Posted by: Oliver Lee | December 1, 2010

Gala Mode

The sun was up and the warm ocean breeze greeted us as soon as we arrived. The sands in our feet was a nice and relaxing feeling. Away from the pollution, traffic, and the busy streets of Manila, this getaway was a welcome break for all of us.

Yan sana ang pugelshit intro ko kung natuloy kami nung weekend sa Zambales. Dapat ay magsusurf/beach bum kami ngunit subalit datapwat hindi kami natuloy dahil sa ano-anong ewan na naganap na ayoko na din isipin kung ano ano un.

Anyway, ikkwento ko na lang sa inyo ang mga kaganapan last week in this bummer of a life that I have.

~

Thursday, 2010 November 26

Nagtrip ang ate ko na magMcDonalds para kumain ng twister fries. Dahil sa ako ay isang dakilang promotor, ang stone’s throw away na McDonald’s (ok hindi sya actually stone’s throw pero malapit na malapit lang sya samin) ay nilagpasan namin at dumeretso kami ng MOA.

Kumain kami sa Sizzling Pepper Steak kasi hindi pa nakakakain sina Papa at Mama doon. Para maibsan ang Potato addiction namin ng ate ko e bumili na lang kami sa isang food stall sa labas na dinudumog nung tao. Nalimutan ko na ung name nya e. Basta, meron silang bentang potato tapos nasa stick tapos iniikot-ikot para maslice ng manipis tapos magiging spiral sya, tapos deep fried, tapos lalagyan ng flavored powder something tapos ibibigay na sa iyo para kainin (whew!). Basta mabenta ung stall na un, after 15 minutes mo pa makukuha ung order mo. Buti na lang at umorder na din kami sa Sizzling Pepper Steak at napagsabay ang waiting time namin.

Anyway, after kumain ay pinaglakad namin ung pamangkin ko sa MOA sa ilalim ng mga puting christmas lights at nagkanda 360 degrees ang ikot ng leeg nya kakatingin sa mga ilaw. As soon as we reached ung tawiran sa gitna, ung papuntang IMAX, ay nakita namin ung dry-run ng parada ng SM for their Christmas celebration. At isang matinding camwhorean ang naganap, at ako ang photographer:

This slideshow requires JavaScript.

~

Saturday, 2010 November 27

So imbes na asa Zambales ako ay nasa SM Manila ako at naghihintay sa kanila. At since ako ang naunang pumunta (let’s put an emphasis on that) ay nagpunta muna ako sa optometrist para bumili ng bagong set ng mata dahil malabo na ung ginagamit ko. Nung kami ay nakumpleto na ay dumiretso na kami sa Binondo para kumain.

Pumunta kami sa President’s Palace dahil hindi pa kami nakakain dun. Ang inorder namin ay sizzling pansit with shrimp and i-forgot-kung-ano-pa-ung-isa at fried squid na nalimutan ko ung name pero masarap siya.

Food trip sana ang gagawin namin. Kaso, sa sobrang bigat ng kinain namin, hindi na namin nagawa pang maghop sa ibang restaurant. Kaya ang food trip ay nauwi na lamang sa ‘kumain lang sa binondo’.

Anyway, after kumain ay dumiretso kami sa Music 21 sa Malate para mag videoke ng walang humpay. Hindi ko alam kung pinost na sa Facebook nung mga hayup kong kaibigan ung mga video na pinagkukuha nila habang kami ay kumakanta.

At narito ang camwhore moments  at si pornographer Zaide ang kumuha:

At sana ay makapagbakasyon ako bago ko simulan ang aking bagong adbentyur or bago man lang matapos ang taon, pless lang. Ktnxbye!

Advertisements

Responses

  1. Hahaha ayan kasi nagcocompose na ng iboblog masyadong advance, naunsyami tuloy!!!

    • hindi naman haha. naisip ko lang na ganyan sana ung tntype ko kung natuloy kami….

  2. wow, may slideshow talaga!

    • yes, presentation skillz. hahha

  3. bat ba inggit na inggit ako sa mga pictures mo! Sarap naman nyang sama sama kayo!

    Hays

    • yaan mo pag umuwi ka dito malulunod ka sa picture taking, hahaha


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: