Posted by: Oliver Lee | March 24, 2012

10 Things That I really-don’t-know-how-you-will-feel-so-I’ll-Ieave-it-up-to-you About Me

 

Summer na! Sana man lang ay isa sa mga nagsabi sakin na may gusto o nagpplanong magbeach ngayong summer e may matuloy. Hindi katulad last year na kinailangan ko pang maghintay ng Nobyembre at lumabas ng bansa para makaranas ng dagat, punyemas! Haha.

Summer na summer na talaga dahil ang init init ngayon sa kwarto ko kahit tutok na tutok sa akin ang aking electric fan. At dahil summer na summer na nga, kahapon ay naisipan/naalala ng brother-in-law ko na bumili ng shower heater na pinagusapan namin na bibilhin nya para sakin last December. I cannot wait to use that shower heater! Joke! Haha. Syempre gagamitin/kailangan ko naman talaga yun. Lalo akong nalalate kasi nagpapakulo pa ako ng tubig bago maligo tuwing umaga. Tapos syempre habang nagpapainit ng tubig nanonood muna ako ng tv, hanggang sa makalimutan kong nagpapainit pala ako ng tubig. Lalong late.

At dahil nakagawa na ako ng isang walang kwentang intro na super relevant sa gusto kong gawin sa post na ito, narito na ung mga naiisip kong sampung bagay na wala namang idudulot sa buhay nyo at hindi ko alam kung bakit nyo gustong basahin to (at opkors, hindi ko pa nakwento ever sa kahit ano sa mga post ko. I think.):

  1. Kapag kumakain sa labas, lagi kong kinakain ung yelo after kong maubos ung drink. Kinakain ko sya kasi sayang ung binayad ko usually naiinitan ako at gusto ko ng may malamig sa bibig ko. Saka masarap kasi malamig.
  2. Ayoko ng mainit (continuation ng taas). Mabilis kasi akong pawisan (pangnumber 3 na to). Actually, lagi akong may dalang jacket sa bag ko pag pumapasok ng office, pero rarely ko lang syang nagagamit. As in mabibilang mo sa daliri mo kung ilang beses kong ginamit sa isang taon ung jacket na un. Para sa taon na ito, 1 beses ko palang nagagamit ung jacket na lagi kong dinadala.
  3. Mabilis akong pawisan. Onting init lang, pinapawisan na ako. Sira ata ung thermostat ko sa katawan. Actually, onting physical activity lang, sobra na ung pawis ko.  Hindi naman ako pumapayat. It is so unfair. UNFAIR!
  4. Going back to food. Usually, ginagamit kong pangtinga ung straw ko, hahaha. Kasi sya lang ung far enough para maabot ung wisdom tooth ko (remember ung kwento ko sa wisdom tooth ko. Not? Pwes i-search mo, tinatamad me na maglink). Ewan ko ba, lagi syang nadadale. Kaya ang sakit minsan ng panga ko kakatoothbrush, sya kasi palagi ung pinagdidiskitahan ko.
  5. May pagkaimpulsive-buyer ako. Un ung isa sa mga pinakaayaw ko sa sarili ko. Naiinis na lang ako sa sarili ko siguro after an hour ko bilhin ung kung ano mang bagay ung naisipan kong bilhin nung mga panahon na yun. At hindi ko din alam minsan kung anong pumapasok sa isip ko para na lang bumili ng bagay bagay. Dati bumili ako ng speaker kahit gumagana pa ung speaker ko sa bahay. Ayun, hindi ko tuloy alam kung ano ung gagawin dun sa luma naming speaker, mukhang tanga lang. Ang isa pang klaseng example ko ay gitara. Well hindi ko sya binili pero nagpabili ako sa ate ko kahit hindi ako marunong tumugtog. Naisip ko lang, kelangan ko na talaga syang aralin. Can someone teach me? For free? As in gratis lang talaga, haha.
  6. Malakas akong uminom ng tubig. Sa isang araw, nakakailang litro ako ng tubig (alam kong litro kasi ang gamit kong water bottle ay ung sa Nestea na litro bottle. Oo, kailangang iexplain). Swerte nga kasi asa babang floor lang namin ung canteen kaya every morning, bumababa ako para punuin ng ice cubes ung water bottle ko.
  7. Hirap akong makatulog. As in matagal akong alive, alert, awake, enthusiastic sa kama bago pa ako makatulog. Actually, pinagawayan pa namin ng tatay ko yan kasi nga ayaw nyang maniwala na hirap akong makatulog (sandal-tulog kasi sila pareho ni mama). Umabot ako sa point na umiinom na ako ng gamot para makatulog pero itinigil ko na. Ayoko kasing maging dependent sa gamot. Kaya kung titignan mo ung timestamp ng post na ito, ito ang ebidens, haha.
  8. Mayroon akong mga vivid (hindi ung porn company) dreams na minsan ay nagkakatotoo. Narerealize ko na lang na napanaginipan ko sya pag andun na ako sa sitwasyon. Whether lugar na first time ko pa lang napuntahan, an event or a situation, a conversation. Hindi sya ung napanaginipan ko tapos masstuck sa memory ko. Naiisip ko na lang na napanaginipan ko sya dati. In short, deja vu, ang haba pa ng explanation ko, letse.
  9. Kapag sa mga outings (yey, nakonek ko sa intro ko!), ako ung last na naliligo. Matagal daw kasi akong maligo kaya sila palagi nauuna. Sobrang nanlilimahid na daw sila, hindi pa rin ako tapos.
  10. Connecting to number 9, ako din ung huling naliligo dahil hindi ako nakakagamit ng maduming banyo. Ung mga tarantado ko kasing kaibigan, alam nilang hindi ako nakakagamit ng banyo kapag madumi kaya ang siste, ako ung huling maliligo para malilinis ko ung banyo before and after kong maligo. Ginagawa akong katulong ng mga hayup na un, hahaha.

At since naibalik ko sa outing ang tema, sana lang talaga ay may matuloy akong outing this summer, haha. Dahil kung hindi, malamang sa malamang ay sa November na naman ako makakatikim ng dagat, haha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: