Posted by: Oliver Lee | June 30, 2011

And another one bites the dust

Aym still alayb! (as if you care)

Medyo hindi ako masaya ngayon. Mukhang mauunsyame ung plano ko na medyo mga 1 buwan ko nang iniisip na gawin. Peste kasing pera yan. Bakit ba kailangan mo pang ipamukha sa ibang tao na may pera ka bago ka makapunta sa lugar nila?

Balak ko kasi sanang magpunta ng Korea, kaso may show money pa pala silang nalalaman. Nakaseat sale kasi sya ngayon sa Cebu Pacific. Nanghihinayang lang ako na baka mamaya ay bumili ako ng ticket tapos hindi naman pala maaapprove ung visa ko. Sayang ang P5000 ko. Isang 1TB na hard disk na un o kung ano pa mang masayang bagay na nabibili ng P5000. Anyway, magrereplan na lang ako at pupunta na lang ako sa ibang lugar. Dun ako magwawaldas ng kung ano mang maiipon kong pera (so umasa na sila na wala silang mahihita sakin). Saka ko na lang pupuntahan ung lugar na un.

Hindi ko pa pala magagawang isulat ang aking pangalan sa snow using my wiwi in the near future.

Kelangan ko nang maging masugid na mananaya ng lotto para matupad ung isang pangarap ko na un.

At isa pa, marami pa rin naman akong mga gustong gawin bukod doon, kaya isseset aside ko na lang un. Tutuparin ko na lang siguro ung mga pangarap na hindi kailangan ng bwakanginang visa na yan. Jepoy, get ready for me, haha. Ipasara ang Universal Studios!

Sa totoo lang, wala pa akong nagiging bakasyon para sa taon na to. Ngayon pa rin lang kasi ako nagkaleave (congratulations me!) kaya pakiramdam ko ngayon din lang ako pwedeng maginepal na magbakasyon. Pati ung summer, kahit anong bitch beach e wala akong nabisita. Kahit anong uri ng anyong tubig, wala akong napuntahan with the exception of the creek (trans.: kanal. as in mabahong kanal. na buti na lang ay napupump na ng maayos.) near our house. Kailangan kong may mapuntahang malayong lugar bago matapos ang taon na ito.

———

Pasensya na kung hindi ako nakakapagkomento sa mga blog ninyo o nakakabisita minsan. This past few weeks has been very taxing on me (ayan ha, english yan, kaya valid). At saka wala na rin akong superpowers sa internet sa office tulad ng dati. Nakablock  ung mga blog sites kaya umay na umay ako sa wikipedia at gmanews.tv, hahaha. I’ll try to write here as often as I can.

Advertisements

Responses

  1. Ang tagal! Pwede kitang ampunin ng one week pero ikaw lang di pwede isang buong tropa mo LOL

    • nagiipon pa ako ng kayamanan, ano ba. haha

  2. magkano naman daw ang show money na kailangan nila? buti na lang hindi US at hindi ka nga namigay ng pera hehe

    bro, mag plan ka na ng mga trips tipong indo-china or thailand-vietnam-cambodia

    • hindi ko na tinanong, pero nanghihinayang lang kasi ako na baka pag bumili na ako ng ticket tapos di pala ako approved, sayang ung pera ko. Next year na lang siguro, pagplaplanuhan ko ng todo todo haha

  3. Ang artii naman pala ng Korea? Pang mayaman! Haha. E-SG ka na lang? Naks… Ikaw naa! Sana ganyan na lang din ang buhay ko. Haha

    • Kelangan ko ng bakasyon e! haha. wala pa akong bakasyon ngayong taon na to.
      Good luck pala sa board exam niyo ni Greta!

  4. Hoy wag ka muna labas nang labas ng bansa baka mapagkamalan kang drug
    mule.

    • drug mule, hindi. mule siguro oo, hahahha


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: