Posted by: Oliver Lee | July 23, 2011

First Time

Akala ko walang kwenta ung weekend ko this week. Wala kasi akong nakaplanong gawin, at ang balak ko lang e tumunganga ng walang humpay sa bahay. Resigned na ako dun.

Nang bigla akong manalo sa raffle sa office kahapon.

Syet! First time kong manalo sa raffle. At hindi pala basta basta lang ung napanalunan ko, which I later found out. Ito nga pala ung picture nung napanalunan ko.

I Won!

Akala ko basta basta lang ung napanalunan ko. Nung ibnlast email sa office, biglang dumami ung mga friends ko, haha. Akala ko mura lang ung napanalunan ko, hindi pala. Nung bigla kong chneck sa internet ung value nung ticket na yan, napaautomatic ako na ako na lang nag manonood. Ito ung una kong nakitang link, ibebenta ko na sana. Take note at July 11 pa yan pinost. Nung nakita ko nag link na ito at ung iba pang links na nagbebenta nung ticket sa google, nagdecide na ako na ako na lang ang manonood.

Sa totoo lang, wala akong alam sa basketball. Lampa kasi ako nung bata ako. Malakas na hangin lang, liliparin na ako. Well, ngayon e kailangan na ng Level 10 Thypoon para liparin ako. Upgrade, haha. Kung makikita nyo ung tuhod ko dati, pwede na akong magsupply ng slime galing sa tuhod ko sa Nick Kids Choice Awards. Buti na lang nagsiwalaan sila, pati ung mga bakas, haha.

Naalala ko din dati nung high school, inaaya akong lumaban ng basketball sa sportsfest sa school. Sampu lang kaming lalaki sa klase (bading ung 1 so 9 na lang. Hello Cubar, haha), 4 lang silang athletic, so lima na lang ung choice nila. E puro kami mga may extra-curricular activities. Ang extra-curricular activity ko ay tumambay sa Computer Room at maglaro ng Pokemon at Star Wars Jedi Knight: Mysteries of the Sith (go memoplus gold!). At pati na rin ang once-a-month na pagpasa ng article at pagtambay sa Journalism class. Ang mga putang ina, pinilit ung schedule ng laro nila sa araw na libre ako. Hindi nila kasi ako mabentahan na maeexempt ako sa PE dahil dalawang taon na akong hindi nagPPE dahil Boy Scout Officer at CAT Officer ako. Ayun, kinausap nila ung adviser ko na kausapin ako na sumali na sa kanila. Bad trip lang. Ang kabilin-bilinan ko, huwag na huwag akong papasahan ng bola dahil bomalabs ang aking mga mata. Kailangan ko ng glasses to function. In short, kukumpletuhin ko lang ung limang count ng players. Ayun ang mga putang-ina, pinapasahan pa rin ako ng bola. E hindi pa ako gumagamit ng contact lens nun at lagi akong nakasalamin, kaya pati kalaban, napapasahan ko.

Those were my high school dark days.

Anyway, wala akong dugong atletisismo sa katawan. Siguro kung basketball sa KAHIT ANONG gaming console papatusin ko pa, pero ung actual, hindi siguro. I am a couch athlete. And my fingers are well trained (that’s what she said).

Kaya itong linggo, wala akong masyadong kilala sa mga players na maglalaro. Nagkakainteres lang kasi akong manood pag finals na. Mas exciting kasi, ewan ko din kung bakit. Ung mga kilala ko lang bukas, ung mga sikat talaga tulad ni Kobe Bryant, Chris Tiu… ayun sila lang. Kung may alam man ako sa basketball, e yun ay era pa ng Ginebra nung elementary days ko. Jaworski, David, Aquino, Locsin, un ang mga kilala ko. Dahil un lang ang dating malinaw na channel sa tv namin. Ah, the PTV 4 days. When everybody was tuned in to you to watch Batibot or PBA.

Napili ko na ding gamitin ung ticket para sa akin dahil para magcross-off na din ng item sa aking bucket list (na wala naman talagang actual list kundi ung mga naalala ko lang na sinabi ko sa sarili ko na “one day, gagawin ko din yan”. Isusulat ko na sila, pramis). Maraming first time ang mangyayari sa akin bukas.

  1. First time kong manood ng show na mahal ang ticket – bucket list item.
  2. First time kong manood sa Araneta Coliseum.
  3. First time kong manood ng live na “official” na basketball game.
  4. First time kong manood ng NBA players playing basketball live.

Kaya magtwitwitter blast na lang ako bukas ng kung anong mga magaganap bukas. Hopefully it would be fun even if I am not that of a basketball fanatic.

Saka wag masyadong reklamador Oliver, libre na nga e, hehe.


Responses

  1. Eh di ikaw na nakakainggit. Haha. Kami eh tiis tiis sa TB. Actually, di rin ako player ng basketball kaya sayang height ko. Pero alam ko ang laro at nakakawiling manood. Kaya inggit meter ni Yow: 100%. Ikaw naa!

    • basta ang alam ko lang, kelangan nilang mashoot ung bola, haha

  2. Napakagandang panalo naman niyan!!!Kung sino pa walang hilig sa basketbol akalain mo…e di congratz..kaw na nakakainggit!hahahaha

    • ansayang manood, haha. ang galing nung maitim, lols, haha.

  3. Ako naman ay napaka-athletic… sa larong pingpong.

    • kahit sa pingpong wala akong skills. =(


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: