Posted by: Oliver Lee | December 13, 2010

namemersonal

Gustuhin ko man na laging masaya ang sinusulat ko ay hindi pwede. Nakalimot ako na pang-akin pala to, at hindi para sa ibang tao. Selfish na kung selfish, pero ganun ko ito sinimulan at gustong patakbuhin. Para maisulat ang basurang nakakalat sa utak ko; kung bakit sinumulan ko ito.

Habang isinusulat ko ito ay binibilang ko ang oras kung hanggang kelan na lang ako mamamalagi sa aking current na trabaho. Kung kilala ninyo ako ng personal, alam mo na nung una ay gustong-gusto kong gawin ang trabaho ko. Tipong hanggang sa bahay ay nagtratrabaho ako at nagpapalabo ng mata kakatitig sa monitor, nagiisip ng mga formula, process improvement at kung ano-anong pagiinterpret at analyze sa data na minsan ay hindi ko na alam ang ginagawa ko. Hanggang sa mapalitan ang job function ko. Mula sa pagccrunch ng data ay nagiisip naman ako ng mga lohikal na pwedeng gawin para mapagana ang program na ginagawa ko. Ang trabaho na inaayawan ko pagkagraduate ko, kung saan lahat ng taong nakapaligid sa akin ay nagsasabing doon ako nababagay dahil naroon ang aking lakas, ay syang napunta sakin. At sa hindi malamang kadahilanan ay nagustuhan ko din. Pinagsikapang maintindihan at natutunang mahalin. Kung kilala ninyo ako ng personal, alam mo din kung bakit ginusto ko ng umalis.

Hindi ibig sabihin na iiwan ko ang aking kasalukuyang trabaho ay ayaw ko dito.

In fact, nagdalawang isip ako kung ito ay iiwan ko. At kung may kukuha ba sa akin bilang baguhan pa lamang ako sa categorya ng industriyang pinasok ko. Kung ikukumpara ako sa mga naghahanap din ng trabahong kagaya ng posisyon na kinalalagyan ko ngayon, pakiramdam ko ay walang-wala akong ibubuga. Pakiramdam ko ay wala pa akong ipaglalaban sa kakayahan at impormasyong taglay nila sa karerang napili ko. Pero sa awa ng Diyos, may nagtiwala at naniwala sa akin. Kaya nasa akin na ang bola para huwag baliin ang paniniwalang iyon.

Magiging hipokrito ako kung sasabihin ko na hindi pera ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan kong lumipat. Kailangan ko ding ibalik ang suporta na ibinibigay sa akin ng pamilya ko. Ng mga magulang ko. Kahit papaano ay may umaasa sa akin. At kailangan ko ring gampanan ang tungkulin na iyon bilang miyembro ng pamilya. Sana lang ay naiintindihan nila na hindi ko pa kayang magpasok ng limpak limpak na cash para sa pamumuhay namin, pero ang ginawa kong hakbang, it’s a start. Sasali ako sa Willing-Willie para magkapera, ahhaha.

Bilang nalinaw ko na ang aspetong pinansyal sa paglipat ko at ang disclaimer na hindi ako hipokrito, isang simbolismo sa akin ang paglipat ko. Hindi lamang bagong office o bagong lugar ang ninanais ko. Wala akong kagalit. O wala din akong isang matinding negatibong rason para lumipat ako. Ang paglipat ko ay simbolismo ng pagtupad sa pangarap ko. Alam ko na tunog politiko ako doon pero, sabi nga nila, cliché is a cliché for a reason.

Lilipat ako dahil kailangan kong tahaking muli ang pangarap ko. Na gumawa ng bagong daan. To start from scratch. Iwanan ang lahat ng nakaraan na nagpapaalala kung saan nawala sa landas at nabago ang takbo ng buhay at utak ko. Kung saan binuo ko uli ang aking sarili. Kung saan natuto muli akong tumayo sa aking sariling paa. Ang paglipat ko, lalo na sa lilipatan ko, ay testamento ng pagtupad sa pangarap ko. Na kaya kong abutin ang gusto ko.

Hahanap-hanapin ako ang mga taong aking iiwan. Hindi ninyo alam kung paano kayo nakatulong sa akin bagama’t wala kayong alam sa pinagdaanan ko noon.  Maraming salamat sa hindi pagtatanong kahit alam natin pare-pareho ang dahilan. Sa silent understanding na ating pinagsaluhan. Alam ko na magulo ung last sentences ko kaya to cut it short, maraming salamat sa pagunawa at pagintindi see, hanggang ngayon broken ang train of thought ko. At mas maraming salamat sa pagsuporta at pagtiwala sa akin na kaya kong gawin ang mga dapat kong gawin, work-related man o hindi. Maraming salamat sa pagsakay sa mga trip ko, pag-alalay, at pag-gabay sa akin. Naniwala kayo sa akin kahit hindi na ako naniniwala sa sarili ko. Na iparamdam muli sa aking ang pakiramdam na kaya ko. Ibinalik ninyo ang nawala kong “fighting spirit”, ika nga nila. Sa pagrespeto, pagtulong at pagsuporta, maraming salamat. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan. kasi nasa facebook ko kayo, joke! hahaha

Magsisimulang muli ako. Bagong buhay. Bagong pag-asa quezon city. Bagong landas sa pagtahak ng pangarap.

At ngayon, para sa akin. (enjoy talaga ako sa strike-through)


Responses

  1. napakatalinghaga naman ng mga binitwan mong salita. Tama ka, gusto ko ring bumalik sa rason na kaya ako nag blog ay para sa sarili ko at wala ng iba. Nais kong sabihin na nawa ay mag tagumpay kang lalo sa piling ng bagong kumpanya mo na minsan ko naring pinangarap ngunit tinuldukan na nila iyon (bitter). Sana ako rin maka kuha ng bagong trabahong inaasam ko.😀

    • hahaha. pwede namang subukang muli.
      onga, pagdadasal ko na sana ay matapos na ang iyong paghihintay at lumipad ka na papunta dun. go!

  2. gudlak sa iyo ‘igan…🙂

    • salamats kuya chingoy

  3. Ang drama ng iyong blog lol. see, told you nothing’s impossible😀 manglibre ka pagkasweldo mo sa new work mo hehe😛

  4. Alam mo kasi, tama yang ginagawa mo… Malaking desisyon, oo, pero mas masarap magsisi sa isang bagay na ginawa mo keysa magsisi sa bagay na sana ay ginawa mo pero hindi mo nagawa… God will provide!

    • maraming salamat. nakakatakot lang kasi. hehe
      oist sabay tayo sa 16, yes?

  5. kung saan ka masaya, te…suportahan ta ka! hehehehe🙂

    • papalitan ko na nga ung link mo sakin. lagi akong napupunta sa idlip.net mo. haha

  6. Gudluk brod, minsan talaga kailangan nating umalis sa ating comfort zone para mag-grow tayo!naks

    Teka si glentot ba talaga yung nagcomment na yun?hahaha parang di ako sanay hahah!

    ingat

    • salamat. nakakatakot lang. sana makadjust agad at wag magfail sa pagmeet sa expectations hehe.
      ingat!

  7. Ang daming drama…. bumili ka na ng kamera!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: