Posted by: Oliver Lee | December 27, 2010

Ang Pinakawalang Kwentang 2010 Year Ender Post

Wala akong mandatory bday emo post kasi tinamad akong magsulat nung birthday ko. Hindi dahil napagod ako sa party or stuff. Tinamad lang talaga ako.

Salamat nga pala sa mga nakaalala. Sa mga hindi nakaalala, huwag kayong magalala, kakalimutan ko na kayo.

As usual, isang regalo lang talaga ang natanggap ko, combo na dun ung bday at christmas. Open pa rin pala ung wishlist ko, baka may gustong magbigay, hahaha.

Masaya naman ang christmas dito sa bahay. Hanggang ngayon nga ay may remnants pa rin kami ng noche buena. Syempre ang umuubos ay ang yours truly. At ang usual kong nilalantakan ay yung Ham. Alam niyo naman, Ham + Cheese + Mayonnaise + Bread = Happy Meal na sa akin.

Ah, may isa pala akong setback nung Christmas. Gusto ko kasi ng cheesecake, especially blueberry cheesecake. Naghahanap na nga ako ng malapit na bilihan kaso wala akong makita. Nagpunta ako sa Savemore na malapit sa amin, at since nakita ko na maraming bumibili sa Goldilocks, dun na din ako bumili ng cake. Ang binili ko na lang ung Chocolate Mousse. Hindi ko alam kung ano ung konek nung Blueberry Cheesecake sa Chocolate Mousse pero un ung nabili ko kaya sakay ka na lang. Ayun, pagdating dito sa bahay, walang gumagalaw kasi sobrang tamis. Hindi naman kami galit sa matamis (well, si Papa kasi diabetic siya) pero parang asukal lang ata ung ingredient nung cake na yun. Sobrang tamis to the nth power. Kaya ngayon, crossed-off na ang Goldilocks sa list ng mga bilihan ng cake ko. Kahit na itabi nyo pa sa bahay namin ang Goldilocks na store, hinding-hindi na ako bibili ng cake dun.

Nanood pala kami kahapon ng Enteng Kabisote at Rosario. Alam niyo namang hindi ko pinapalagpas panoorin tuwing MMFF ung pelikula ni Vic Sotto kaya given na un. Ung Rosario, un lang kasi ung nakita ko na may value something sa pelikula kaya pinanood namin. Dapat tatlo ung panonoorin namin kasi nagmamadali ung isa naming kasama, may usap time daw sya. Sus. Hindi ko tuloy napanood ung kay Aiai. Yun lang kasi ung tatlong films na gusto kong panoorin. Ayoko ng horror. Sino ba naman kasing matino ang nagpapalabas ng horror tuwing christmas. At natrauma ako sa Shake, Rattle and Roll na ipinalabas nila last year kaya no-no na siya sa christmas film list ko ever. I swear, paglabas ko nung sinehan, gusto kong sakalin ung namumunit nung ticket sa may pintuan kasi hinayaan nya akong pumasok sa loob ng wala man lang warning or disclaimer na: “Sayang ang Pera mo sa Pagpasok sa Loob ng Sinehan na ito”.

Anyway, ito na siguro ang last post ko for 2010. Hindi ko kasi alam kung sisispagin pa uli akong magsulat this last week of December. Isa pa, wala rin akong ganang magsulat (tignan nyo naman ang sinulat ko, haha). At may tinatapos lang pala akong idownload, at since complete na siya, dapat ko ng tapusin ang post na ito. Oo, nagsulat lang ako ng mga walang kakwenta-kwentang bagay bilang pamatay oras sa paghihintay ng download. Kung nakarating ka sa puntong ito, salamat at hinayaan mo akong sayangin ang ilang oras ng 2010 ninyo.

Belated Merry Christmas and a Happy New Year to All!


Responses

  1. Hahahaha!!!Red Ribbon nalang kasi.Anyway basta cake naman utod ng tamis…hahahaha!! Ako gusto ko manood ng DALAW(e ano kung horror?!LOL) kaso di pa palabas dito.Takte! Belated merry xmas and belated happy bday….hehehe!!!

    • e kasi tnatamad akong lumayo haha. ung savemore samin tatawid lang ako. =p
      yan ang napapala ng mga tamad, hahaha.
      teka, panong hindi palabas ung dalaw? diba nationwide naman ung mga movies?
      merry xmas and hapi nu year!

  2. Soon mapapanood ko din ang Enteng Kabisote at tradisyon na din sa pamilya namin yan. Haha. Kahit ayaw mo eh hahaltakin ka. Bakit ang gusto ko eh yung RPG para matignan kung mukha pa talagang 3D? Haha. Ako eversince, tamad magsulat. Wala lang, mabanggit lang. Haha. Merry Christmas and Happy New Year.🙂

    • masaya naman si enteng kabisote. laugh trip din.
      bakit hindi ako naengganyong panoorin yang RPG na yan.
      Meri Xmas and Hapi New Year!

  3. Buti ka pa may natanggap na regalo kahit isa. Hahahaha. Sa failed na cheesecake mo, keribels lang yan. Meron pa naman sa Starbucks, yun Oreo Cheesecake tapos libre mo na rin ako. Hihihi

    • ikaw nga manlibre dapat, hehe.
      gusto ko pa din ng cheesecake =(

  4. Hahaha. Rosario lang ang pinanood ko. =)

    Happy 2011. =)

    • Ok naman diba? Happy Nu Yir!

  5. Tungkol saan ba yang Rosario at nakakaintriga dahil kamukha ni Jennylyn sa poster yung isang pic na nakita ko sa National Geographic.

    • Hmm, story about a liberated girl na nabuhay during the 1920’s-30’s (di ko sure ung time era)
      kwento sya ng lola ni MVP.
      sabi na nga ba nagbbloghop ka lang sa office haha

  6. tama ang.konek na konek ang chocolate mousse sa blueberry cheesecake! sobra! haha!
    pero kung tutuusin, pareho silang onti lang ung cake-crust part at kinaramihan ung cream. hahaha. talagang pinagdiskitahan! hahaha!

    buti naman enjoy na enjoy ka sa shake,rattle,and roll!!!😛

    sana mas mag enjoy ka next year–lalo na sa susunod na shake rattle and roll! haha!

    • ay naku puro icing lang ung laman ng cake. Diabetic-friendly hahaha

  7. Haha. oo akalain mo nabasa ko lahat😛
    Happy new year sa iyo.
    keep blogging😄

  8. Happy New Year! Ang kulit ng year-ender post mo hehehhehe. And in fairness, nasasarapan kaya ako sa cake ng Goldilocks. Sige, sana sa tabe nalang ng bahay namen sila magtayo ng branch! Hehehehe.

  9. hahahahahaha. tekteng yan. magnda ba ang enteng kabisote? yung rosario nagpakita daw b ng nips si jenilyn?hahaha.

    huli man ang matsing nakakabati pa rin. merry xmas and a happy new yr

  10. 2011 ko n nang mapadaan sa blog mo kaya Happy New Year sau! Makikibasa ako sa blog mo dis 2011! hehehe!

  11. “huli man daw dumating, gwapo pa rin”

    maligayang pasko at mayabong na bagong taon kuya olive oil! yeah!!!

    sana binigay mo na lang sa akin yung choco mousse, it’s my peborit kasi hehe

  12. bakit naman kasi hindi mo sinabi sa akin nung nagkita tayo na gusto mo ng blueberry cheesecake? edi sana niregalo ko na sayo yon!

    at oo nga pala, yung agimat at enteng kabisote wala sa trinoma! buset! kaya nagpunta pa kami ng sm north para don.

    yaan mo pagnagkita tayo, libre kitang cake. sos ka.

  13. hello..haha..happy new year!!! buti ka pa nakapagmarathon ng mga MMFF…ung mga napanood ko eh di naman ganun kaganda..DALAW tsaka tanging ina haha..anyway..happy new year ulit..and more cheesecakes for you this year!! ^^


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: