Posted by: Oliver Lee | October 12, 2011

Inception

Gumising ako kaninang umaga ng sobra ang sakit ng ulo (sa taas). Hindi ko alam kung ito ay idinulot ng pakikipagkita ko sa aking Maersk (bahala ka na sa pronounciation, ang hirap palang isspell ng sakto pag pronounciation) friends , pagiging stressed sa trabaho or hindi pagtulog ng maaga (which is dahil din sa work, haha).

Naghalday sick leave ako dahil hindi talaga ako makabangon sa aking higaan (wotsuuu!) . Since malalate na rin ako (ayun naman pala!) at hindi din ako makafunction ng maayos, nagdecide muna akong magpahinga  at pumasok na lang ng hapon. Since hindi din ako makatulog dahil dumating na ung pamangkin ko sa bahay (which is kanyang day care center), nagbreakfast na muna ako ng ispageti at nakipaglaro sa aking pamangkin.

After ilang saglit, nagdecide na akong mahiga muna. Since ang pinakamabisang gamot sa sakit ng ulo ay tulog, hinayaan ko ng yapusin ako ng aking kama at dalhin sa lugar ng antok at tulog.

At dito nagsimula ang aking inception. (ang haba ng intro ko)

Sa simula ng panaginip ko, nakahiga pa din daw ako sa aking kama. Pahanda na daw akong maligo para pumasok. So kinuha ko na daw ung tuwalya ko at bumaba sa hagdanan. Habang bumababa ng hagdanan at nasa may kusina na ako, narealize ko na kakatext ko lang pala sa boss ko na maghahalfday ako nung araw na un.

Dun ko narealize na nananaginip na ako. Bigla daw akong naghilamos sa lababo. Hindi pa din ako nagising, pero ramdam na ramdam ko ung basa ng tubig sa mukha ko (at this point, naiisip ko na malamang ay tumulo at kumalat na ung laway sa unan ko kaya nararamdaman kong basa ung mukha ko). Pagwipe ko daw ng mukha ko ng tubig, nakita ko ung kutsilyo namin sa bahay na orange ang hawakan. Naalala ko ung Inception.

Gagamitin ko ba ung kutsilyo para magising ako?

Syempre hindi. Ansakit kaya nun.

Kaya ang ginawa ko ay isinahod ko na lang ang aking mukha sa gripo para magising.

Nagising naman ako. Pagmulat ng mata ko e nakahiga a uli ako sa kama.

Pero alam kong panaginip uli un.

Alam kong nananaginip uli ako nun dahil asa kwarto ko ung tv ko. Nung kamakalawa lang ay kinuha ni Papa ang tv sa kwarto ko dahil inilagay nya un sa aming canteen sa 2nd. At dahil wala namang gripo at kutsilyo sa kwarto ko, ang ginawa ko ay isinubsob ko ung mukha ko sa aking mahabang unan (abrasador ba ung tawag dun?) at pinilit kong imulat ung mata ko.

Nagising naman ako. Pagmulat ng mata ko bumalik ako sa kusina, nakatayo sa harap ng lababo habang tumutulo ang tubig sa gripo.

Naweweirduhan na ako. At nandun pa rin ung kutsilyo.

Anong ibig sabihin nito?!

Asa diwa ko pa din na nananaginip ako. Kaya ang ginawa ko ay umakyat ako uli papunta sa kwarto ko. Dumapa sa kama at isinubsob muli ang aking mukha sa unan. Pinipilit kong imulat ang aking mata at buong lakas akong umikot sa kama.

Nagising na ako. Para akong tumakbo sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

At basa ang unan ko.

Moral Lesson of the Story: HUWAG KANG KAKAIN NG ISPAGETI BAGO MATULOG!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: