Posted by: Oliver Lee | March 4, 2011

en blanco

Naranasan mo na ba ung sobrang dami mong iniisip, tapos ung bigla na lang parang mawawala sa utak mo ung thoughts na iniisip mo. Mabablanko ka. O di kaya naman nakikipagusap ka, tapos may naisip kang sasabihin, kaso naunahan kang magsalita ng kausap mo kaya nalimutan mo na ung sasabihin mo. O di naman kaya ay habang nanood ka mindlessly ng tv, tapos may nakita kang commercial ng pizza, bigla mo na lang mapapansin na binababa mo ung telepono at nanghihinayang kung bakit bigla ka na lang umorder ng pizza. Or kaya naman ay sa sobrang wala kang iniiisip, bigla na lang kung ano-ano ung pumapasok sa utak mo, marerealize at magtataka ka na lang bigla nakatayo ka na sa kusina nyo at gumagawa ka ng buko smoothie.

Lahat ng sinabi ko sa taas, nangyari yan sa akin lately. Ito na ata ung epekto ng pagcrash ng PC ko. Walang active outlet ung utak ko after work. Hindi naeexcercise ung utak ko. Syempre gumagana pa rin naman sya pag nagtrtrabaho ako pero iba ung takbo ng utak mo pag naglalaro ka. Lalo na pag engaging ung story nung nilalaro mo. Lalo tuloy lumalaki tyan ko (konek?).

Hindi kaya kailangan ko lang ng ganito? Hahaha.

May netbook naman sa bahay kaso anliit. Saka hindi ako nakakapaglaro doon. Ang tanging silbi nya sa akin ngayon ay magcheck panandalian ng facebook at magdownload ng mga series na pinapanood ko. Ganito na lang, nasa episode 70 na ako ng Naruto and counting. How proud my friends are of me.

Feeling ko kailangan ko na ng sport bukod sa pagiging couch potato ko (yes, it’s a sport. How dare you?!). Para ba may magawa ako sa mga panahon na tulad nito. Dati gusto kong magtakeup ng swimming (actually hanggang ngayon gusto ko). Survival skill ba. Nakatira kami malapit sa Pasig River e, kailangan ko un. Ayoko naman ng running dahil bukod sa iyon na ung sport ng kapatid ko, ammahal ng sapatos. Ung sa huling fun run na sinalihan ko nag-5K ako nun, at natuto ako kahit papaano ng proper breathing skills, which I sorely lack. Kaso un na rin pala ung huling fun run ng rubber shoes ko. Ayun, hanggang ngayon hindi ko alam kung paano akong nakauwi ng snlide slide ung paa ko dahil pag naglakad ako e babatiin ka ng mga paa ko ng isang engrandeng “hello there!” Nag 5K run ka na, na P5K ka pa! Combo diba?

Sa ngayon ay nagddrawing na din ako kung san ko gustong pumunta ngayong taon na to. Drawing kasi hindi ko naman alam kung matutupad ko. Tntry kong ientice ang sarili ko na maging interesado na magbakasyon mag-isa. Tipong mag solo backpack ba. Kaso natatakot akong mawala, saka walang kukuha ng pictures ko. Saka hindi ko rin alam kung san ako pupunta (Bohol, Bohol, Bohol), saka kung kakayanin ko ba financially ang umalis ng mag-isa lang. Gusto ko sanang magbeach, kaso sabi ni Anna, mag MOA na lang daw ako, may dagat din naman daw dun. Sasakalin ko na lang siya kung sakaling magkita kami. Joke! Haha.

Ayan, nablanko na utak ko. Kthanksbye!

Advertisements

Responses

  1. dear oliver,

    pede naman tayong mag-imagine na nasa magandang beach tayo sa MOA. baba tayo dun sa may mga batuhan, dala tayo ng beach ball at panghukay ng buhangin. pede rin tayong mag swim suits. abisuhan mo lang ako. huwag kang mag-alala nasa pilipinas na ako sa lunes. hihihi.

    nagmamahal,
    anna

    • ang hirap naman nun. E yung batuhan dun may kasamang basura. Saka hindi naman amoy dagat dun… amoy basura (Ang arte lang, haha)

  2. Tama naman si Anna no. Arte ka pa…

    • syempre gusto ko naman ung makakaligo ako sa dagat ng walang takot sa coliform at mga “golden surprises” na lumulutang lutang, haha.

  3. naku. di ka na pala nakakatravel. ipon na ulit 🙂

    • onga e. kelangan ko ng target na pupuntahan


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: