Red Curry (which is ung maanghang na maanghang I think), Yellow Curry, and Green Curry nga. I think naging inspiration nila ang traffic lights sa pagpili ng mga curry colors. Feeling ko ito rin ay isang indikasyon kung gaano kaanghang ung mga dishes. Red is equal to stop eating, yellow is warning, and green is go. Abangan si Pink Curry at Blue Curry at makukumpleto mo na ang Bioman Curry Happy Meal.

Masarap naman sya at mas napansin ko nga ung gata kesa dun sa curry e. Hindi naman ganoon kalakas ung curry powers nya. Sakto lang, hindi overpowering. Hindi magaamoy Snacku ang hininga mo. Malambot ung meat na sineserve nila at maraming gulay ung dish for gulay lovers out there.

Taco

Hindi ko alam kung alam ba nila na patented na at may nagmamay-ari na ng pangalang Taco pero makisama na lang tayo.

Kung titignan mo sa picture ay para syang siopao but you are so very wrong. Ang description ni ate waiter waitress ay para syang maja… na hindi. Intruiging at magaling sa sales talk si ate, haha.

Ang red sa gitna ay cherry at ang puti na iyan ay parang may consistency at lasa ng palitaw… pero hindi sya palitaw. Syempre nagmamagaling ako sa pagdescribe ko pero ganun sya. May surprise pa yan sa ilalim.

With a sticky gelatinous substance inside

Tama si ate na para nga syang maja. Medyo may pagkalasang maja nga sya pero iba ung nasa ilalim nya. Siguro ung pinakaclose na naiisip ko ay ung parang palaman sa loob ng buchi. Sa substance ha. Pero sa taste, malapit talaga sya sa maja.

Walang price kasi nalimutan ko na ung price at hindi ako ang nagtago ng resibo.

Sila ay matatagpuan sa #5921 Alger St., Poblacion, Makati at narito ang kanilang google map location.

And I have been Thai-d! Léaw jer gan! (oo ginoogle ko yan)

Advertisements

Responses

  1. Yes nagutom ako haha sulat k p kailangan ko ng maraming babasahin haha


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: