Posted by: Oliver Lee | May 20, 2011

Sleeping With The Fishes

Isang buwan at mahigit lang akong nawala, nagiba na ng interface tong wordpress. Naguluhan tuloy ako. Mukhang tanga lang.

*****

Sa totoo lang andami ng idea na pumasok sa utak ko para isulat tulad nung nag korean food trip kami, ung pagsali ko sa pagtakbo takbo na yan, game of thrones (do not watch this with kids around, haha. learn from my mistakes), at kung ano-ano pa. Ayokong sabihing busy ako kasi may mga pagkakataon naman na may oras akong magsulat kaso tinatamad lang talaga ako. Wala akong matinong rason bakit tumigil akong magsulat. Sa tingin ko naman wala ka ding pakialam sa mga dahilan ko kaya shut up na lang ako, haha.

Hindi na nga din ako nakakabisita dun sa mga blogsites na lagi kong binibisita. Well, minsan nababasa ko pero hindi na ako nakakapagcomment, pasensya na. Hindi ko din kasi nabubuksan ung mga ibang blogsite sa opis at pagdating ko naman dito sa bahay e sumasalampak na lang ako sa sofa.

Sa totoo lang, wala namang masyadong “bago” sa buhay ko ngayon. Boring pa din, as usual.

Ayun lang, wala na. Boring nga e, diba?

*****

Ung tatay ko napagtripan na namang mag-alaga ng isda. Namatay kasi ung alaga naming ibon. Feeling ko naheat stroke yun. Maidagdag ko lang, weirdo ung ibon namin na iyon. Love bird un e. Originally, 2 sila, isang blue, isang yellow. Kinabukasan na lang nakita namin, patay na ung yellow na ibon. Baka sinuplex/full body slam/choke nung blue na ibon.

Or hindi nya natanggap na naggiveway si Mar Roxas nun kay Noynoy. Go figure.

Anyway, going back dun sa isda, isang araw bumili na lang bigla ng ilang supot ng goldfish si Papa.

Papa: Bumili ako ng goldfish. Namatay na ung ibon natin e.

Me: Ok.

Papa: May utang ka sa akin.

Wala pa atang P100 ung supot ng isdang un, chnarge pa sakin. May SSS pension naman sya. At isda lang naman ang bibilhin nya dahil meron pa kaming motor/aquiarium/water purifier combo nung sa last na nagalaga kami ng isda.

Natutunan ata ng tatay ko ang salitang reimburse.

Ayun, every night, may namamatay na isa o dalawang goldfish. Hindi namin alam kung bakit. Ung unang gabi, may nahulog daw na butiki sa aquarium nya. Baka nalason daw ung isda. Tapos kagabi naman, may namatay uling isa.

Nararamdaman ko na bibili uli sya ng supot ng goldfish.

At madadagdagan ang utang ko.

*****

Speaking of SSS Pension (talagang nilaglag ko tatay ko no?), one time, pagdating ko sa bahay, nakita ko na lang na may basura ng bucket meal ng KFC. Nanlibre pala si Papa nung first time nyang makuha ung pension nya.

KFC ang dinner nila.

Nagbukas ako ng delata. Hindi man lang ako tiniran kahit side dish o gravy man lang.

*****

Pero buti na lang hindi na pala ginagawa ni papa dun sa mga goldfish na namamatay ung ginawa nya dati sa alaga naming flowerhorn.

Nung naglilinis kasi sya ng aquarium, biglang tumalon palabas ung flowerhorn.

Ang kwento nya, tumama daw ung ulo nung isda sa semento kaya namatay.

Ang tawa lang ako ng tawa e ung knwento sakin nung tita ko sa kung anong ginawa ni Papa dun sa flowerhorn.

Nag-CPR sya dun sa flowerhorn.

Ayun, buti naman nadala na sya. Flush na ang katapat ng mga patay na goldfish.

Advertisements

Responses

  1. akala ko H20-related ito hehe

    • haha. niliteral ba masyado?

  2. Nakipaglips to lips sa flowerhorn? Haha. Sabagay, sayang yun. Pangmayaman na fish. Si Greta din ata namatayan ng isda dahil tumalon palabas. Haha. Nabagok nga daw yung ulo. Craniocerebral injury. (Tama ba?) Haha.

    • oo, cpr kung cpr. akala nya ata flying fish sya .
      hindi ko alam yung cranio-something. hahaha. it graduate po, hahaha!

  3. Wow napaka-agang Father’s day post!!! Nyahahhaa ang mga Tatay talaga minsan may sanib. Yung tatay ko noong bata pa ako, nasira yung know ng plansta namin, inayos nya, pinalitan nya ng switch ng ilaw.

    • super aga ba? hahaha. at least mas madaling patayin ung plantsa pag ginagamit, =p

  4. iniisip ko kung panu ini-spr yung flowerhorn haha

    grabe ngayon na lang ulit ako nakabisita dito. toinks

    • ag kang magalala, ngayon lang ulit ako nakabisita dito e, hahaha

  5. hahaha. ayus ang kuwentong-erpats mo! ganun yata talaga, ngiging responsibilidad na ng mga anak ang mga magulang kapag may trabaho na at pensionado nalang si tatay!

  6. perstaym ko dito ser.. at naaliw naman ako ke erpat mo.. medyo.. parang di nalalayo sa tatay ko.. hehehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: