Posted by: Oliver Lee | December 7, 2010

My Bday/X-mas Wishlist

Sa mga minalas o sinwerte (depends on your point of view) na taong katulad ko na ipinanganak ng December, isang regalo lang ang nakukuha namin. Ni minsan e hindi ko pa naranasan na makakuha ng dalawang regalo para sa magkaibang okasyon na to (as far as I can remember, please refresh my memory). Sa amin, palaging combo.

Hindi naman ako nagtatampo this is so unfair! this is so unfair! kasi ang regalo ay regalo. Pinagkagastusan pa rin yun at nandun pa rin ung thought na inalala ka nila. And with that on a totally somewhat related note, narito ang aking birthday/christmas wishlist. Hindi ito shit na world peace world peace. Puro tangible at material na bagay ang ilalagay ko dito na pipilitin kong maging sampu, in no particular order (parang bue beue byu contest lang):

1. Gelpren Canon EOS 550D

Canon EOS 550D

Hindi ako choosy pero ito ung gusto kong camera, hahaha. Tutal naman e ginagawa akong photographer tuwing may family event at kung ano-ano pa, might as well ito na ung hilingin ko. Akalain mong napagtyatyagaan nilang gawing camera ung celfone ko.

2. XBOX 360 with Kinect

XBOX 360 Kinect Bundle

Gusto kong maglaro using Kinect. Parang ansaya-sayang maglaro kasi napakainteractive talaga nya at totally immersive ung gaming experience. Tapos nakita ko tong video na to sa youtube at inggit na inggit ako, haha:

3. NEO Elan L4300-3D Laptop

NEO ELAN L4300-3D

I know, I know puro gadgets na ung nilalagay ko pero pagbigyan nyo na ako, haha, wishlist ko to e. Malay mo may matupad kahit isa dyan.

Anyway, gusto ko yang laptop na yan kasi equipped sya for 3D Gaming at gusto kong laruin uli ung Mass Effect at Batman Arkham Asylum in all its 3d Goodness. Saka kawawa kaya ako kapag nauunahan ako ng ate ko sa desktop (ahaha, nagmakaawa).

4. Complete my Justice League Novels

JLA Books that I don't have

Hindi ko kasi makumpleto yan. Wala akong makita sa lahat ng bookstore na naimbento dito sa Pilipinas. Meron na ako nung Superman, Green Lantern, saka nung Wonder Woman na resulta ng kakasuyod sa mga bookstores. Kung may magmamagandang loob, narito ang kanilang Amazon.com links: Batman, JLA, Flash.

5. Nintendo 3DS

Nintendo 3DS

At bumalik ako sa gadgets, hahaha. Pasensya na, ganun talaga ang circuit board ng utak ko, whatever that means.

Anyway, hindi pa ito nilalabas, early next year pa ata. Gusto ko ng Nintendo 3DS kasi you can experience 3D gaming without the glasses. Besides, na outlive ko na ata ang Sony portable gaming experience ko at kelangan ko naman iexperience ang Nintendo portable gaming. At wishlist ko to, e ka makialam.

6. SAP ABAP book (as in totoong book)

SAP ABAP book. Click to be directed to Amazon.com

Lalong lumabo ang mata ko kakabasa ng ebooks para sa trabaho ko. Kaya gusto ko naman ng totoong tangible na book para un na ung babasahin ko.

Ilang beses na akong naglilibot sa mga bookstores dito sa Pilipinas pero wala NI ISA akong makitang bookstore na may book about ABAP. As in parang super-rare pokemon sya sa pagkaelusive. Hindi ko na alam kung san ako pupunta para makakita or makabili (kung may pera at affordable sya) ng libro about ABAP.

Feeling ko ito lang ang pinakauseful sa wishlist ko, hahaha. Helpful din ung iba! Iniimprove ko ung hand-eye coordination ko. Hmp!

7. Ipad

Apple Ipad

Not because of the reasons you think. Kelangan ko lang kasi ng may malaking screen para madaling mabasa ung mga ebooks ko. Mas ok magbasa kasi clear ung screen. Ayoko ng Kindle kasi black and white saka hindi ako makakapaglaro dun ng Plants vs Zombies saka Angry Birds.

Ok, so it is because of the reasons you think.

8. Black Long Sleeves

Black Long Sleeves

Wala kasi akong black na long sleeves. Yun lang ata ung kulay na wala ako sa long sleeves ko.

9. Black Leather Shoes

Black Leather Shoes

Kailangan ko na kasi ng Black Leather Shoes. Super gasgas at worn out na ung shoes ko. Tapos gusto ko ung ganyan mismo. As in ganyang style.

10. Pera… lots of it.

Pera

Need I say more?

At yan ang aking Bday/Xmas Wishlist. Hindi masamang pangarap at lalong hindi masama kung inyong tutuparin. =p

Photosource: Google Images
Photocredit: To their respective owners



Responses

  1. Hindi ko kaya ibigay mga yan…😦
    Gelpren lang pwede. haha

    • aabangan ko yan, hahaha

  2. Avatar XXX bakit wala jan? Isama mo na ang Deep Throat 2010 Edition… Yan galing lahat ke glen hahaha

    • parang di na ata kelangang ilagay. papaburn na lang ako ke glentot hahaha

  3. musta d2, gusto ko ung #3 astig magkano kaya un, ok ung long sleeve guapo ang dating…

    • ung number 3 ay nasa price estimate na P100K hahaha.
      wala pa syang retail price. ngayong december pa lang ata irerelease, i think.

  4. gasgas na yung “sa pasko na lang regalo mo ha” hahahaha

    advanced merry birthday kuya olive oil🙂 hihi. seeyou on dec 12🙂 libre mo kameeeee

    • linya ko un e, =p/
      salamat. wala akong panlibre senyo, haha. magkkwento ako pag nagkitakita na tayo.

  5. Ang sakit talaga sa braincells ang katulad nating December ang kaarawan. Sana ay tamaan ang mga tao sa sinulat mo para naman dumami ang regalo natin. Hihihi

    • yes, haha. malay mo diba?

  6. nakakarelate wahahha!
    bakit kaya hindi mo lagyan ng address haha malay mo may magandang loob na pasayahin ka padalhan ka sa bahay niyo ahha!

    • may email naman ako. pwede nila akong kontakin, hehe. but that’s a good idea, hehe.

  7. talaga bang may nag lalaglagan na snow sa website mo?! Fine! Ako isa lang ang chirstmas wish ko. New work sa sg. hihihi

    • in season si wordpress, hehe.
      ipagppray kita sa wish mo.
      pagpray mo din ako, alam mo na un, haha.

  8. Naku sa Number 10 pa lang eh kuha mo na yung 1 to 9, pati ang gelpren.

    • kaya nga e, haha.
      yan ung fail-safe device sa wishes ko hahaha.

  9. sige na nga papadalhan kita ng mga iyan! paki-intay na lang ang balikbayan box ko bago magpasko!hahahha Asa??LOLS

    ingat

    • yes tenkyu. aasahan ko yan drake. AASAHAN KO YAN, hahaha.
      yngat!

  10. Ang pinakamadali lang ibigay diyan eh ung polo na longsleeves at leather black shoes ehhehe😀 bakit inistrike through mo yung unang number 1 na nakasulat? malay mo naman diba😛

  11. […] ni tnl HUEYskidoodles dito galing ang picture ng ipad. Blog /* […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: