Posted by: Oliver Lee | December 16, 2010

First Day High

Ngayon ang persdey ko sa bagong work. Bilang paghahanda, pinakintab ko ang aking sapatos, nagpabango hanggang tutsang, at tinoothbrush isa-isa ang aking ipin.

Inulit-ulit ko sa utak ko ang katagang “hindi ako sasakay ng Pasig” para hindi mali ang aking masakyan. Sa kabutihang palad ay tama naman ang nasakyan ko. Kumportable na akong nakasakay at mabilis ding umalis ang aking sinasakyan.

Ang hindi ko inaasahan ay ang mga sumunod na pangyayari.

Habang binabagtas ng aming van ang Otis at malapit na kami sa intersection sa may bandang Unilever, bigla na lang nagtiliian ung mga babae sa harap ng van (asa likod ako). Nabigla na lang ako ng may biglang kumalabog sa right side ng van.

May nahagip na nagbibisikleta si Manong.

Para bang nagslo mo ung paligid ko ala Matrix. Nakita ko pa si Manong Bisikleta na nakadapa at sinusubukang tumayo.

Si Manong Driver, imbis na huminto at makipagayos, ay nagcounterflow at bigla na lang lumiko sa Quirino Ave. Extension.

Strong bones si manong.

Bigla na lang kaming natahimik lahat at kumapit sa lahat ng pwedeng kapitan dahil mala-flash na ung pagmamaneho ni manong driver. Tahimik kaming lahat na humahawak kay dear life at walang umiimik. Walang nagsalita sa nangyari. Kung anong lakas ng tilian kanina sa van, syang tahimik naman namin ngayon.

Nung oras na iyon ay gustong-gusto ko ng bumaba sa van na sinasakyan ko. Gustuhin ko mang makita ung mukha ni manong driver, hindi ko sya maaninag sa salamin. Tanging ang manipis na buhok nya lang ang nakikita ko. Maging ang katabi nyang pasaehero, diretso ang tingin. Parang naging multo si manong na ipinaubaya na lang namin sa kanya na makarating kami ng maayos at matiwasay sa mga pupuntahan namin.

Ngunit hindi pa pala doon nagtatapos ang eksena ni manong.

Pagdating sa intersection ng Ayala at Buendia ay naabutan kami ng stoplight. Bale may isang sasakyan lang sa harap namin. Mula sa aming kinalalagyan ay kitang-kita ko na ang no left turn at no u-turn na sign. Nasa likod ako ng van nyan ha.

Ng biglang mag go at umandar na paabante ang sasakyan namin, si manong ay biglang nag u-turn. Nakita sya ng makati pulis. Ung mga nakayellow. Ang alam ko, mahigpit tong mga pulis na ito at walang sinasanto.

Lumapit si manong pulis at kinatok ang van. Sumesenyas sya ng square at mababasa sa bibig nya ang salitang “lisensya”. Pinapatabi ng pulis sa may tapat ng columns. Lumiko naman ng dahan dahan si manong driver at akmang magpapark.

Ng bigla syang humarurot at lumiko ng Malugay.

Wala lahat kaming nagawa kundi maupo at kumapit magmuli kay dear life.

Hindi ko na alam kung san sya nagpasikot-sikot pero ng makita ko na ang familiar place na binababaan ko, sumigaw na ako ng para.

Ako ung huling bumaba nung van. After kong isara ung pinto, kumaripas muli ung van ng takbo.

Pramis nanginginig ung tuhod ko sa mga nakita ko. Gusto ko mang kunin ung plate number ng van, alam kong iba na ang magmamaneho nun maya-maya. At hindi ko na din nakuha dahil nga bigla itong nawala at naging kasapi muli ng trapiko. Ayoko namang mahuli ung taong walang kasalanan. Malas ng driver na hahawak nung van after niya.

At dahil dyan, 30 minutes akong maaga sa time-in ko. Ktnksbye!


Responses

  1. tawa ako ng tawa puta! Humor blog ka narin?! Baket wala yung kwento mo tungkol sa bagong work. Yung station mo, yung kapaligiran. Mga chicks and stuff. Sus! Gow blog na ulet.

    • hindi naman. para kasing ang lungkot nung last post ko kaya pinapasaya ko lang sarili ko.
      un pala ung kapalit pag sobrang aga ko sa work, hahaha.
      saka na ung mga hinihingi mo, hahaha.

  2. Bakit hindi mag-apply si kuya bilang drayber ng NOVA bus!hahahaha!

    So may magnda rin plang naidulot ang kapwitan ni kuya!

    Meri christmas sa iyo

    • medyo may mabuti naman, haha. pero ayoko na ng ganun, nakakatakot. haha.
      meri xmas! uwi na kasi, hehe.

  3. bakit sakto ka sa mga magagaling na drivers? jackpot!

    • ewan ko. taon ko ata ngaun ng mga irresponsible drivers hehe.

  4. grabe si manong drayber! ang skills niya ah! WAGAS🙂

    ineexpect ko na magkkwento ka tungkol sa pers day of work mo. musta naman?🙂

    • ok naman. medyo exciting at masaya naman ang persdey.
      parang bagong pasok lang sa school, haha

  5. parang naginit lang ulo ko kay manong…yung mga ganong tao hnd na dpat nagddrive e…dpat don sinasagasaan!!!hahahahahaha….

    good luck naman sa new work mo…hehehe!!!

    • salamat, good luck talga sakin. =p

  6. Ahahahhahahahha akala ko naman kwentong pers day hindi pala… pang novo bus lang… lol… sana nagpapicture ka sa loob ng van para may remembrance ka! hehehehehehehe

    • haha, nakkatakot, parang hindi ko na ata maiisip un. gusto ko nga sanang picturean si manong driver e, kaso di ko talaga nakita ung mukha

  7. Ang ganda ng pagkakadetalye mo ah, mukhang natakot ka talaga ni manong driver. heheheh! Lumingon ka ba? baka naiwan kse ang kaluluwa mo sa daan. =)

    Good luck sa new work!

    • nung lumingon ako pagbaba ko wala na ung van.
      kunin ko sana ung plate number kaso bigla na lang talaga syang nawala.

  8. Buwis-buhay ang van! Wala ka bang naamoy na something kay manong na syang magpapaliwanag sa lahat???

    Aba magkalapit na lang pala tayo ng office!

    • wala, malayo ako e. feeling ko wala syang lisensya.
      onga daw, magmeet tayo minsan, hehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: