Posted by: Oliver Lee | November 13, 2011

The Singapore Adventure-lah! – Day 1

Habang sinusulat ko ito e pinaghintay ako ng hayup na Jepoy sa Changi airport. NagSentosa daw ang yaya nya kaya walang tao sa kanilang bahay (Sya na ang may yaya). The plan is, didiretso sana ako sa kanila para iwan ang aking maleta at kikitain ko sya sa outram park something (hindi ako sure haha, buti na lang may mapa ako). Kaso un nga,wala akong madadatnan sa kanila.

Anyway, ginala ko muna ang Changi airport at anlayolayo nya sa airports natin hahaha. Literal at figuratively.

Smooth naman ung ride ko. Nakatulog pa nga ako sa byahe. First impression ko sa dito habang naglilibot-libot ako sa loob ng airport ay sobrang multicultural sya. Syempre excluding ung passengers dun no. Observing ung employees working for and in the airport, may Indian, may Pinoy, may Malaysian, may locals. Natuwa nga ako kasi nagpamoneychange ako, Pinay ung asa cashier hehe. Wala man lang extra, lols.

First thing is naghanap muna ako ng maps. Although super reliable ung maps sa cellphone ko, talo ako pag nalowbatt ako so getting some maps was my first stop.

Syempre nagutom na ako at guess what welcomed me here, BURGER KING! Hahaha. Yup, ankorni ko, unang kain sa BK, haha. E nagugutom na ako e, wala pa akong lunch mag alas dos na. Ang cool lang nung BK dito kasi may chili sauce sila. Wala naming bago sa lasa nung burger. Ganun din. Masarap lang ung chili sauce nila.

tomgoots solver

Anyway, sad to say ay walang wifi ang BK dito unlike sa atin. Buti na lang at may nagmagandang loob na nagshare ng wifi signal kaya natawagan ko si Jepoy. Ewan ko kung sino un. Basta nung nakita ko ung free wifi nagconnect agad ako. Ung free wifi kasi here is kelangan mo pa ng sim card from the mobile phone service provider. E since wala naman akong balak bumili ng sim card, at ung “free” wifi ay may charges (di ko pa din nagets pano nilang natawag na free wifi un) naghanap na lang ako ng talagang totoong free wifi signal. Ayokong gamitin ang roaming line ko dahil maghihirap ako sa charges. EDIT: Meron palang wireless@SG kaso di ko naman alam na kelangan ko palang magregister sa information counter. Nung nakasakay na ako sa tren nung saka ko nalaman.

Since marami pa akong time to spare, at sawa na ako sa paglalakad around the airport, tumamabay muna ako sa YoghurtPlus na katabi ng taxi bay. Actually, wala akong balak magyoghurt. Maganda lang kasi ung dalawang nagseserve kaya napaorder ako at para may dahilan akong tumambay, haha. Inask ko din sya kung ano ung password nung wifi nila kaso hindi nila alam. Pinapagamit nya sakin ung Ipad nya pero sabi ko ok lang. Naunahan ako ng hiya, lols.

Hindi ko na din pala pinktyuran ung yogurt na kinain ko kasi busy ako sa eating and staring haha. Actually sa BK, eating and staring din ako. Pre-occupied lang ako kasi di ko pa alam ung magiging setup naming ni Jeps pano kami magkikita. Pero that staring made me a little too busy as well, hahah.

Staying at the airport was ok. And the staring made it more ok.

This is very helpful

Nagpunta ako sa Vivo City Mall kung saan kami magkikita ni Jepoy. Basta may train buhay na ako at alam ko na kahit papaano ang way ko. After kong makarating sa mall, naglibot-libot muna ako kasi wala pa si Jeps. Nagiskandalo pa ako sa food court kasi nabitawan ko ung maleta ko, ang lakas nung kalabog, haha. Pinagtinginan ako tuloy ng mga tao, di na ako kumain. Hiya ko na lang, haha.

Isang floor lang ung nalibot ko, ung floor lang kung saan connected ung station na binabaan ko. Ayoko din naming maglibot sa kung saan saan kasi anlaki laki ng dala kong maleta. Hassle. So kinuntento ko na lang ung sarili ko sa kung anong meron dun sa floor.

Pagdating ni Jepoy ay agad kaming tumungo sa kanilang lugar dahil natatae na sya para may mapagiwanan ng aking gamit. Agad kaming tumungo sa Funan Digital Life mall para imeet ang kanyang mga friends sabay dinner. Ung Mall/lugar daw na un ay kabisera ng mga IT peeps. Dun daw usually nagooffice ung mga IT professionals. Tapos ung mall is puro gadgets ang tinda. So baka balikan ko sya while I’m here (malamang kasi pag wala na ako dito di ko na sya mababalikan, sana mura lang PS3).

This is a very cool building.

Raffles Terrace

Fort Canning Park

After that ay nagpunta kami sa Raffles Terrace/The Canning Park (Nasa taas ng Raffle Terrace ung Canning Park) kung saan may worship sila for the night so sumama muna ako. After their activity ay nagpunta kami sa Sengkang para kumain sa Hawker stalls doon. Kopitiam ang local na tawag sa kanila. Since wala akong idea what to order ay inorderan nila ako ng chili noodles na may pork cracklings,gyoza,gulay, all rolled into one. Hindi ko kasi alam kung anong tawag sa kanya. Minced Beef daw. Hindi ko din napiktyuran. Ako na tamad.

Hindi ko sya naubos, haha. Hindi ko kaya ung anghang nung noodles. Ang init sa tyan. Pero masarap ung soup nya. Nakahiwalay kasi ung soup dun sa noodles so ayus.

Nakauwi na kami ng 2:40 am the next day. Hindi na namin namalayan ung oras. After checking some online stuff, bagsak at instant tulog ang katapat ko.

Problema ko pa din ung internet (sayang ang foursquare points) pero papahiram daw muna sakin ni Jeopy ung Ipad nya kasi di naman daw nya nagagamit (sya na ang hindi gumagamit ng ipad). Iniisip ko kung saan kaya ako pwede magparegister dito ng wireless@SG. Ayoko naman kasing bumili ng sim card kasi hindi ko na din naman sya gagamitin. Pinahiram din pala ako ng SMRT card ni Jepoy, may extra kasi sya, para loloadan ko na lang at hindi na ako bibili.

I’m not kuripot, I’m just frugal, haha.

Advertisements

Responses

  1. Welcome to Singapore Bro! Haha ngayon lang ako naligaw sa blog mo pero naririnig ko na name mo dati. Sana naman nag-eenjoy ka sa trip mo.

    • Thanks! Ambilis magcomment, haha. Ako minsan minsan napapabisita sa blog mo. I think nakapagcomment pa ako once or twice dati, long time ago nung may superpowers pa ako sa internet sa office haha.
      Umulan kanina sa USS nung pagpunta namin hehe.

  2. NExt stop, Sydney na! 😛

    hahaha hanep yaya ni jepoy a!
    haha!

    at tawang-tawa ako sa walang extra sa pina-money exchange mo 😛 pati chilli sauce pinagdiskitihan!? hahahha! 😛 hindi ko masyado makita si jepoy. hahaha!

    ngapala… napansin ko sa sidebar: “asa tabi-tabi lang: chat with me on YM” … wow…chat talaga. hahahhahaha sorry. inside joke na natin yan oki? 😛

    • shh! wag kang maingay, hahaha.
      pagiipunan ko ung Sydney, haha, mukhang mahirap yan e, lols.

  3. lakas mo maka travel blogger–minus the photos :))
    ingats!

    • tamad me,hahaha.
      late ko na nga naiisip na kumuha ng piktyurs.
      dapat kasama ka nyan e, hahaha.

      • siyempre binalikan ko yung comment ko kung nagreply ka diba? :)) ge, pagnagresign na ako sa trabaho ko malamang e magbackpacking trip ako at last stop ang sG 😉 ibigay mo sa akin yung itinerary mo ah? e hindi nga ako pwede sumama dahil ang daming aberya na nangyare. mabuti na lang hindi ako nagbook kasi masasayang lang pera ko 😛

      • walang kwenta ung itinerary ko, anything goes haha.
        tuloy na ba korea?

  4. Hi XG i miss you! Oo si XG talaga ang reason baket ako nag comment. Puta u! LOL

    • letse!

    • sabihan kita kung papunta ako ng sG. ilibre mo ako? yes? 😀

  5. pupunta rin ako diyan sa singapo HAHAHAHA okay La. lol


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: