Posted by: Oliver Lee | November 21, 2010

Planner/Potter

Nagpunta ako sa Cubao-X kanina para ibili ng planner ang aking officemate na napangakuan na bibilhan ko sya ng planner once na lumabas ito. Natuwa kasi kami dun sa una nilang product na “Akala mo lang wala ng slumbook pero meron, meron, meron!” at ung 2010 planner nila na “The I-was-supposed-to-get-that-coffeehouse-planner-but-I-got-fat/broke-on-the-10th-frappe planner“(effort magtype!). Wala na ung dalawa nilang products na yan (at malamang ay hindi na namin magagamit ung 2010 planner diba?) kaya kanina ay lumuwas ako ng aming bahay at naglakbay sa kingdom of cubao para bumili ng

THE “Relaks, Puso Lang ‘Yan, Malayo sa Bituka” 2011 planner

at talagang bold letters yan resulta ng copy-paste at ayokong magtype. Hindi ko yan sinadya.

Anyway, at needless to say, muntik na naman akong mawala sa cubao. Luckily, nagpost ung mga admin ng facebook page nila ng mapa. They sensed a disturbance in the force.

WittyMap

WittyMap

Tnry kong tumambling mula gateway pero sumakit lang ung balakang ko (antanga mo pag naniwala kang tumambling ako). Kung akala mo e hindi ako nawala dahil may mapa, nagkakamali ka, haha. Dalawa pala ung entrance ng cubao expo na yan at doon ako sa left side entrance pumasok. Buti na lang may daanan sa gitna. At kung akala mo e tapos na yun, nagkakamali ka. May pinasok akong store kasi akala ko sila ung nagbebenta kasi andaming books na nakadisplay sa mesa sa labas. Pagpasok ko sa loob, puro ipit, headband, at kung ano ano pang kakikayan ang tinitinda nila sa loob. Warp zone? Tinitignan tuloy ako nung isang customer, nagtataka kung anong hinahanap ko, daig ko pa un pinaikot sa larong piñata.

Nasa labas pala ung stall nila na nasa tapat nung store na un. Wala pala sa loob. Buti na lang marami pang stocks. Ankulet nung mga nagtitinda, nagkwentahan pa kami kung magkano ung sukli ko, e isa lang naman ung binili ko, haha. Ate, Kuya, (kapatid?) kung sakaling mabasa niyo ito, natatandaan nyo ba ako? Ako ung bumili ng hapon, mga 2pm siguro. Anyway, ankewl nyo, haha. Siguro marami na kayong pera kaya nahirapan kayong magkwenta ng sukli ko. Ang rason nila ay masscom students daw sila, ahhaha, kaya naglabas na sila ng calcu.

Ito nga pala ung picture nung planner nila.

The RPLYMSB 2011 Planner

The funny disclaimer

The ultra-detailed owner's page

Ayoko ng ipost ung iba pang picture ng pages para hindi maispoil ung experience nung mga bibili. Pero pramis nakakatuwa ung mga pop culture references at kung ano ano pang nasa loob. Lalo na ung pre-made letter drafts sa dulo. That was ingenious.

I’m not a planner person, but this one changed my mind. I might buy some for my sisters (no promises) once I have extra moolah. Siguro I’ll buy one for myself pag may extra extra moolah na ako.

If you want an alternative, caffeine-free, funny, and pasok sa budget planner, this one is for you. Wala ng stickers stickers at pwersahang pagbili ng holiday themed drinks. P350 lang, may planner ka na, may tawa ka pa.

For more details on how you can grab a copy of this amazing planner, you may visit their facebook page here.

***

At habang binabagtas ko ang kahabaan ng daan sa kingdom of cubao ay nagtext si Jepoy na magkita daw sa MOA. Nung una ayaw ko kasi anlayo, asa Gateway ako e, sabi ko magkita na lang kami halfway. Pero nung sinabi nya na manonood kami ng Harry Potter uli, binabaan ko sya ng telepono at nagapparate sa likod nya, true story.

Anyway, nakabili na pala ng tickets si Jepoy at kasama namin si Anna at si Lex (not the Luthor). Nung nagkayayaan na pumunta ng country style dahil nagugutom si Anna bago pumasok ng sinehan, nagtanong sa amin si Jepoy ng ilang items na hindi nya nagets dun sa movie . Tinanong nya na rin sa blog nya kung ano man ung mga tanong nya na un, na sinagot ko na rin naman. Déja vu?  Pero may isang standout na tanong si Jepoy na nagpasakit ng tyan namin sa kakatawa:

Ano ba ung trabaho dati ni Batilda Blogspot?

Hindi ko inakalang may blogger pala sa Harry Potter na movie na iyon. At hanggang sa loob ng sinehan at lalo na nung lumabas si Batilda Bagshot ay tawa kami ng tawa.

Classic.

P.S. inubos nya ung popcorn ni Anna. Ahahhahaa.


Responses

  1. bwahahaha…

    kapatid sa labas ni Blessilda WORDPRESS

    • haha. hay naku tawa nga kami ng tawa sa sinehan, para kaming tanga.

  2. gusto ko nung planner!!!🙂 tska nung slumbook!!! LOL!!! papasagutan ko sa mga intsik hahahaha

    • wala na ata nung slumbook. di ko alam kung magbebenta pa sila uli

  3. Aaaaaah I want this planner too kakainis ka!!!! Huhu kung alam ko lang, sana sumama ako bumili!!!! Ahuhuhuhuhuu. Aabangan ko na lang magkaroon sa The Collective sa Makati…

    At yang si Jepoy shunga-shungahan talaga sa names yan. Skip reading kasi! Batilda Blogspot ampotaaaaaaaaa! Ano napatunayan mo na firsthand kung totoo yung latest post ko ahahahaha.

    • nyek, naghahanap nga ako ng kasama nung sabado e, hehe. kung alam ko lang na gusto mo din, mnsg sana kita.
      hindi naman kumanta si rihanna sa loob ng sinehan, pero inubos nya ung popcorn ni anna, haha.
      hindi pa nagsisimula ung movie, puro ads pa lang, wala ng pagkain. =p

  4. Oliver Yabut!!!! Pag uuntugin ko kayo ni Glentot Buset! Baket hindi mo kinuwento ung video recording natin fro Stephy????! Ang yung mga sinabi mo??! LOL bwahahahhaa

    People abangan nyo ang video greeting namin kay Steph! YOU WILL GONNA SHIT LIKE CRAYZEY! LOL

    • ayoko. may blooper ako dun e, ikaw na perfect, haha.

  5. ayun oh parang nanginggit lang kayo ha? hehehe. nwei q ko pa napapanood ang harry potter. bpati si blogspot n yan. ahaha

    • ewan ko kay jepoy, hahaha

  6. Aminin mo na kasi, pakawala ka ng store na yan para i-advertise ang planner na yan!

    Magkano nakuha mo para sa promotions, penge naman dyan!

    Ingat

    • hindi no, wala nga akong nakuha, kahit isang kiss dun sa nagtitinda haha.

  7. sadsad na sadsad na si jepoy sa matilda blogspot, hahahahahaha! loves ka pa rin namin jepoy nina oliver at lex kahit mahilig kang mag-jumble ng pangalan. =)

    • hehe, hayaan mo na, mnsan lang naman. =p
      pero pramis sumakit tyan ko kakatawa.

  8. gusto ko din ng ganyang planner. sa nabasa ko sa multiply account nila, after ata ng planner balak din nilang maglabas ulit nung slumbook. sana.

    comedy si jepoy, mana lang pala sa nanay niya. haha! ano na kasi tawag ng nanay niya sa trinoma? trimonia ata? :)) hahaha!

    • pwede ka ata umorder online or sumthing. check mo na lang sa facebook page nila. =p

  9. gusto ko rin nung planner na yan! haha ang funny eh.

    • bili na!
      i think babalik sila sa cubao x this sat.

  10. naku sayang wala na nung slumbook. sana maisipan pa nilang gumawa. tsk

    at sana di pa ubos ang stocks ng planner. wiiiiiii

    • meron na ata sa UP handog. malapit ka dun diba? hehe

  11. Uiii,okay ba talaga yung planner? Hindi ako maka-decide. Hahaha.

    Makapal ba yung paper, and looks like hindi agad masisira? =)

    • yep ok naman ung paper.
      kung ibabato bato mo sya at pagbubuntunan ng galit, masisira sya, hehe.
      ok naman. mukhang matibay naman sya


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: