Posted by: Oliver Lee | January 29, 2012

The Singapore Adventure-lah! – Day 5 and Last Day

My silent protest was because I didn’t win in gillboard’s or gasdude’s contest. (edit: wala pa palang result ung kay gasdude, haha)

Joke lang! Syempre tinamad ako. At busy ako (e.g., tinapos ko ang FFXIII at kasalukuyan kong tinatapos ang inFamous. Yes, I got the thing I have been wanting to buy since October, nyahahaha.)

Pasensya sa mga nagaabang (kung meron man) at narito na ang Day 5 at last post para sa aking SG trip.

—-

Naligo, nagtoothbrush and nagbihis. Rinse and repeat.

Remember dun sa last post ko na merong Gundam Expo sa mall sa may Sengkang. When I went there for my breakfast, nakaopen na ung expo at ang dami-daming exhibit at murang bagsak presyong Gundam. Hindi ako bumili kasi hindi naman ako nangongolekta ng Gundam. All the same, ang cool nung robots na asa exhibit. At dahil mahirap namang magexplain in words ng mga nakita ko, narito ang lahat ng picture na kinunan ko para makabawi naman senyo. (pasensya na at nakayoutube. hindi na supported ung slide sa wordpress at hindi gumagana ung rockyou, ewan ko kung bakit =( )

After kong maglibot sa Gundam Expo ay pinuntahan ko na ang isa sa mga objective destination ko sa SG. Ang MINT Museum of Toys. Medyo naligaw pa ako sa pagpunta doon (which is not new) pero buti naman at nakita ko siya, thanks sa Ipad ni Jepoy, haha.

Isa sa mga balak kong puntahan to sa SG kasi dito nakahouse ung mga oldest or most expensive toys in the world. Mga rare collection din ung mga nakadisplay dito. From ultraman to mickey mouse to beatles e nakadisplay dito. Angganda din nung design (naks may alam sa interior design?) nung building saka gusto ko ung slogan nila haha. “The man who dies with the most toys win”.

At narito ang slideshow complete with effects na ngayon ko lang nadiscover kung paano (ako na ang bano).

After kong magpunta sa MINT, sumakay na ako ng MRT papuntang Harbourfront dahil nandoon ung sakayan ng cable car papuntang Sentosa. Nagpurchase ako nung round trip ticket from Sentosa to Mount Faber and back dahil nandoon na din ako, might as well diba? haha.

Pagpunta ko ng Sentosa, nagpurchase ako nung noon play pass. Sakto din lang kasi mga lagpas 2:30 na din ako nakarating. Since pagod na pagod na din ako, ang mga kinuha ko na lang na attractions ay yung mauupo ako haha. Which is ung pirates na 3d cinema, ung extreme log ride, Desperados 3d with shooting, and Luge D. May nakasabay pa akong tatlong lokal (sasabihin ko pa bang napagkamalan na naman ako?) na girls sa Extreme Log Ride at Pirates 3d. Magbabarkada ata sila. Ang pinagusapan namin ay ung mga anapeys na mababaho na kasama namin, haha. Kaya stick together kami (buti na lang may baon akong pabango). Ang kaso, hindi ko nakuha ung number nila (Stupid, Oliver! Stupid!).

Naenjoy ung Desperados kasi mabait si ate pina-dalawang sakay kami. Tapos kinausap ko pa si ate kung pwede kong bilhin ung 3d glasses ko, pero sabi nya the glasses are not for sale. Ngunit, subalit, datapwat, ang sabi nya sa akin ay mahuli daw akong lumabas.

Nag breath freshener me ng di oras.

Nung ako na lang ung nasa loob at nagpapanggap na nagaayos ng gamit sa bag, nilapitan nya ako. Kinabahan me.

Lagay ko na daw ung glasses sa bag ko, free of charge. Sabay smile. Umalis.

Un na un? Disappointz.

After nun, ay dumiretso na ako sa Luge. WHICH IS FUN! I am an effin’ good Luge Driver. Sana may ganun na malapit dito sa Pinas. Meron daw nun sa Subic kaso layo e, haha. Bibilhin ko sana ung picture ko kaso epal ung humarap sa camera e, sayang. Kala ko magisa lang ako dun sa pic.

At dito din sa Sentosa ko napuntahan ang aking only beach for 2011. Ang layo ng first beach ko for 2011.

After magmunimuni sa beach, sumakay na ako nung skyride at habang nasa ere ako nagtanggal ng buhangin, hahahaha.

At narito ang pictures!

Mineet ko si Bulakbulero after kong maglibot libot sa Sentosa at Mount Faber at dinala nya ako sa Ikea.

Medyo curious ako sa Ikea dahil ito ung isa sa mga accounts na hawak ko nung asa Logistics pa ko ni Maersk GSC. Ang alam ko lang e furnitures ang meron si Ikea, hindi ko alam na may fastfood effect din pala siya. Ang cool din nung mga furnitures na binebenta nila, parang isang lifesize lego set lang haha.

——-

Last Day

Breakfast for Last Day

Wala naman masyadong nangyari sa last day. After ko lang magbreakfast sa Sengkang at mamili ng thank-you gifts para sa mga tao sa bahay nina Jepoy ay dumiretso na din ako sa airport.  As usual napagkamalan na naman akong lokal at ng Filipino pa.

Ate Pinay : Hi, what train should we get onto to go to the Budget Terminal

Nakita ko ang sticker ng Cebu Pacific sa bagahe nya at halatang Filipino naman sya sa pag-eenglish nya.

Me: Ay ate sabay na lang po kayo sakin, dun din po ako papunta.

Ate Pinay: Ay, Pinoy ka pala. Pinahirapan mo pa akong mag- English.

In fairness, ang sama ko kasi nakita ko sa mukha nya ung hirap sa pagsasalita, hahaha.

Sa airport na ako naglunch. May nakasabay din akong OFW na dun nagtratrabaho sa airport at kahit anong kumbinse nya sa aking bumili ng Oakley Shades sa pwesto nila sa airport ay hindi ako bumili dahil wala na akong pera. Sayang ang discount, tsk.

At yan ang story ng aking solo sojourn sa Singapore. Next stop! Wala pa. Wala ng budget, iipon muna ako, hahaha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: