Posted by: Oliver Lee | March 19, 2011

Nognog

Mahilig akong kumanta kahit walang hilig ang pagkanta sa akin. Halos kalahati ata ng memory ng telepono ko e puro mp3 from different artists, from different genres. Ngayon, wala na akong ibang maisip na sentences para maexpound ang hilig ko sa mga kanta at pagkanta kaya tatapusin ko na ung thought na un gamit ang sentence na ito.

Kaya ko nasabi ang mga katagang nasa itaas ay dahil bigla akong may nakitang video sa youtube na nakalink sa binabasa kong article (ito yun). May nakalink sa youtube regarding sa isang viral video na “youtube sensation” daw at “Friday” ang pamagat. Being the curious person that I am, cnlick ko ung video at pinanood ko. Hindi ko sya natapos, hanggang kalahati lang ako.

.

Bigla akong nagtika at nagnilaynilay.

  1. Iniisip ko kung nakalunok ba ng pito ung kumakanta. May auto-synthesize ata ang lalamunan nya.
  2. Ang creepy nung first part ng video, kahit sabihin nating may artistic licence sila. Una, nung nagising sya, kumakanta agad siya. Ni hindi man lang nya nakuhang magunat. Pangalawa, ung nakatayo sya sa bus stop na magisa lang at kumakanta.
  3. Pansinin ang babaeng nakatayo sa kanan sa 1:17 ng video. Either kailangang kailangan nya ng pera kaya napilitan syang gawin ang video, may nakatutok na shotgun sa kanya kaya nya ito nagawa, or taeng-tae na sya habang ginagawa niya ang pagsasayaw niya.
  4. Wala akong masabi sa lyrics. As in wala talaga, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
  5. Napagisip-isip ko na kahit papaano ay ok pa rin pala ang mga kanta ni Justin Bieber.
  6. Nagkaroon ako bigla ng tiwala sa sarili ko na kaya ko ring gumawa ng kanta. Gagawa ako ng kanta na ang title ay “Sabado” at ito ang magiging ilan sa linya ng kanta ko:

“Kahapon ay Biyernes. Biyernes. Ngayon ay Sabado. Sabado. Bukas ay Linggo. Linggo. Pagkatapos ay Lunes. Lunes.”

Ittry ko ding maging isang dance song ang kantang gagawin ko. Watch out, I’m gonna be a star!

At ang screen name ko ay “Oliver Nognog”


Responses

  1. hahha tinapos ko try mo nga gawa bka yumaman ka bahagian mo na lang kami haha

    • ikaw ung kasama kong sasayaw na mukhang natatae.

  2. parang ayoko tuloy iplay at pakinggan…ayoko ng matinis na boses nagseseizure ako!!!whahahahahahahaha!!!

    • iplay na at magdusa sa LSS, hahaha

  3. Ang tagal ko na nakikitang nililink to sa pesbook. Eto pala siya. Ngayon ko lang pinanood ang shet na Ate. Haha. Nainis lang ako. Parang maganda na nga ata ang Baby baby oh. Nainggit ako, parang gusto ko na din kumanta at mag-rap ng sarili kong kanta. Haha.

    • nagsisisi ka na ba at cnlick mo ung link at pinanood mo? hehe

  4. Shiiit how dare you!!! Nilait mo ang favorite song ko!!! Hindi mo ba naappreciate ang pagbirit nya ng “Yiieeeeeaaaaahhhhh” na napaka-high pitch aso na lang ang nakakarinig??? At yung babaeng maliit na katabi nya, yun ang mas napilitan, parang gusto nyang lamunin na sya ng lupa!!!

    Fun, fun, fun, fun. Next mo naman yung kanta ni Kim Kardashian… go!

    • teka, nagrerecover pa ang eardrums ko, hahaha

  5. hahahaha ayos! oliver nognog! hahaha


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: