Posted by: Oliver Lee | July 29, 2011

Nutrition Month

Hindi lang malas kundi ubod ng malas ang umaga ko kanina.

Sakto ung gising ko kaninang umaga. Sakto meaning, wala lang magiging abala, or istorbo, hindi ako malalate sa pagpasok. Ok lang ung ulan. Tamang ambon lang. Hindi naman sya ganun ka inconvenient. After kong maligo, magtoothbrush at magbihis, sabay labas na agad ako ng bahay. All in 30 minutes. I’m getting better at this.

Mabilis naman akong nakarating sa istasyon ng van na sinasakyan ko. May onting pila, pero wala pang three minutes ay may van na kaagad. Sakto din lang ung naupuan ko at tapat sa aircon. Presko.

At dito na nagsimula ang kalbaryo ko kanina.

Pagliko sa ilalim ng tulay ng nagtahan nung van na sinasakyan ko, saktong may parada. Ung mga bata, elementary un, nagpaparada sa gitna ng ulan (or ambon). Sinong matinong principal o kawani ng eskuwelahan ang magpapaparada ng mga bata habang hindi maganda ang panahon?! Anyway, may mga salakot naman silang suot na may mga prutas sa itaas. Iba-iba ung prutas na nasa mga ulo nila. Naweirduhan ako kung ang paaralan nila e sinunod ba sa prutas. Mababang Paaralan ng Fruit Salad.

Naalala ko lang na end of July na pala. Nutrition month. Nag instant flashback ako ng aking hayskul days.

Instant flashback starts here.

First year high school. Literal na tatanga-tanga pa ako noon. May onting culture shock pa ako dahil galing ako sa catholic na private school at ang pinasukan kong high school ay public. Hindi sa minamaliit ko ang public school, in fact proud ako at nice call ng parents ko na dito ako ipinasok. Pero iba lang talaga ang kalakaran ng private at public school. Ibang-iba ung environment at ramdam ko un nung first months ko noong high school.

Anyway, since July is nutrition month, naatasan kami ng aming T.H.E. teacher (sumalangit nawa) na sumali kami sa Jingle-making contest. Hindi ko maintindihan kung bakit kami ung napili nya. Siguro dahil magaling kumanta ung kaklase ko (Hi Darwin! Lalong lumalaki ang ilong mo pag pinapalabas ka sa TV, haha) kaya ung grupo namin ung naatasan na sumali. Uso noon ang Rivermaya, kaya ang pinili naming kanta ay yung kanta nila. Nire-lyric namin ang Kisapmata. Ang style namin, tunog-tao. Mas madali kasi to, unique, at walang props na kailangan. Pinipilit kong alalahanin ung lyrics pero hindi na sya kinakaya ng memoplus gold, sensya na.

Anyway, bukod sa backing vocals (mukha atang panglikod lang ang boses ko, haha), ako din ang may pinakaunique na tunog tao sa kanilang lahat. Kaya kong gumawa ng parang gurgling sound, na may tono, via my cheeks. In short, ang tunog ay para akong may electric fan sa loob ng cheeks ko. At kaya ko syang imodulate. Gusto mo ng video sample? Pakyu ka. (Haha, straight to the point =p )

After naming marelyric ang kanta at mag “practice” kuno para maexcuse sa mga klase, sumabak na kami sa contest. Ang tema ng kanta goes something like kumain ng gulay at umiwas sa kendi at junk foods. Ung mga kalaban naming ibang section at higher years, andaming props. Mayroong may mga dalang pompoms ung iba. May mga hip-hop ang suot. May mga dalang cut-out props ung iba. At ung pinakamabigat naming kalaban (ung isa pang magaling kumanta na kabatch ata namin. Di ko lang alam ung section) parang mag-mamall lang sa suot.

Ang suot namin ay Khaki pants, white t-shirt at gumawa kami ng kwintas made of sinulid na may nakasabit na combination of calamansi at sili mula sa canteen. Perfect.

Tama naman ung hinala namin. Ung kabatch namin ang mahigpit naming kalaban. Ganun kami kabilib sa materyal namin, alam naming may chance kaming manalo. Nauna kaming sumalang, medyo napaindak at napatango namin ung Music Teacher na isa sa mga judge. Nagustuhan nila ung kanta namin complete with the tunog tao and blending vocals. Astig.

Sumalang na ung kalaban namin. Tama din ang hinala namin. Maganda ung kanta nila. At since babae ung lead vocalist nila, mataas na notes ang hinihit nya. With matching sayaw sayaw pa ang presentation nila. Mukhang natutuwa ung Music Teacher na judge.

Nang bigla na lang maghagis ng kendi sa ere ung mga kumakanta.

Tumama lahat nung hinagis nilang kendi sa mga judge. Mukhang nabasag pa ata ung salamin nung isa sa mga teacher.

And that is how we won.

Instant flashback ends here.

Anyway, bukod sa nasalubong naming elementary kids, all in all sa byahe namin ay may nakasalubong kaming 4 pang parada. 2 elementary, 1 Prep/Kinder ata un at 1 High school. So bale dalawa pang Mababang Paaralan ng Fruit Salad, Mas Mababang Paaralan ng Fruit Salad, at Mataas na Paaralan ng Fruit Salad. OO, lahat sila ay may salakot na may prutas sa ulo. Kung sino man ung nagbebenta ng salakot na may nakaattach na plastic fruits, ang dami nyang benta ngayong araw na to.

Tnweet ko to sa sobrang inis ko kanina dahil sila ang dahilan ng pagiging late ko kanina:

Sumagot ung kaibigan ko. Bakit daw prutas ung mga nasa ulo nila e breastfeeding daw ang theme ng Nutrition month ngayon.

And I agree.

I think pare-pareho na tayo ng iniisip kung ano dapat ung mga nasa ulo nila kanina, hahahaha.

Advertisements

Responses

  1. i agree…yon din iniisip kong dapat nakakabit sa ulo nila.hahahaha!!! fun yon.

    sakit lang aabutin ng mga batang yon.pagparada sa ulan?ano sinusubukan kung strong sila epekto ng kakakain ng gulay at prutas?!!!weh!!

    dugaz walang sampol ng talent…hahaha!!!

    • wag na. baka ako ang maging next internet sensation, in the wrong way. hahaha.

  2. salamat sa kendi (white rabbit ba?) at nanalo kayo

    • actually, ung stork ata gamit nila, haha

  3. HAHAHAHA. Nakakatawa ang flashback. Ang ganda ng costume. Hahaha. Eh bakit nga naman pala prutas? Hahaha. Dapat malupit na dede yun. Kaporma sana ng tweet mo.

    • hindi ko din alam. Ayaw nilang maging coneheads? hahaha

  4. Wow kayo kalamansi necklace, kami noon sili. Pramis ang hapdi!!!!

    • nagkakatas ung kalamansi namin. Amoy Joy Antibac kami, haha.
      Nung division level contest, upgrade kami, may sili na din. Kulang na lang toyo, pwede na kaming sawsawan.

  5. hahahahahaha. lols nanaman, so kami gulayan HS? sumali din ako sa jingle contest, hahahahaha, at super naranasan ko kung panu mu gagawing tanga ang sarili mo sa ngalan ng pagkapanalo!, hahaha….gulay, ou, gulay nga ang props.

    I suggest dede nalang or brand ng gatas, (since my tour naman ang brear brand around the coutry pwede silang mag tie-up with dep-ed, haha)

    • hindi! dapat breastfeeding related. bawal ang brand ng gatas! lols.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: