Posted by: Oliver Lee | April 18, 2011

bullets

Sana lang matuloy ung bakasyon namin next week. Kating-kati na ung paa ko (wala akong alipunga) na umalis at magpunta sa kung saan. Sana rin ay magbabaan na sa normal na presyo ung mga putang inang ferry rates at hotel rates pagkatapos nitong semana santa. Hayup lang sa pagtaas. More than 200% ang increase sa normal price. Pero kung oobserbahan mong mabuti, andami pa rin nagbabakasyon kahit gayong gargantuan ang itinaas ng mga presyo. Naghihirap nga ba talaga tayong mga Pinoy? (eew, naging social commentary bigla)

Bilang matagal akong hindi nakapagsulat, ibbullet style ko na lang ung mga dapat na isinulat ko, kaso tinatamad talaga akong magsulat at naubusan ako ng creative juices or whatnot para magsulat. In no particular order dahil ayokong magisip ng timeline (dahil un ang iniisip ko ngayon sa trabaho ko):

  • Gmradweyt na si Batchi ng Law. Bar exam na lang at legal ko ng magagamit ang linyang “Talk to my lawyer!” Hindi ko na ikinakatakot kung papasa sya or hindi. Ang iniisip ko na lang ay kung anong place nya sa top ten sa bar exam. (pressure? Haha)
  • Nag-EK kaming buong pamilya courtesy of the company. Ang saya lang, nanalo kami sa bingo, at syempre kinuha ko ung isa sa mga premyo which is isang mug warmer. Hindi naman ako nagkakape at hindi rin ako madalas mag milo, maganda lang tignan sa desk na may mug warmer ka. Susyal lang.
  • Nagpainom si xG at nameet ko ung ibang mga bloggers na binabasa ko sa kabilang bahay ko. Kool sila. Parang mga blog din nila. Nung una medyo nahihiya pa ako kaso ang lakas nung tama nung pinapainom samin (tapos ang sarap pa) kaya nagkalabasan din ng mga kulit sa katawan.
  • Tumatakbo na ako, hindi dahil sa may gusto akong iisnatch na cellphone, pero para sa aking health.  Pag may nakikita kang mokong na tumatakbo around Ayala Triangle o sa kahabaan ng Malacañan, ako un.
  • Sumali pala ako sa Nat Geo Run, 5K. Natapos ko sya at mas mabilis na ako compared sa dati kong time. Astig!
  • At with regards sa health, kelangan ko palang magpatest ng aking blood/checkup kaso tinatamad ako. Nagself-diagnose ako (kids, don’t try this at home) at tumutugma ung symptoms ko sa hypokalemia (igoogle mo, tinatamad akong maglagay ng link). Dati na akong may record ng low potassium, pero hindi ko masyadong pinapansin. Chneck ko ung symptoms, 5 out of 6 meron ako (at kung nakuha ko ung perfect 6, malamang sa malamang ay nasa after-life na ako). Lagi tuloy akong kumakain ng saging every meal. Hugis saging tuloy ung….
  • Wala na akong ibang maisip na eventful na nangyari sa kin. Un na ata un.

Aun na, wala na akong maisip na ikwento, mamaya na lang uli. Huwag kalimutang magdasal ngayong semana santa. Later kids!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: