Posted by: Oliver Lee | December 21, 2010

susan africa

So may mga bagay pa rin palang hindi nasesearch ni Google. The world is still safe.

Nung Friday ay Xmas Party ng aming kumpanya. Sobrang kapal ng mukha ko lang, 2nd day ko, kumikrismas party agad ako. Malupit pa dyan, kahapon, which is my 3rd day, xmas party uli, ansaya diba? Anyway, ayun na nga. Sa sobrang umaga kong gumising ay medyo it took a toll on me (isa akong highway) at sumama ng slight ang aking katawan. Maaga kasi ung calltime at maiiwan ka ng bus kapag hindi ka umabot.

Anyway, late ung mga kasama ko kaya naiwan kami ng sangdamukal na bus na naghihintay. Oo, maniwala ka, sila ang late. How dare they? Anyway, on time lahat umalis ung bus. Since wala ng masakyan, pumara kami ng taxi para makapunta sa aming destinasyon. Pinilit kong umidlip sa taxi dahil alam kong tulog lang ang katapat nito. However, nakikinig ng radyo si Manong Driver. Non-issue naman sakin to kasi alam kong kahit papaano ay makakaidlip naman ako. Hindi din naman malaboombox ung volume ng radyo nya. At hindi ko lang alam kung alin sa perennial station ng mga taxi driver nakatune in si manong, kung Yes or Love. Pramis, magbibigay ako ng tip na P20 (asa ka, mataas na yan) kapag may natyempuhan akong taxi na sa Magic or Rx nakikinig.

Going back, habang pinipilit kong matulog ay biglang tumugtog ung “Waka Waka” song ni Shakira sa radyo.

Pero hindi si Shakira ang kumakanta kundi dalawang lalaki.

At tunog Waka Waka lang sila.

Tawa kami ng tawa sa loob ng taxi. Sayang nga hindi ko narecord sa cellphone ko. Basta ang natatandaan ko lang ay yung “This time for Africa” na line ay pinalitan nila ng “Si Susan Africa”. Anyway, medyo vague kasi memory ko kaya un na lang natatandaan ko. May lines pa naman na iba, pero hindi na ung buong chorus. Basta ung tanda ko e naging tungkol kay Susan Africa ung kanta, gumanap syang nanay ni Mara sa Mara Clara, lagi syang inaapi sa tv at pelikula, at magaling syang artista.

Ang tawa lang talaga namin sa taxi nung narinig namin ung kanta. Nawala bigla ung antok ko. Ang galing nilang magrelyric ng song, infairness.

Anyway, kinabukasan ay sinearch ko sya sa Google, Youtube at pinagtanong sa Twitter at Facebook to no avail. Kung ito ay narinig nyo na, at may alam kayong link, ipost nyo at ishare sa amin. Kung may mp3 ka naman, huwag ka ng mahiya at maging madamot. Pramis, hindi ka namin huhusgahan, bagkus matutuwa pa kami, hehe.

Naisip ko lang kung merong kopya ng mp3 at lyrics nito si Julian Assange, hahaha.

EDIT:

Nahanap ni Bura at inattach sa comments, hehe. Salamat kay Bura!


Responses

  1. Share mo pag nakakita ka na ha

  2. Eto ba yun pre?

    • wow, thanks! ifm pala un, haha

  3. hahaha buti may nakahanap ng link @ bura

    haha pampawalang antok nga
    how dare they haha

    • onga e, haha. tawa talaga kami ng tawa, =p.
      how dare they talaga, haha

  4. Hahahahaha bwiseeeeeeeeet tawa ako nang tawa, kawawang Susan Africa napagdiskitahan!!!

    May narinig din akong song dati, parang matandang babaeng nagdadasal in Bisaya, parang dasal para sa patay, pero ang background music eh Family Affair ni Mary J Blige.

    • panalo diba? =p
      hahanapin natin yang song na yan.

  5. huntangeeennerrrrs narinig ko na rin yan sa radyo hahahaha

    • ayan may youtube link na!

  6. teka nga mapanood yan…kwawang susan africa!ahahaha…e yang dlwang din mokong na yan yung kumana ng “tira maid” parody nmn ng pyramid…hahaha!kagigilaz…

    • tira maid? haha mapanood nga

  7. Lee, Happy birthday!

    Sensiya na, wala kasi akong access sa facebook.. hehehe

    • haha. salamat?
      kala ko iddate mo ko ngaung december? =p

  8. at dahil na-curious ako sinearch ko si susan africa. haha.

    • haha. so naintindihan mo na ung kanta? haha

  9. ahhaha tawa ako ng tawa puta! LOL Salamat sa nag share ng link!

    • panalo diba? haha. para kaming tanga nung narinig namin sa radyo yan

  10. Ayus, may nakahanap. =)

    • onga e.
      tanga lang pala akong gumamit ng google, haha

  11. Haha. Nakakatawa. Walang hiyaan. Haha. Kawawang susan africa na sinearch ko pa sa google kung sino. Haha. Siya pala yun. Ang napakinggan ko dati eh yung tira maid. Haha.

    • hindi ko alam ung tira maid!!! haha.
      hanapin ko nga un

  12. the best ang lyrics na
    sa iyong LA-HAYN lahat NA-AN-TEG!

    hahahha!

    Miss ko makinig ng radyo!

    Syet lahat nalang namiss ko!hahaha

    • hehe, panalo ba?
      nagsstream naman sa internet ung mga radio stations diba?

  13. Maligayang pasko sayo! Hugs from your friendly neighborhood blogger. Sana masaya ka ngayon.😀

    hahah.. too bad wala na si susan africa sa mara clara. nag yaya pancha kasi sya sa rubi.

    • Meri Krismas!
      Hope you had a happy christmas too!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: