Posted by: Oliver Lee | January 28, 2011

I wanna be a billionaire so freakin’ bad

Well, millionaire dapat. Kaso wala akong maisip na millionaire na song e. Saka mas mataas ung billion sa million, mangangarap lang naman diba? Haha.

Anyway, kahapon ay sumabit ako sa double date ng parents ko at ng family friend namin sa Resorts World. Ang balak ay tumambay sa Bar 360. Ito yung paikot na bar sa gitna ng casino kung saan ung stage ng performers at ung bar itself ay nakapabilog sa gitna, thus the name.

Since first time nina mama at papa sa Resorts World, nakumbinse ko silang magdala ng ID at magpamember sa Resorts World. Wala namang bayad at mailalagay ko pa ung pangalan ko as referral. Syempre umasa ako na baka bigyan ako ng playing points or libreng payong or whatnot. After nilang magfill-out ng form at makuha ung cards nila, nakakuha ako ng tumataginting na P25 off sa Bar 360.

Nung nakita ko ung price list sa Bar 360, parang nilibre lang nila ako ng .50¢. Paksyet.

Anyway, ok lang naman un kasi libre naman ung inom namin hehe. Nagperform ung guest band doon, which is cool, kasi lahat sila kumakanta at magaling naman silang tumugtog. Tapos may sumayaw din na mga Russians. Prince of Persia daw ung tawag sa kanila. Basta ang natandaan ko lang, parang wala silang mga buto at… well, that says it all. May something for everyone din sila, mapuputing singit at pwet ng girls for the boys, at abs at hairy chests for the girls.

Since bagong members nga sina mama at papa, mayroong lamang P100 free playing credits ang card nila. Since ayaw naman nilang maglaro at sayang ung tig-P100 nila, kinuha ko ung cards nila at ako na lang ang naglaro. Since ang alam ko lang naman laruin ay ung slut slot machines, syempre dun ang tungo ko. Pumili ako ng isang machine doon na walang masyadong tao at doon naupo. Nahihiya kasi akong tumabi dun sa mga naglalaro doon dahil kapag makikita mo ung credit nung cards nila, mababa na ang P5000. Ampangit diba, P100 lang ung sakin tapos ganun ung katabi mo. Baka biglang tumawag ng guard saka sabihin, “Guard, may naligaw na mahirap dito. Pakitapon lang sa labas.” Grabe, kung nandoon ka, iisipin mo kung naghihirap ba talaga ang Pilipinas.

Syempre doon ako sa tig-P1 lang na taya na slot machines para matagal ang laro. Dun ako sa pictures pictures na 5 ung slot ng machine. Pambobo lang.  Tipong basta’t alam mong nagparepareho ung picture, panalo ka. Pag naparepareho mo ung limang pictures, jackpot ka. Yun lang ung kapasidad ng utak ko, hehe.

Nananalo nalo naman ako ng P10 or P5 kaya cool naman. Actually hindi ko naiintindihan kung paano akong nananalo kahit iniilawan nya ung linya kung bakit ako nanalo. Basta may nacredit sa akin na pera, amproud ko na, haha. Nung umabot na ako sa P15, itinodo ko na ung taya ko. Hindi ko naman pera un at wala namang mawawala sa akin. Pagpindot ko ng play…

Car

Car

Car

Car

Seven.

Nanalo naman ako ng P500 mula sa taya kong P15. Not bad, pambayad ko na din ng bill namin para sa cable. After macredit ung P500 sa card, nagclock-out na ako para mawithdraw ung P500 at bumalik sa table namin dun sa Bar para uminom muna ng beer. After kong makuha ung card, tinignan ko kung ano ba ung jackpot na makukuha ko kung sakaling Car din ung nakuha ko sa dulo.

Jackpot: P 2,500,000.00

Putanginamels.

Advertisements

Responses

  1. Sayang naman! Pero maswerte ka pa rin nanalo k khit papano…pero ingat ka baka maadik ka hehehe…I was there last month naglaro din kami ng kaibigan ko hindi nmn ako nanalo hndi ako maswerte sa mga ganyan…perstaym ko rin noon na nagpamember at ang sosy ng mga tao jan hehehe…

    • hindi naman, paminsan minsan lang, wala din naman akong panlaro, haha. hanggang libre lang ako

  2. Hahaha so freaking bad!

  3. Awwwtss. Haha. Sakit. Sayang naman pala. Isa na lang eh may kilala na akong milyonaryo. Haha. Hindi na lang sana bill ang mababayaran mo, sayang talaga. Haha. Nacurious tuloy ako sa Resorts World. Kahit bawal ang casino parang ang sarap pumasok dun. Nyahaha.

    • gusto mo din manood ng mga russians? hahaha

  4. hahahahhaha. yun lang kung bkit sevven pa yung panghuli. kung nagkataon nalibremo sana kmi. hehehehe

    putanginamels..nyahahaha nkikigaya lng

    • pwede rin, kung nagkataon, hehe. why not!

  5. Asteeeeg! Syet isa nalang isa ka nalang billionaire! Pero astig pa din kase nanalo ka nung araw na yon. 🙂 Ako naman bacarat naman ang nilalaro ko sa casino. Pero gaya mo, laging P1,000 lang ang kaya kong itaya. One time nanalo ko ng P2,500. Yehey! Saya. Hahahah! Taya nalang tyo sa lotto para maging billionaire 🙂 Heheh

    • millionaire lang, haha.
      at P100 lang ung panglaro ko, ung free credits pa, haha. ayokong gumastos ng galing sa bulsa ko, =p.

  6. Oki lang yan. Kung nanalo ka nun posibleng:
    1. nagtatago ka na dahil baka makidnap ka; o
    2. sinasampal mo na kami ng pera ngayon.

    Haha!

    • mas gusto ko ung pangalawa, ahha

  7. langya, SAAAAAYANG! hahaha ba’t di ka na umulit? haha kase malay mo biglang puro car na nga ‘yon, di ba? langya sayang talaga hahahaha

    • may panlibre na sana ako sayo ng ‘amberger


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: