Posted by: Oliver Lee | November 18, 2011

The Singapore Adventure-lah! – Day 2

Sasama dapat ako kay Jepoy sa kanyang Saturday Morning Exercise Rituals the next day. Opo mga kapatid, totoo ang mga pinaggagagawa nyang exercise. Walang stir. Nagsswimming sya sa umaga. Kaso bumawi ata ang katawan ko ng tulog dahil ang aga-aga kong nagising nung Friday, tapos ang late late na ng tulog ko, nagising ako ng 12 nn.

Nagising ako at naligo, pinagdalhan ako ng tinapay ni Jepoy paguwi nya kasi di pa ako kumakain (ang poor me). Magisa lang muna akong gagala ng hapon dahil may practice pa si Jepoy para sa sa church nila. Nagdecide akong bumalik sa Funan Digital Mall, kasi well, gadgets un e, alam na! Hahahaha.

Naghiwalay kami ng train na sinakyan ni Jepoy pagdating sa Dhouby Ghaut. Dumiretso na sya sa church nila at dumiretso naman ako sa City Hall Station na kung saan HINDI DOON matatagpuan ang City Hall as per Jepoy. Doon kasi malapit si Funan Digital Mall. Buti na lang at may directional sense pa ako. Hindi ko kinailangan ng Google Maps. Actually kahit kailanganin ko sya, wala akong magagawa. Wala akong mobile internet. I am digitally blind.

While walking na umuulan-ulan ng onti, may napansin akong church sa right side ko so nagdecide muna akong sumidetrip.

side view of St. Andrew's Cathedral

Marker for St. Andrew's Cathedral

Inside the church. Hindi ako makapormang magpicture sa loob kasi may naghahanda ng wedding.

Maganda ung loob at labas ng church nila. Medyo hindi lang talaga ako makapagpicture picture kasi busy ung loob ng church. Saka napakaout-of-place ko doon sa lugar dahil habang nakagown at amerikana silang lahat na nandoroon, nakashorts, tshirt at tsinelas lang ako. So after looking around the church na nagmumukhang lost, umalis na ako at dumiretso sa Funan Digital Mall.

A view from the 3rd floor. May sale sa mall tapos may booth ng Kinect sa baba where you can play for free.

Funan Digital Mall is ung mall na puro gadgets and games mostly ang tinda (my kind of place). Ito raw ung parang pinaka IT hub dito. As soon as I arrived dun sa mall, sa food court muna ako dumiretso dahil nasusunog na ng gastric juices ko ung sikmura ko.

Sa totoo lang, nakaset na ung mind ko na sa pepper lunch ako kakain. Kaso, ang tagal tagal nung ateng cashier (nakikipagtsismisan siguro sa loob) so I decided na doon na lang sa katabing stall bumili ng food.

Hindi ko alam ung pangalan ng stall na binilhan ko ng food. Basta nakita ko lang sa picture sa menu na nagbebenta sila ng Hainanese Chicken so un ang inorder ko. Medyo nagkalituhan pa kami sa pagbabayad kasi cncheck ko pa ung denomination nung barya na hawak ko. Inuuna ko kasing maubos ung barya bago ung bills ko at inaaral ko pa ung pera nila.

Turns out, masarap naman ung inorder ko. Pwede ko syang ulitin at sana ay may nagbebenta sa pinas ng ganung kalidad na Hainanese Chicken. Sayang lang talaga hindi ko nakuha ung pangalan ng stall. Ito pala ung picture nung kinain ko (as if you care):

Nakasubo na ako ng pagkain bago ko naalalang ppicturean ko pala sya, hehe

After kong kumain ay nilibot ko ung buong mall. As in literal na nilibot ko ung mall. Every stall ata pinasok ko. Sayang ung points sa Foursquare, wala kasi akong internet, hehe. Nagenjoy ako lalo sa 4th floor kasi puro games ang tinda. Sana may ganun sa Pilipinas where there are stalls na puro games ang sineserve. Dun ko din natest ang sarili ko sa aking impulsive buying. As in sobrang temptation, hahaha.

Nung dumating na sa Funan Mall si Jepoy, nagyaya ako na itry namin si Jollibean na nakita ko yesterday. Sounds familiar ba?

Looks familiar din sa font di ba?

Hindi siya isang sikat na burger chain kundi isang soya milk drink and bread stall. Or something like that. Mayroong branches sa mga malls around the country at masarap ung breads nila. Ung drink is so-so (at hindi galing sa su…). Hindi naman ako kasi mahilig sa soya drink kaya wala akong opinion.

Red mongo filling. Wala akong picture pero mas masarap ung cheese na filling. Both in taste and feeling #angkornikosyet!

After naming magmeryenda sa Funan ay nagtaxi na kami ni Jepoy papuntang Jurong. Ayaw magbus ng lolo nyo at masakit na daw ang tuhod, hahaha.

Pagdating namin sa Night Safari, mayroong nag shoshow sa may stage malapit sa entrance. Ang tawag sa show nila ay Thumbuakar. So sila ung mga acrobats/gaas blowers to make fire stunts/show and stuff. Nakakaliw naman ung performance nila.

Night Safari

asskissed

tickets and leaflets

People from all corners of the world

Bago namin simulan ang aming trip, kumain muna kami sa Bongo Burgers dahil pareho na kaming gutom at para may energy kami to roam around the area.

Bongo Burgers

Beef Pepper Burger

Masarap ung Beef Pepper Burger nila.

Ang galing ng review ko, haha. Well, juicy ung burger nila and their patties are great as well. Hindi ko lang alam kung part ng regular menu nila to kasi parang may stand lang na maliit sa cashier.

Ung fries is hindi masarap. Parang ung bland na fries ung sinerve. Alam mo ung fries na parang matagal na nastore sa freezer tapos nakalimutan tapos niluto tapos sinerve sayo tapos kinain mo. Aun, ganun sya.

Ang cool lang kasi may kasamang salsa so un, try nyo sya, haha.

After naming kumain ay dumiretso muna kami upang manood ng Creatures of the Night sa Ampitheater. Un kasi ung advice samin ni Ate Gatekeeper (Di ko nakuha ung pangalan nya, sensya sya). Gatekeeper kasi sya ung nagtatao sa gate at nagccheck ng tickets. Advice nya samin is manood muna kami nung show kasi mabilis daw syang mapuno. E 30 minutes to start na ung show kaya pumila na kami. Good advice naman kasi ambilis ngang mapuno nung theater. Bukod sa limited pa ung times ng showing.

Halatang Pinoy ung host kasi walang accent ung Ingles nya. At as a proof e binati nya nga ung mga kababayan nya haha. Ang cool nung show. Aside from being informative ay entertaining din siya. You get to see some animals na sa tv, internet, or print mo lang minsan makikita.

An Australian kid from the audience volunteered to be a part of the segment of the show.

Laughing Hyena

An otter (I think) shows how to put trash in their respective bins for recycling

After the show, which we really enjoyed, pumunta na kami sa tram station para maexperience ang night safari. Mayroong walking trail at tram trail, at since pareho kaming tamad ni Jepoy at masakit na raw ang kanyang paa, we decided to go with the tram trail. Pareho din lang naman kasi ung makikita sa both trails.

Walang masyadong picture akong nakuha sa safari dahil sa bukod sa bawal ang flash photography, pangit ung camera na dala ko. Poor lang me. So ito lang ung ilan sa matinong kuha ng picture sa loob.

Birds (obvious? haha). Swans ata to.

Leopard Trail

Halfway walking trail signposts

Halfway sa tram ride ay pwede kang bumaba at libutin ang part ng trail na hindi inaabot ng tram, which is what we did. So kasama dun ang leopard trail, bats, tarsiers and some other animals. From here you can personally see up close ung ibang animals, especially the bats. Nakakatakot lang kasi baka maihian/iputan kami pero oks lang. Surprised din ako kasi hindi mapanghi ung mga bats. And mukhang hygienic itong mga bats kasi they poo and pee ng upright position so hindi sila naliligo sa sariling ihi nila.

Anyway, since bumaba nga kami dun sa tram na sinakyan namin, bumalik na kami dun sa station to catch a new tram. At dito na nagsimula ung kwento ni Jepoy. At napressure akong ikwento dahil kulang ung post nya. Hayup.

Andun kasi kami sa 3rd coach, 2nd row naupo. Bago umalis ung tram ay may humabol na 3 girls from, well Americans ata, kasi hindi naman English ung accent nila e. Anyways, maingay na sila from the start pa lang ng tram. And all through out the ride. Nasabihan pa nga sila nung guide na wag masyadong maingay kasi nga nocturnal ung mga hayup at baka maaligaga sila e puro mga tiger, hippo at rhinos ung mga titignan namin.

Well, while the ride is ongoing, meron palang napuslit na alcoholic drink itong tatlong to so nagiinom sila thru the ride. Wala kasing ilaw at madilim so maaaninag mo lang sila. After drinking, may kissing nang nagaganap. Sabi ni Jepoy, may finger blasting din daw na nangyayari pero hindi ko na kasi napansin, nalaman ko na lang after nung ride nung knwento nya sakin sayang!. Itinataas ko kasi ung ulo ko to get a better look para harangan sila from view dahil may bata dun sa likod na row namin. Pipiktyuran ko sana sila or irerecord ung voice nila kaso asa likod nga lang nila kami, baka mahalata ako.

Kahayupan nga. Baka part nga din sila ng Night Safari, haha.

Sa totoo lang, nakakastress sila. Sobrang ingay nila at hindi namin maenjoy ung safari. As in lahat kami nung bumaba ng ride ay badtrip sa kanilang tatlo. After nung ride at nung pagdating sa station, napansin namin na andaming sulat dun sa row nila. Vandalism is a big no-no sa SG. As soon as pagbaba nila ay pinalibutan sila ng staff at hindi na namin alam kung ano ang nangyari.

Binilisan na namin ni Jepoy ang lakad palabas to get away from them kasi ang iingay nga nila at badtrip na kami pareho. While waiting for the bus, we saw one of the girls running at hinahabol ng staff. Nagshoplift ang gaga.

Nung nakasakay na kami ng bus, naisip ni Jepoy na pumunta kami sa Clark Quay (pronounced: Klark Kee. Kalerkey!) kung saan ito raw ang pusod ng nightlife ng SG. Well, para syang isang malaking party place.

At Clark Quey

Extreme Reverse Bungee Jump.

Well, puro bars and party people ung mga tao sa Clark Quey. Sabi ni Jepoy, mahal daw ang night life sa SG. Pagdating kasi ng 11-12 ng gabi, wala ng bus masyado at wala na ring MRT. Taxi na lang daw ang mode of transportatoin at pagpatak ng gabi, ung fare mo plus kalahati ng total fare ang bayad sa taxi.

At bilang proof na ito talaga ang party place:

Ayus si lolo diba? Hahaha!


Responses

  1. hahhaa astig ni lolo!!!! day 3 na! hahah
    mukhang nilibot at alam na alam mo na ung future city mo ah hehhe

    • buti pa si lolo……

  2. LOL salamat sa chocolate na token mo. Nag tumbling me ng wagas!

    • hinaluan ko ng laxative yan kaya nagtae ka din ng wagas, lols

  3. lol at Jollibean

    • in fairness kay Jollibean masarap ung pastries nila hehe

  4. Hongyomon! Pa-Sg Sg lang hehehe…Si lolo pumapalo pa hahah astig!

    • nagdildil po ako ng asin ng 5 buwan hahaha


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: