Posted by: Oliver Lee | February 20, 2011

Shake, Rattle, and Roll

Pasensya na kung  ngayon lang uli ako nakapagpost dito. Actually, kahit ung mga blog na lagi kong nabibisita ay hindi ko na nabibisita lately kaya wala na din akong balita sa inyo, hehe. Wala akong superpowers sa opisina kaya hindi na ako nakakapagpost at basa ng blogs like i used to. Ang isa pa nyan, nagcrash ang aking pinakamamahal na PC. Hindi ko pa sya nadadala sa repair shop. Feeling ko power supply ang problema nito. At sana nga ay power supply lang dahil kung motherboard ang tinamaan, medyo matagal pa bago ako makakabili ng bagong PC. Hindi rin ako marunong tumingin pag power supply na ang problema. Ang kaya ko lang e magreseat ng mga piyesa sa loob, hanggang doon lang ako. Kasalukuyang laptop ang ginagamit ko at feeling ko e lalong tumataas ang grado ng mata ko every minute na ginagamit ko sya dahil sobrang liit ng screen.

— whine mode off —

Ngayong nailabas ko na ang aking mga hinaing sa buhay ay pwede na akong magkwento. Iniisip ko ung mga nangyari sa akin this past few weeks, kaya mala shake, rattle and roll Part XXXVI (hindi ko na alam bakit ang daming incarnation ng pelikulang yan) ang mode ng pagkwento ko sa inyo. Kay sit back, relax and try not to push that little red square with an ‘X’ on the upper right of that window (or red circle kung susyal na Mac ang gamit mo) and hear my horror (kuno) stories. Susundin ko rin pala ung format ng Shake, Rattle and Roll, whereas, Shake = Pampakaba, Rattle = May Moral Lesson, Roll = Horror talaga.

“HULI”

Isang masayang Monday morning ay nagising ako (buti na lang) ng maaga (isa pang buti na lang) para pumasok sa opisina. Routinary ang paggising ko sa umaga. Pwedeng-pwede mo nga akong gawan ng checklist e.

Babangon. Kukunin ang takure at magiinit ng tubig. Maghihilamos. Maghuhugas ng kamay. Magsusuot ng contact lens. Magtootootbras. Bubuksan ang TV at ilalagay sa Unang Hirit at malilito kung sino ba si Arn-Arn at Arnold Clavio. Sisigawan ng nanay kasi nakatulog sa sofa at mainit na ang tubig. Maliligo. Magbubukas muli ng TV. Magbibihis. Iinom ng tubig. Ilalagay ang baon sa bag. Kukupit ng mentos sa tindahan. Bibilisan ang paglabas ng bahay at pagbababay.

Pagdating sa sakayan ng jeep ay tumitingin ako nung jeep na hindi na naghihintay ng pasahero. Doon ako sumasakay sa lagpas ng sakayan ng jeep. Nababadtrip kasi ako minsan, mas matagal pa ung paghihintay nung jeep sa actual na byahe nung jeep. E wala pang 5 minutes andun na ako sa terminal ng van na sinasakyan ko.

Anyhoo, nung araw na iyon ay maswerte ako kasi isang pasahero na lang ang hinihintay ng van. Isa pang swerte doon at doon ako sa unang row ng seat ng SUV. After sumakay ay umalis na rin agad ung van. Ok naman ung driver, kahit mabilis sya ay hindi naman buwis-buhay ung bilis nya. Ung tama lang. Pero I advise pa rin na huwag magbreakfast kung sasakay sa mga van na ito. At kung mapapansin mo sa litanya ko sa taas, walang breakfast. Mentos ang agahan sa umaga.

Pagdating sa Otis ay oras na para magbayad kay manong driver. Since ako nga ung nasa unang row ng van, ako ung unofficial na naatasan bilang mangolekta ng lahat ng pamasahe ng pasahero. Pagdating sa intersection papasok ng Quirino Avenue, asakin na ung lahat ng pera at nasuklian na lahat ng pasahero. Inistretch ko na ang aking kamay at inabot kay manong driver ang pamasahe.

Nang biglang lumabas ang isang sasakyan ng pulis at MMDA at hinarang kami.

Para akong deer na nahuli ng headlights. Sakto pang super stretch talaga ung kamay ko. Alam mo ung para kang nasa Imbestigador. Hinihintay ko na nga lang lumabas si Mike Enriquez e. Bigla ko na lang hinila ung kamay ko at itinago ung perang hawak ko. Bumaba ung driver at nagusap sila nung mga pulis. Hindi ko alam kung may lagayan bang nangyari o kung ano pa man. Ang ayoko lang mangyari e baka ipatawag din ako ng pulis at tanungin kung bakit may inaabot akong pera dun sa driver. Hindi ko alam isasagot ko. Mukha akong gusgusin para sabihing driver ko sya, walang maniniwala sa akin.

After mga 3 minutes, biglang sumakay si manong at nakaalis na kami. Inabot ko na lang ung bayad after 5 minutes, kinuha naman ni manong. Hindi ko na tinignan ung mukha ni manong. Mabilis din akong bumaba ng sasakyan nung andun na ako sa babaan ko. Ayoko lang marinig si manong na isinisisi nya sa akin kung bakit nabawasan ung kita nya nung umagang un. Hindi ko rin alam sasabihin ko sa kanya. “Hinding hindi ka nila tatantanan?”

“SUKA”

Itong Friday lang bago umuwi ay inaya ako ng aking barkada sa opisina na uminom. Uuwi na sana ako, ngunit dahil kakatapos ko din lang gawin ang isang project na naatas sa akin at sino ba naman ang tumatanggi sa beer, sumama na ako.

Ok naman ung inuman namin. Ang problema lang e yung pulutan. Umorder kami ng sisig. Staple naman un kapag umiinom kami. Kaso gusto kong maiba ung pulutan namin kaya umorder ako ng extrang onion rings. Hayup lang, parang isang sibuyas lang ung ginamit sa onion rings namin. Alam mo un? Ung tig-5 pesos na sibuyas. Tapos mas marami pa ung dip kesa sa onion rings. Sa halagang P150 e may 10 onion rings ka na. Feeling ko e nagpamahal ung garnishing dun na repolyo na nakakalat sa plato na feeling ko lang e pinagchopchopan lang ung plato namin ng repolyo at nalimutan lang linisin.

Anyway, nakailang bucket din kami at since ang iba sa amin ay may pupuntahan pa ng Saturday morning ay umuwi na kami ng mga 1000PM. Since medyo maaga pa, alam kong may naghihintay pang van na dumidiretso sa amin (same ng sinasakyan ko papasok, pabalik lang ng Manila). This time naman ay nakasakay ako sa third row ng van. After mga 10 – 20 minutes, napuno na din ung van at lumarga na kami.

Inaamin ko, tipsy na ako bago pa ako sumakay ng van. Nakakatulog nga ako sa loob ng van. Buti na lang at naningil agad ung driver kasi nakatulog talaga ako sa van. Buti na din lang at good sleeper ako sa sasakyan kasi hindi ko alam kung pangit o maganda ung katabi ko nun, haha. Buti rin wala akong dalang bag. Napagtanto ko kasi na tuwing Friday ay gimik night at hassle ang magdala ng bag pag gumigimik kaya every Friday, wala akong bag.

Nagising na ako sa may bandang Quirino Avenue. Malapit sa Zamora. Wala namang nawala sa akin. Nararamdaman ko pa ung cellphone at pitaka ko sa bulsa na pantalon ko. Pero may kakaiba akong nararamdaman sa sikmura’t dibdib ko.

May umaakyat. Kumukulo ung sikmura ko at medyo naluluha ako. May gustong lumabas sa bibig ko. Alam na, may gustong tumawag ng uwak.

Pinagpawisan ako ng malamig. Butil-butil. Gusto kong magtimespacewarp ung sinasakyan kong van. Or jump to lightspeed. Ang malas pa nyan e asa gitna ako ng van. Pag nauwak ako, gitnang-gitna. The perfect biological bomb.

Nauwak ako na naging ubo. Hangin lang pala. Lalo akong pinawisan. Mas malamig pa ung pawis ko sa aircon ng van. Hindi ko alam kung nakakapansin ung katabi ko pero wala na akong pakialam. Wala akong dalang kendi, dahil asa bag ung mga kendi ko. Ang saya diba? Ung araw na wala akong dalang bag, saka ko sya kinailangan. Ginawa ko na lahat ng tricks na alam ko.

  1. Tumingin sa malayo
    Nagfocus ako sa ilaw ng poste na tanaw sa bintana. Ayaw gumana, lalong umaakyat ung “thing” na nararamdaman ko sa dibdib ko.
  2. Makinig ng music
    Tumutugtog ung eraserheads sa earbuds ko. Kumanta ako, Huling El Bimbo ung kanta. Kumanta ako sa utak ko, pero wala pa ding epekto.
  3. Lumunok ng laway
    Kanina ko pa ginagawa, pero napansin ko, parang lalong gustong umakyat ng uwak sa bibig ko everytime lumunok ako.

Naloko na, ang layo ko pa sa babaan ko. Pag bumaba ako sa Quirino Avenue, bukod sa madalang ang taxi, delikado pa sa lugar na ito. Madilim na + walang masakyan + nagsusukang tao = recipe for a hold-up.

Kung ano-ano ung tumatakbo sa isip ko. Paano pag naguwak ako, san ako uuwak? Baka tandaan ako nung driver at forever i-ban sa pagsakay sa mga van nila.

Buti na lang at nung nakarating ng Nagtahan bridge ay wala ng masyadong sasakyan. Lagi kasing traffic ang lugar na ito. May kakampi pa ata ako sa itaas (or sa ibaba) at nawalan ng traffic. Pagbaba ko sa nagtahan ay hindi ko na isinara ung pinto nung van. Binilisan ko ang lakad pauwi, nakarating ako sa bahay ng walang uwak na tinatawag.

Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa lababo. Nagtanggal ako ng contact lens. Naglagay ng toothpast sa toothbrush at nagsimulang magtoothbrush.

At saka ako nagtawag ng maraming uwak.

Akalain mo, minty fresh pa rin ang bibig ko after umuwak. Ang fresh pala ng feeling pag umuwak ka ng may toothpaste sa bunganga.

Moral Lesson: (ito ung part ng shake, rattle and roll na may moral lesson diba?) Kapag nauuwak, maglagay ng toothpaste para minty fresh pa rin ang bunganga pagtapos umuwak.

“KASAL”

Kinasal na si Jen. Brrrr….

Congratulations kay Jen at Good Luck kay Ers. You’re gonna need it brother.

Pasensya na Ers kung hindi ka namin nailabas bago ka isinakal. Bawi kami pramis.

Ers and Jen

Ers and Undin, i mean Jen. At least pasok ung Undin sa theme nung post diba?

Kung hindi niyo naitatanong, ito ung unang signos na end of the world na talaga sa 2012.

Kidding aside, I’m happy for you guys! Now go and make some babies! =p

Advertisements

Responses

  1. Ako kelan man ay hindi ko kayang maidlip or maktulog pag nakainom…feeling ko kac umiikot ang world ko kaya mas naisin ko pang nakadilat hehehe…

    OMG! Hindi ko kaya ang eksena mo sa episode na “suka” LOL.

    • hindi ko kasi napigilan na makatulog. puyat din kasi ako nun, hehe.

  2. nakanaman. new layout and template. pero ollie, diko nagets yung sa Van . bat parang ikaw may sala? e I dont think ikaw may kasalanan. mga bwesit lang yang mga MMDA na yan. hehehe

    • syempre,haha. new year na e. saka nagsawa na ako sa notepad.
      ako ung may sala kasi, ang alam ko ha, kolorum un e, haha.
      so malas lang ni manong, hindi tinted ung sasakyan nya.

  3. ang haba. sorry di ko nabasa. ang kyut ng font btw. buhay parin pala tong blog mo. kala ko nasa.co.cc ka na

    • co.cc is redirect lang. so pag tnype mo si co.cc, dito ka din dadalhin.
      pati nga ung isa hindi ko na nauupdate.

  4. Wow… ramdam na ramdam ko ang pagsambulat ng mga kwento sa post na ito na comparable sa hindi pagjajackstone ng ilang araw kaya maraming naipon at nailabas. Natry ko na rin malasing nang bongga (paggising ko, may nagmagandang loob na bihisan ako ng blouse) at nung pauwi na ako ay nagsuka ako sa 1. Poste 2. Sidewalk 3. Sidewalk. 4. Sidewalk 5. Lababo (sobrang daming times hindi ko na nabilang).

    • yes! ipon na ipon yan. concentrated parang juice! haha.

  5. ako lang ba o talgang nagbago na blog mo. hehehe. ako nga rin minsanan na lang makapaglibot eh. hehe. gusto ko rin magkaganyang pics. hahaha. i wonder how

    • ikaw lang, ahahha.
      syempre bagong taon, bagong bihis.
      new look, same old shitty taste =p


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: