Posted by: Oliver Lee | November 22, 2011

The Singapore Adventure-lah! – Day 3

Pupungay-pungay pa ang aking mata nung gumising ako para sa aking Day 3 (parang PBB lang haha). Maaga para sakin ang 10am tuwing Sunday, lols. Sinamahan ko kasi si Jepoy sa kanilang church service sa Vivo City mall bago kami magpunta sa Universal Studios.

Going to HarbourFront Station/VIvo City Mall

After the service, kumain muna kami ng lunch sa mall. This time kasama na namin ang blogger-famous na si Gasolinedude, haha. Kasama kasi din namin sya sa service kaso ayaw nya kaming samahan sa USS dahil hindi raw kami ganun kasikat para igrace ng presence nya dahil pagod sya at marami pa syang chores that day.

Tinanong nila ako kung saan ko gustong maglunch. Isa lang naman lagi ang request ko sa mga ganyang tanong. Gusto kong kumain sa kainan na wala sa Pilipinas. Based on that request, nilibot namin ang floor kung saan kami naroon at naghanap ng kainan na wala sa Pinas. May sinuggest si Gasul na pasta place kaso hindi namin makita. Ang Vivo City mall nga pala ang pinakamalaking mall sa SG, mind you

Ang kaso lang gutom na gutom na gutom na kami. Wala pa kami pare-parehong breakfast at kumakalam na ang sikmura namin. Nakita namin ang Carl’s Jr., at dun na kami naglunch.

Technically, pasok sa requirements si Carl’s Jr. Wala na kasi akong nakikitang ganyan sa Pinas. Ang last na kita ko ata sa Carl’s Jr. ay nung college pa ako. Dun sa may Adriatico ata un. Isang beses pa lang ako nakakain, after nun wala na. Malas ata ako ahahaha. Pakibalita na lang kung magsasara na rin ang Carl’s Jr dyan sa SG, lols.

Nalimutan ko na ung pangalan ng inorder ko. Basta may Bacon at BBQ yan. CrissCut Fries are the best!

Namiss ko tuloy ang Carl’s Jr. Sana magkaroon uli sa Pinas.

Anyway, after lunch at saying goodbye to Gasul, pumunta na kami sa topmost floor ng mall dahil nandoon ang train papuntang Sentosa kung saan ang First stop ay ang USS. At narito ang isang picture-filled blogpost dahil tinatamad na akong gumawa ng narrative at manonood pa ako ng Simpsons.

We are so NOT lost.

The obligatory "Behind the Universal Globe" picture

I SWEAR ung arch ung kinukuhaan namin ng picture dyan

Singing "Candyman" while dancing. Angganda ng performance nila. I swear kaya kami nanood dahil sa performance nila. Nothing more. ("Isa pang mataas na sipa!")

Turista mode

Turista mode din daw si Jepoy. Sya na ang may blue na shades.

While waiting for "Lights, Camera, Action by Steven Spielberg". One of the best attractions here at USS. The far right poster is "A Beautiful Mind", one of the best movies ever.

Merry Christmas!

I rode the red track. After that, hindi ko na kaya ung blue. Haha. Also, it was drizzling when I rode the red rollercoaster so para akong basang sisiw after the ride.

Ako na ang model ng USS raincoats.

While in line for the Shrek 4d Adventure, sila ung asa harap namin, I swear gusto ko silang sabitan ng Albatross or sprayan ng Ambi-Pur.

Madagascar!

Mel's Diner. A 50's themed diner. Pinay ung cashier dito.

Sloppy Fries and Large Coke while waiting for the Monster Rock Show

After the show

7 P.M. pala ung closing ng park. After ng show at ilang picture picture sa labas at pagwiwindow shop, lumabas na kami ng park at dumiretso sa Hershey’s World at namili doon dahil sale. Kasalukuyang or naging poopoo na ng mga tao dito sa bahay ang binili ko doon.

Hershey's World

Buti pa ang chocolate may Kisses.....

Candylicious. Binili ko si Mama ng Jelly Belly dito kasi paborito nya un.

After ng aming USS trip ay bumalik na kami sa train station kung saan sumakay kami ng train (natural!) at bumabang muli sa Vivo City. As expected, nagugutom na naman ang aming mga katawang lupa kaya after maglibot-libot ng onti ay kumain kami sa isang Kopitiam doon.

Nalimutan ko na ung tawag sa food ko pero hot pot yan. May apoy pa yung soup sa ilalim, natuwa ako haha, kaso di makuha nung camera ko ung apoy, mapapaso daw sya, lololololol

Hot Pot Goodness!

After dinner, we went straight home at bumagsak na kami sa aming mga kama. May pasok na kasi kinabukasan si Jepoy, and I have a long day ahead of me the next day. At hindi ko inaasahang magiging super duper long sya, haha.

Next posts, Oliver goes solo!

Advertisements

Responses

  1. Adik! Haha kaya hindi ako sumama kasi wala talaga akong pera nun at nahiya naman ako kay Jepoy kung siya pa ang manlibre sa ‘kin. LOL! Saka hindi ako blogger famous haha ordinaryong blogger lang ph0wz. :))

    • hindi ako naniniwala. Ayaw mo talagang sumama sa mga pobre like us, hahaha

  2. Nice post again namiss ko ang uss at sayang d ko nasakyan ung ride na un. Pampalipas oras ulit ang post mo hehhe

  3. ikaw na ang best detailed story telling! nasa na yung picture kung naka kapote?!

    • asa fb! Ako bida dito kaya picture ko lang, lols.

  4. Inngit me! Inggit much.

    • ikaw nman maghasik ng lagim dun, haha.
      anyway, i just read about your nomination, congrats!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: