Posted by: Oliver Lee | April 3, 2012

Missed out

This is a walang kwentang post. You have been warned.

***

Birthday pala nung blog ko nung April 1 (batiin nyo ko!) pero nalimutan kong magpost. For some reason, (na ikinagulat ko din) medyo naging busy ung weekend ko kaya hindi na rin ako nakapagsulat. Well, anyway, wala din namang kwenta tong isusulat ko.

***

Wala akong bakasyon ngayong Holy Week. As expected, walang nagmaterialize na plano sa mga drawing ng mga kaibigan ko. So mukhang November pa ata ung sure ko na makakatikim ako ng beach. Feeling ko talaga e November na ata ang idinesignate na summer ng kapalaran sa akin, haha.

Ang malupit pa niyan, nakamonitor ako sa work ngayong holy week. Hindi naman sya ganun kalala or kakomplikado. Well, sana lang hindi kasi itong linggong to, lahat ng sinabi ko, ung kabaligtaran ang nangyayari.

***

Katulad nung Lunes, ang expected ko talaga ay wala akong gagawin sa work. See, last week kasi, halos puro OT ata ako sa trabaho at halos 11 PM na akong umuuwi sa amin. Isang linggo ko ngang hindi nakita parents ko e, haha. Kasi nung weekend, wala din sila. Ngayon lang kami nagkita uli kasi ngayon lang ako nakauwi ng maaga haha. So since alam kong natapos ko na nung Friday lahat ng work na dapat kong gawin, ang expected ko e manonood na lang ako at magaabang ng bagong episode ng Game of Thrones sa office.

So nung Monday, ok naman ung morning ko. Walang masyadong emails, walang masyadong issue. Pero pagpatak ng 10am, halos hindi na ako makatayo sa upuan ko. Ang tanging pahinga ko lang ata nung araw na un e nung pnwersa kong tumayo ang sarili ko ng 1230 para bumili ng pagkain ko. Inuto ko na lang sarili ko at bumili ako sa Burger King ng lunch ko. Pagbalik ko sa office at habang kumakain ng lunch, sabay na din ung trabaho. Ihi lang ang pahinga. Abangan nyo statwa ko sa Luneta.

Buti na lang ngayong araw na ito ay medyo manageable ung work. Well, may issue pa din, pero out of my hands na. Sobrang nakakapanibago ung paguwi ko kasi kahit papaano ay may araw pang sumilay sa aking malaporselanang (na basag, na tinapon tapon at inapak-apakan) kutis.

***

Anyway, mayroon pa palang isang drawing na summer vacation, this time courtesy of my high school friends. Well ito medyo natutuloy naman kahit paminsan-minsan pero ayokong masyadong umasa dito. At least kahit papaano may isa pa akong drawing haha.

***

Namimiss ko nang kumain sa Binondo. Hindi ako expert sa kung ano-ano ang meron dun, ang alam ko lang kumain. Minsan naiisip ko na pumunta na lang dun mag-isa para kumain para lang masatisfy ung craving ko pero pag naiisip ko tinatamad ako.

Namimiss ko na din ang magsurf. Alam ko hindi ako marunong professionaly at lahat ng surfing activity ko ay may tumutulak sakin na coach (haha), pero nakakamiss pa din. Iba pa din ung feeling pag nakasakay ka at hindi ka nalalaglag sa board. Feeling ko nga hindi na ako marunong magbalanse e haha. Bumigat ata ung backpack ko sa harapan hahaha.

Namimiss ko nang magtravel sa malayong lugar. Ung bagong bago ka dun at wala ka talagang alam. Kung may gusto akong puntahan ngayon, gusto kong magpunta sa Ilocos. Napanood ko kasi ung sa Jessica Soho na P150 lang ung horseback riding tapos maghohorsebck riding kayo sa cliff. Saka alam ko dun din ung sand surfing e kaya un, kung may gusto ako puntahan, Ilocos.

Kung may namimiss naman ako na lugar na ok lang sa akin na puntahan uli, gusto kong bumalik sa Coron. Panalong panalo ung lugar na yun. At hindi ko pa naaakyat ng lubusan ung Mt Tapyas, haha. Feeling ko kasi pag diniretso ko un e matatapyas ung buhay ko. Pag bumalik ako dun, sisiguraduhin ko na magdadala ako ng isang litro ng Pocari Sweat.

Namimiss ko na ring mag Zambales, kaso nasa land of the kangaroo na si Epang. Wala na kaming treasurer. At kahit dalawang beses na akong nagpunta doon, hindi ko pa din alam kung paanong pumunta dun. Hindi ko alam kung saan bababa, anong sasakyan, at kung ano-ano pa. At kahit may google maps na, feeling ko hindi ko pa din magagawa na pumunta dun mag-isa, haha.

***

At ayoko nang magenumerate pa ng namimiss ko haha. Feeling ko magiging litanya na to pag itinuloy ko pang isulat. Kaya kung nasaan ka man ngayong bakasyon, whether nagpapakanognog ka sa beach or katulad kong magdamag na magmomovie marathon sa bahay (with matching work), enjoy your vacation to the fullest extent that you can and be thankful with what you have.🙂

P.S. Sama nyo ko sa bakasyon nyo, haha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: