Posted by: Oliver Lee | March 1, 2012

Forever Blue

Alam nating lahat na hellish ang traffic at talagang naparalisa ang transportasyon nung Tuesday. Ikkwento ko na lang kung ano ang nangyari sa aking three-hour ride from Makati to Manila.

Yes, three hours. Para na akong umuwi ng Pampanga, lagpas pa, haha.

8:00 PM na ako umalis ng opisina. Actually, dumaan muna ako sa Park Square kasi may gift sa akin ang aking mga friends from the land down under (yes, they are from hell. Thank you again! =p). Alam kong wala na ung mga van na sinasakyan ko talaga na dumadaan sa amin kaya nag taxi na ako. Swerte at nakasakay agad ako ng taxi. Actually, pangalawang taxi na ito na pinara ko. Ung unang taxi ayaw kasi nga sobra at umaapaw ang trapik sa Maynila. Ung pangalawa, buti na lang pumayag ng walang dagdag at walang kontrata. Pure metro lang. Kaya saludo ako kay manong driver.

Nagplano na kami ni manong driver kung saan magandang dumaan. Iiwas kami sa Osmeña Highway dahil nandoon lahat ng chokepoints ng traffic kaya nag J.P. Rizal kami. Actually, ako na nga ung nagsuggest kay Manong Driver na kahit umikot sya paKalentong para ay ok lang.

Habang nasa daan ay teamwork kami ni Manong Taxi Driver (TD) sa pagmapout ng roadna dadaanan namin. Tinetext nya ang kanyang mga kapwa taxi driver para makakuha ng updates kung saan kami pwedeng dumaan. Ako naman, tutok sa Twitter page ng MMDA at Google Maps para malaman kung saan kami pwedeng sumikot sikot.

Medyo maaliwalas ang mga nadaanan naming at kung matraffic man kami ay sandali lang. Effective ang teamwork namin. Hanggang makarating kami sa Sta Ana.

Ayaw ni Manong TD na umikot kami sa Kalentong dahil masyado daw akong mapapalayo kaya kumaliwa na kami with the intent of going through Sta Ana palabas ng Pandacan. At doon nagsimula ang kalbaryo namin.

Naipit kami sa wagas na wagas at purong purong heavy traffic. Kahit gustong gusto na naming magU-turn, hindi namin magagawa dahil sarado ang gitna ng kalsada. Kailangan naming bagtasin ang buong kahabaan ng daan papunta sa pinakamalapit na U-turn slot.

Kung ano-ano ung pinagkwentuhan naming ni Manong TD. Pagreklamo ng walang humpay sa traffic, na sa tinakbo ng metro ko ay nakaabot na ako from Makati to Trinoma, kung saan pwedeng magcollege ang mga anak niya, sunog sa Tondo, Impeachment ni CJ Corona, updates mula sa mga kasamahan nyang taxi driver at kung ano-ano pa. At nang wala na kaming masyadong pagkwentuhan, pagsing-along sa mga kanta sa radio niya courtesy of Air Supply, Beatles, at kung sino-sino pang Never on Sunday artists.

Ang laki ng smile naming ni Manong nung nakapagU-turn na kami. Balik kami sa original plan na magKalentong. Ambilis ng byahe naming at halos wala kaming kasabayang sasakyan.

Traffic din sa Kalentong.

Pero hindi na katulad nung nasa Sta Ana kami. Medyo umaandar na sya. At nagsingalong na naman kami courtesy of Manong TD’s radio.

Pagdating sa Kalentong, bumaba na ako. Pinadiretso ko na si manong ng Quezon City para umiwas sa traffic. Ako naman nagjeep na dahil lumolobo na ung metro ng taxi nya.

Medyo marami namang jeep at namili na ako nung wala masyadong tao. Naupo ako sa right side ng jeep. Kapag sumasakay ako ng jeep, tinitignan ko muna lahat ng pasahero. Ewan ko, by default ata sakin un.

Sa left side ng jeep ay may nakasakay na baklang nakaheadphones. Kung idedescribe ko sya, kamukha nya si Shrek. Walang stir. With matching puting damit, ginawa nya lang black ung vest nya.

Anyway, habang bumabagtas na ung jeep na sinasakyan ko, huminto muna kami sa may Shell dahil nagpagas si Manong. Nothing out of the ordinary, nang bigla kaming nagulat sa narinig namin:

“DON’T WANNA BE FOREVER BLUEEEEEEEEEEE! ‘COS I DESERVE A LOVE THAT’S TRUE…..” (tuloy niyo na ung lyrics)

With matching pikit ng mata ang pagkakakanta ni Shrek. Pramis, kinanta nya ung buong chorus at bridge nung kanta. Hanggang ung sa dulo na hum/shout ni Cacai Velasquez. Forever na din atang maeetch sa memory ko ung pagkakakanta nya. Parang may kinakatay lang.

Bigla kong hinugot ung headphones ko sa bag. Kailangan kong i-isolate ang mundo ko sa mga pasahero ng jeep na sinasakyan ko.

Hindi ako judgemental, lahat kaming nakasakay sa jeep, humugot ng headphones.

At kahit nakaheadphones, hindi ka makakatakas sa kanya dahil ang next na kanta nya ay ung kanta ni Rihanna.

“WE POUND LOVE IN THE FERPECT FLACE. WE POUND LOVE IN THE FEEHERPECCT FLACE…..”

At wala akong mali sa spelling ko sa taas. It is as fronounced.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: