Posted by: Oliver Lee | March 25, 2011

The “Makati Food LIST” Adventure

Tatlong buwan na din pala ako dito sa kaharian ng mga Binay (akala mo naman napakalayo, hahaha, OFW? =D ). Nawala na din ung feeling na nawawala ako everytime na nagpupunta ako dito. At narealize ko na din na soooobrang lapit pala talaga nito sa Maynila. 20 minutes lang (at kung sumasabay ako minsan sa ate ko, wala pang 10 minutes) ay nasa opis na ako. Kahit papaano, nasanay na din ako sa mga nakayellow na traffic enforcers, naglalakihang mga building, at kawalan ng mga nagtitinda ng fishball (asan na ang mga nagtitinda ng mutated fishball?!?!?! ).

Anyway, sa loob ng three months na yon ay nakahanap na din naman ako ng mga lugar kung saan masarap kumain. Well, hindi ko sya maicclassify na food trip kasi hindi naman talaga sya food trip. Food LIST na lang ang itatawag sa kanya dahil ililist ko lang ung mga lugar na nakainan ko na so far, which I think is ok. Pasensya na kung wala ding pictures, kasi tinatamad me, haha. Pero I’ll include na lang (wow, so coñio) ung mga screenshot ng location nila using google/wiki maps.

1. Chili Peppers

Lagi kong inoorder dito ay Beef Rice. As pictured below:

Chili Pepper's Beef Rice

May picture sya kasi dito kami naglunch kanina. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ung ingredients na ginamit para makopya ko sa bahay ang masarap na pagkain na ito. So far, 3 ingredient pa lang ang sure ako na tama ako: rice, beef, at egg.

Chili Pepper's (click to follow map)

2. Sisig sa Rada Street

Isa ito sa mga famed jollyjeep sa Makati. As per my title, matatagpuan sya sa Rada Street. Sya ung ikatlong jollyjeep na matatagpuan sa kalyeng ito. Laging maraming tao.

Hindi ako naguulam talaga ng sisig. Para sa akin kasi, isa talaga syang pulutan. Pero nung natikman ko ung sisig nila (as in tikim lang talaga, nanghingi lang ako sa kasama ko), bagay na bagay pala talaga ung sisig sa kanin.

Mahirap magdine-in dito kasi puno ng tao kaya halos lahat ng bumibili dito ay nagtatake-out. Kaya kung gusto mong bumili sa kanila, magtake-out ka na din. 8am-2pm lang ang operations nila, nauubos kasi palagi ang paninda.

Sisigan sa Rada (Click to follow map)

3. Papa J’s Wiches and Wings

Sa halagang P77, meron ka nang 2pcs chicken wings, rice, at your choice of dip. Kung iniisip mo na parang ang mahal naman ng P77 para sa 2-pc chicken wings, nagkakamali ka. Pinainom ata nila ng cherifer ang mga chicken na ibinebenta nila. Sobrang sulit ng wings nila at siguradong mapapaextra rice ka. Swerte mo pag bagong luto ang chicken mo (kaya bagong luto lagi ang kinukuha ko haha). Malasa ung chicken nila at hindi gawa sa breading ang ibinebenta nilang mga chicken.

Ingenious din ung mga dips na kasama pag bumili ka ng chicken. So far, ang paborito kong dips nila ay ung Sweet and Spicy, Super Hot, at Garlic Ranch. Pwede ka ding magextra dip sa halagang P4.

Matatagpuan ang Papa J’s sa Food Odyssey ng GT at LKG at sa Blessing’s.

GT,LKG,Blessing's,PBCom (click to follow map)

4. Food Odyssey (GT Tower, LKG Tower, PBCom Tower)

Sa tatlong tower na yan, mas madalas kami sa PBCom. Hindi dahil mas masasarap ang choices sa PBCom kundi mas preskong kumain sa PBCom dahil malakas ang hangin. Malamang ay nasa design ng building yun, hindi ko alam, nagmamagaling lang ako.

Anyway, kahit parepareho sila ng pangalan na canteen ay may kanya kanya silang merits. Sa GT Tower ay may Stefano kung saan may tinitinda silang mga pasta at porkchop. Sa LKG naman ay may kainan na ang pangalan ay Lola’s. Masarap ung mga ulam nila, lalo na ung beed stroganoff. Tapos may gulaman ka pang may kasamang maliit na kutsara. Sa PBCom, ahmm, masarap lang kumain dun kasi mahangin, hahaha. Natry ko na ung mga kainan dun pero wala pa kasi akong naexperience na kainan dun na sobrang sarap ng food.

Refer na lang uli sa Map above.

Special Mention: Little Tokyo

Nagfoodtrip na kami dito dati (as in food trip talaga) kaso hindi ko nagawan ng blog. Nawala ko kasi ung resibo so wala akong details na mailagay. Tapos tinamad ako. Actually un ung reason bakit di ko sya nablog, haha. Hayaan nyo, pag bumalik kami, on-the-fly na ung blog ko para detalyadong detalyado, haha.

Little Tokyo (click to follow map)

At yan muna ang mailalagay ko sa aking list. Magpapart-two na lang ako pag meron akong mga nadiscover na bago. Kapag nakita niyo ko sa mga lugar na nasa itaas, libre nyo naman ako kahit coke lang, K? K.

Advertisements

Responses

  1. Haha. Sa madaling araw ko pa naman nabasa to, nagugutom tuloy me. Haha. Parang ang sarap nung sisig. Hmmmm… Paksyet. I’m so timawa. Haha

  2. Isa din sa mga paborito ko ang beef rice. 😀 nkkabusog at mura pa 😀

  3. Grabe ang pila sa Sisig Rada 12noon
    Sa gabi mag-dine ang mga luvers, must-haves


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: