Posted by: Oliver Lee | December 1, 2011

The Singapore Adventure-lah! – Day 4

Nakalimutan ko na. Lols.

Anyway, mag-isa lang akong namasyal-masyal sa aking Day 4 dahil may pasok na ang like-a-bosz na si Jepoy sa kanyang opisina. After maligo, magtoothbrush at magbihis ay naghanda na ako para lumabas ng bahay.

Pero lo and behold, hindi ako makaalis ng bahay dahil nakalock ang pinto.

Ganito kasi yan, ang pinto kasi nila ay parang may gate/steeldoor/bakalnapinto (pasensya na, di ko alam tawag e) na may lock at kakailanganin mo ang susi to get in or out. Ganyan ka hightech ang pinto nila, lols. Ngayon, si yaya (remember ung yaya ni Jepoy sa aking day 1 post?) ay lumabas at nilakad-lakad si baby (hindi si Jepoy) Jacob sa paligid-ligid.

Wala akong cellphone number, wala akong susi, at wala akong way to contact si Yaya Irene.

Panic attack. Baka nagsentosa kasi uli sila, haha.

So naghintay muna ako at nanood ng tv sa loob ng kwarto ni Jepoy at buti na lang ay dumating na si ate after 10-15 minutes. Kinuha ko na agad ang phone number nya just in case para hindi na maulit ang nangyari.

Una akong pumunta sa Sengkang station. Un ung station na nagcoconnect sa main MRT line mula kina Jepoy. Since lahat ata ng train station ay may mall, naisipan ko na ding doon kumain dahil tomgoots na me.

May Gundam World Expo sa Ground floor nung mall. As you can see, nagsesetup pa lang sila. More on this on my next post, mamamatay kayo sa picture blast ng mga Gundam.

After kong magbreakfast, I headed out to Bugis Junction mall to meet an old friend. As usual, asa Bugis Station ung mall na yon kaya after looking at a map, I headed straight to my destination.

While waiting for the Circle Line Train.

Inside the train. Linis no? At walang trapik!

Since maaga ako sa aming meet-up, naglibot-libot muna ako sa mall na naroon.

There is a DC shop there. BAKIT WALANG DC SHOP SA PILIPINAS?!?!

Sikat si Sandara dito. Lahat ata ng mall na napuntahan ko nakakita ako ng ganitong standee.

Bakit walang ganitong mga libro sa Pilipinas.... BAKIT?!?!?!

After ilibre ako ng moyomongmoyomong si Gerou (as in ang yomon yomon nya talaga) ng lunch at dessert. Oo, with emphasis sa dessert. Hindi ko napicturean ung mga kinain namin sa sobrang amazement at realization na ang hirap hirap ko…. <insert crying smiley here>

ongyomonyomon ni Gerou

After naming maglunch ni Gerou, nagpasya akong pumunta ng Chinatown. May mga nagpabili kasi sakin ng Prawn Rolls at ang sabi ng isa naming friend na itatago ko sa pangalang “HayupKaJen” ay may  mura daw mabibilhan doon. Actually, nakita ko na ung isang store na alam kong nagbebenta ng Prawn Rolls (Bee Cheng Hang, meron nun dito sa Pinas) but since kuripotmuch ako ay nagdecide akong magpunta ng Chinatown.

Pagdating ko ng Chinatown ay naglakad ako nang parang wala ng bukas. As in lakad ako ng lakad at sumuot sa lahat ng street at tindahan ng Chinese stuff para lang makakita ng lintek na Prawn Rolls na yan. Sobrang pagod ako sa pagiikot-ikot, Ate Charo.

Narealize ko nang naubos na ang caloric value ng kinain ko (yes, caloric) na bumalik sa aking pinanggalingan at sumakay na lang ng tren at magpunta sa kung saan. Pero hindi ko na alam kung paanong bumalik.

Gamit ang ipad ni Jepoy, niload ko ang Google Maps at hinanap kung nasaan ako. Nakita ko naman kung nasaan ako. Hindi ko lang makita sa maps ang putanginang istasyon na pinanggalingan ko.

Putangina much indeed.

Hindi ko na alam kung nasaan ako. Wala akong makitang landmark na meron doon sa map. Ako na ang bobo sa mapreading. In-on ko na din ung GPS location pero parang anglayo layo ko na sa binabaan kong Chinatown station.

Nakakita ako ng isang Kopitiam. Nagdecide muna akong magpahinga doon at irest ang aking mga paa. Onga pala, ang palabas dun sa Kopitiam ay nagiintsik na Kim Chiu (parang talaga naman atang nagiintsik to), Gerald Anderson at Jake Cuenca. Dubbed version ng Tayong Dalawa.

Watermelon shake. Ang sagot sa mga nawawala.

Dyan ako napadpad

While nasa loob ako ng food court na yan, naggoogle map ako ng matino at binasa kung nasaang street ako. Ayon sa GPS ni Ipad (na mukha akong tanga dahil winiwave ko sya ng figure 8 dahil daw sa interference), ilang blocks na lang ako sa Raffles Place Station. So after magpahinga, sinunod ko ung map at nakita ko naman si Raffles Place Station. Gaanito pala sila kalayo.

hindi ko yan nilakad ng diretso. May kanto kanto pa akong nalalaman. At nakakapagod sya

Pagdating ko sa Raffles Place, may isang weird-bright idea na pumasok sa akin. Tutal ay kagagaling ko lang sa isang fucked up situation, why not bring it up a notch.

Sumakay ako ng bus ng hindi ko alam kung saan papunta.

Unang sampa ko pa lang dito sa SG, gustong gusto ko ng gawin yan. Sobrang komplikado kasi at nakakalito ang bus system nila na kailangan mo talagang aralin, hindi katulad ng trains. Sinakyan ko ung unang bus na huminto dun sa bus station malapit sa Raffles Place.

de bus

oo, dyan ako naupo, haha. May special needs ako, lols.

Napunta ako sa Dhoby Ghaut Station. Oo, sinapian naman ako ng sanity ko at bumaba ako sa isang train station para ma right on track ako. Bukod sa may mall ang station dito, may park din kaya nagpicture picture muna ako.

de park

di ko alam kung ano to

Ang cool nung mall, may tindahan ng swords sa loob. As in totoong swords!

bawal magpiktyur sa loob e, kaya dito na lang

some swordy stuff

After kong magliwaliw ay nagpunta na ako sa Vivo mall para kitain si Jepoy. Ang plano talaga, after ng work nya ay pupunta kami sa Sentosa. Kaso mo, ang lakas ng ulan kaya nung nagkita kami, nagdecide kami pareho na wag nang ituloy (Blessing in disguise yang ulan na yan actually, more on next post).

Sa totoo lang, hindi ko na din kakayaning magSentosa noong mga panahon na yun dahil sa sobrang pagod at sakit ng paa. Nagdinner muna kami upang mapahinga.

sa rooftop ng mall. Cool no?

Dyan kami nagdinner ni Jepoy.

roast beef and mashed potatoes

Ang cool dun sa kinainan namin. Pagkapasok mo sa loob ng restaurant at pagkaconfirm sa seats, bibigyan ka ng card as pictured above. Tapos mamimili ka ng food mo dun sa stations dun sa isang part ng restaurant. Ibibigay mo ung card mo and marerecord dun sa card mo na un lahat ng inorder mo. Then, syempre ung bayad is before you go out nung restaurant. Ang cool lang nung system nila, ang bad side lang doon, although nakalista ung food prices, hindi mo mapapansin na baka malaki na ung gastos mo sa food dahil swipe ka ng swipe, haha.

Over dinner, natanong ni Jepoy kung nagpunta na ako sa Merlion. Since hindi ko sya makakasama tomorrow at hindi ko alam puntahan ung Merlion, pnwersa ko sya na samahan ako noong gabi ding yon. AS in pwersa. Ayaw nya kasing pumunta dahil pagod na siya, hahaha. Kaso naisip ko naman na ako na ung pinakawalang kwentang turista kung sakaling hindi ko mapupuntahan yon. Kaya after ng ilang pilit, napwersa ko din syang magpunta sa hinayupak na merlion na yan, haha.

obligatory merlion picture

merlion (sori, wala akong matinong caption, haha)

Nung pauwi na kami, magtataxi na dapat kami kaso ayaw kaming parahan nung mga taxi. Since malayo ang train station, nagdecide kaming magbus ni Jepoy.

At pareho kaming nawala bago makauwi. Kthnksbye!

Next stop: Gundam, MINT Museum of Toys, and Sentosa!

Advertisements

Responses

  1. Potashet! natatawa parin ako sa pagkawala natin sa may Outram station napadpad tayo ng Tajong Pagar! Pota ang layo nun!!! LOL Ang galing mo mag kwento napaka detailed ikaw na ang tunay na writer! Go! Yung sex life mo naman ikwento mo later ahhahaha

    • haha, kung san na tayo napunta. ang confident pa nating sumakay ng bus hahaha.
      saka na ung gusto mong kwento, lols


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: