Posted by: Oliver Lee | October 1, 2011

Enumeration

Ni Hao mga kapamilya!

Sabi ng kaibigan ko magsulat na daw ako. Matagal na daw akong hindi nagsusulat. May natutuwa daw sa mga sinusulat ko. Hindi ko naman alam na nakakatawa ung mga pinaglalagay ko dito. Kaya dun sa natutuwa sa sinusulat ko, pwede bang ung kaibigan ko naman ung pasiyahin mo. (hint! hint!)

Parang Boy-Pickup lang, lols.

Anyway, ayoko na din magrason kung bakit hindi ako madalas magsulat. Alam nyo naman ang rason dun (keyword: tamad). Ieenumerate ko na lang ung mga happenings na I should have write about but did not because I’m lazy like that:

(This is in a particular order….. that I remember.)

1. Shooting

Shooting na as in barilan. Hindi ung lights, camera, action. Alam ko artistahin ako, pero… (ilag bato ng tsinelas here)

Ayun, so kami ay nagtarget shooting somewhere in Quezon City. “Somewhere” in Quezon City kasi literal na nasa kaloob-looban sya ng Quezon City. Wala sya sa puso ng Quezon City. I think alak-alakan siya na part ng Quezon City.

At dahil sadya akong helpful, narito ang mapa kung saan kami nagpaputok. And it’s not the putok that you’re thinking of.

Gumamit kami ng Calibre .45 pistol at 9mm pistol. Nakakarelieve pala talaga ng stress ang pagpapaputok… ng baril. Narito nga pala sa ilalim ung mga target boards ko.

Target Board for Calibre 45

Target Board for 9mm

Kung mapapansin ninyo, puro daplis lang sa target ung nabaril ko. Kaya kung magpapaputok ako kailangan safe dapat ung sa gilid nya ung aasintahin ko. Sabi ni manong trainor (read: treeeyneeer), spread shooter daw ako. In other words, hindi ako asintado, lolololol. Bago ko napatay ung main villain, napatay ko na ung mga alipores nya. Action Star!

Also,  walo kaming pumunta dyan at muntik na kaming pito na lang na aalis sa lugar na iyon. I’m proud to say na hindi ako ang may kasalanan nun. Nasa Australia na siya. Dun sya nagpapaputok. 

Ito nga pala ung video ko ng aking pagpapaputok. Parang scandal lang sa pagkuha, lols.

2. Tree Planting Activity

Oo, kahit papaano, mahal ko ang kalikasan. 

Akshwale, yan ay ung aming community service sa opisina. Umakyat kami ng bundok somewhere in Antipolo. Hindi ko alam kung anong pangalan nung bundok e. Basta alam ko sa e puro tae ng kabayo at kalabaw ung daan paakyat nung bundok na yun. Therefore, by the powers vested in me by the poops that I awesomely dodged, I hereby name thy mountain Mount PooPoo.

So sa pag-akyat namin sa Mount PooPoo, anim na grupo kami. Since kami ay enthusiastic at super excited, guess what kung anong group number namin?

Kaming group six ang nahuling umakyat at naunahan na kami ng ibang group sa mababang lugar upang magtanim. No choice, kaya kailangan naming umakyat pa ng mas mataas. Since asa bundok, may calloff ang bawat group upang hindi magkawalaan. Basta ang instruction sa amin, pag narinig namin na may sumigaw ng group number namin, isisigaw namin ang number namin. At since mababait kami,nag cacall off kami at ganito ang eksena:

Group Leader: Oh, call off tayo. GROUP SEX????

Team members:  GROUP SEX!!!!!

At nagecho ang aming group number sa kabundukan. Saya diba?

Anyway, I’m proud to say na may naitanim naman akong tree seedlings. Hindi ko lang alam kung anong klaseng puno un. Basta may dahon at ugat at sanga sya. Tatlong beses nga pala akong nadulas sa bundok. Lahat kami, nadulas at death defying ang mga dulas namin.  Hindi in ang hindi mababalot ng putik ang pantalon. Kahit hindi kasi maulan, sobrang putik nung bundok na inakyat namin. Take note, almost 45 degrees ata ung paakyat na tinatahak namin. Also, wag kang maniwala sa degrees degrees ko. Echos lang yan. Ito ang picture para mavishwalayz mo.

Diretso naming nilakad yan. Mungtanga lang.

Ganyan ang ginawa namin. Also, hindi ako ung nakasumbrero. Lalong hindi ako ung nakacrawl, At hindi din ako ung kumuha, Sa totoo lang, hindi ko alam kung nasaan na ako nung mga panahong iyan.

(Kumakain ala-) Construction worker at your service

Credits to Sir RG (parang blind item lang, lols) for the photos, screengrabbed from his FB photo album. Bnlur ko lang for…. actually, hindi ko alam kung bakit ko bnlur. Basta enjoy lang gamitin ung blur tool ng PS.

3. Birthday ni Batching Maanne

Kamakailan lang ito. Actually, ito ata ung kaunanahang birthday na wala kaming inuman. Ito ay dahil bawal akong uminom ng kahit anong alcohol lately. Kahit isoprophyl hindi pwede. (weh, ankorni na). Snshare ko lang ito kasi nagsama sama kaming tatlong batchi. Kulang kami ng isa, may concert concertan kasi sya. High School classmates kami. Fifteen years na pala kaming magkakabarkada, mungtanga lang.

Habang nagkwekwentuhan ay nahalungkat namin ang picture na ito na ginawa namin nung Third Year kami. Hindi pa uso ang digicam. Ang digicam noon e kailangan pa ng 3 1/2 floppy disk bilang storage device. San ka pa?

Year 2000 - Third Year

Sabi ng mga kaibigan ko, yan daw ung aking “marasmus” days.Minura ko sila after kong igoogle ung “marasmus“. At may link na yan para hindi ka mahirapang maghanap.

Sa totoo lang wala naman kami talagang tinuturo at tinitignan dyan. Creative shot daw namin yan.

Napakacreative namin.

Anyway, ito pala ung year 2011. Cool no?

Year 2011 - Bum Year

Wala ng may marasmus sa amin.

Syempre, hindi kumpleto ang list na ito kapag walang LAMON! Therefore,

LAMON POST ON!

4. Hard Rock Cafe

Matagal ng wish ni Zaide, a.k.a. Bubu, na kumain dito kaya pagbigyan. Ok naman ung food dito. Masasabi ko ng worth the money kasi mabigat sya, literal, sa tyan. I suggest you go as a group at magshare share sa food. Ito nga pala ung ilan sa food na inorder namin.

Snack Platter (?)

Snack Platter. Or not. Nakalimutan ko na ung pangalan nya. Ang reliable ko no?

Masarap ung potato na may bacon, saka ung buffalo wings. Masarap din ung parang lumpia na nasa taas. Parang burrito/taco filling ung filling nya. Hindi namin to naubos, hindi dahil hindi sya masarap pero dahil busog lusog na ang mga tyan namin.

Hickory BBQ Bacon Cheeseburger

Napicturean ko kasi ung menu kaya natandaan ko ung pangalan, haha. Masarap ung patty nila. Ihaw talaga ung patty. Ung fries, meh. Parang regular lang. Masarap din ung bread, manamis namis. Recommended for sharing unless you are very very hungry. Hindi ko naubos yan, haha.

Seafood Pasta

Seafood pasta, ata. Kasi may clams e. Ok lang. Nothing special. Parang may sweet red sauce lang and some seafood stuff.

Wala na akong masabi kasi hindi ako umorder nyan kundi si Bubu. Madamot. Lols. Joke lang. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa pasta pag may clams. So go order and see for yourselves.

5. Cafe Xocolat

Feeling ko ang perspective nila dito ay the “X” makes it look and sound cool. Haha.

Anyway, ito ay matatagpuan sa tabi ng escalator sa ground floor ng Greenhills Promenade. Pagpasok mo ng ground floor ng Greenhills Promenade, hanapin mo ung pinakamalapit na escalator, asa tabi lang sila nun.

Ito ung THE.BEST.CHOCOLATE.DRINK.EVER. na natikman ko. As in pramis. Kung merong ganito malapit sa office namin, every week siguro andyan ako. Ang kulit rin nung menu nila kasi lahat may chocolate, kahit food. Or ung inorder lang namin. Anyway, I am looking forward na pumunta uli dito. Sana lang e may branches pa sila na mas malapit sa amin. Ito nga pala ung website nila.

Taza de Xocolat. Yan ung large. Huwag nyong ordering ung small, mabibitin kayo, pramis.

Xocolat Fries. Masarap ito pramis. Talagang potatoes ang gamit, hindi ung frozen prepared fries (kita naman diba?)

This is a must try. If you ever go near the area, I would recommend you go here and try their stuff.

LAMON POST OFF!

—–

Ayan ha, quotang quota na ako sa kwento, haha. Sana nakabawi ako sa mangingilang nagbabasa dito. Magparamdam kasi kayo, haha. O, dali call off tayo.

GROUP SEX!!!!!!

Advertisements

Responses

  1. ikaw na ang may mga nakakainggit na hobby!hahahaha..!!

    • hobby ka dyan, haha.
      courtesy of ensogo ung sa baril, inavail lang namin, =p

  2. Hanep hindi nagbago ang pose mo. At naawa ako sa mga monoblock chairs na pinagbabaril mo…

    • ipapatrademark ko yan
      hindi ko naman binaril ung mga monoblock, pinagpatungan ko lang ng targets para sa picture, hehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: