Posted by: Oliver Lee | November 16, 2010

The Nevermath

Supposed to be e aftermath ang ilalagay ko dito tungkol sa nangyari sa previous post ko. Pero nevermath ang isusulat ko. Kasi hindi nangyari ang aking plano.

Kapag nagpapaappointment ako, I make sure na tama ung oras at lugar na pupuntahan ko. Sadya akong madaling mawala at mapariwara ang landas kaya I make sure na tama ung dinig at intindi ko sa mga meet-up places and stuff. In this case, nagpaappointment ako sa dental clinic na accredited ng HMO namin para mabunot ang ipin na nasasakdal. Ang sabi sa akin ay 130pm. Hindi ko na sasabihin ung place, basta ung clinic ay nasa Megamall. Inulit ko pa sa kanya ng 2 beses para lang maassure na tama ung rinig ko. Sinulat ko pa sa papel at binasa ko sa kanya. Ganun ako kasegurista.

Pagpunta ko sa Megamall kanina, dumiretso na agad ako sa dental clinic na accredited ng HMO namin. Mga 1pm pa lang ay nasa megamall pa ako. Hinanap ko sa tatsscreen na mall directory ng megamall ang location ng clinic nila. Mga 1:10 ay nakadating na ako sa clinic. Pagdating ko sa clinic ay ipinakita ko agad ang aking HMO card (parang inspector lang) at sinabi na mayroon akong 130 appointment sa kanila.

Lo and behold, wala daw Oliver na nakasulat for 130PM appointment.

Iba ung nakalagay na pangalan. Nakita ko din kasi andun lang ung notebook sa harap ko. Chneck nya ung list at sinabing asa 430pm pa daw ang appointment ko.

At gumana in hyperdrive ang analytical skills ko.

Una, kapag nagalit ako at gumawa ako ng eksena, baka gantihan ako ng mga ito. Alam naman natin na sila ang mga makabagong berdugo ng ating panahon (actually hindi berdugo dapat e, hindi ko lang alam tagalog ng torturer, haha). Baka lalo akong pahirapan at saktan, mahirap na. Pangalawa, wala naman akong voice recording na 130 PM talaga ung appointment ko. Mahirap magturo kung sinong hindi nagflush ng jerbaks ng hindi mo nakikita kung sino ang tumae at napakagandang analogy nyan, umayon ka!!!! Pangatlo, baka maganda ung dentista, mahirap na kung aawayin ko diba?

So ayun nga. Lumabas na lang ako ng clinic at sinabihan na lang sila na darating ako ng 430pm. Walanghiya, meron akong halos 4 hours na walang gagawin sa megamall. To tell you the truth, nabadtrip ako kasi sana nagstay na lang ako sa office. Nakatulog pa sana ako ng lunchtime.

Ayoko namang kumain kasi kakakain ko lang. Chneck ko ung NBI renewal center, kailangan ko din kasi kaya pumunta na ako sa lower floor ng building B. Pagpunta ko sa clearance center, may pila. Mas maiksi ung pila ng mga bayad na at bumalik. Chneck ko ung pila na for application ng renewal at malamang sa isip-isip ko e dito ako pipila. So chneck ko ung pila, at ang putang inang pila e umabot hanggang 5th floor, lagpas pa. So no, ayokong pumila ng ganun kahaba at baka pagturn ko na e closing time na nila. Actually may NBI renewal card ako, kasi hindi ko alam kung kailangan ko pa ba ung dati kong clearance for renewal at kung saan ako pipila. Anyway, masyadong cramped na ung loob ng stall para ipagsiksikan ko ung sarili ko at magtanong kaya umalis na ako.

Umakyat ako sa sinehan at chneck ko kung anong maganda ang palabas. Ang movie na nagstandout sa akin sa mga now showing e si Megamind. Kaya bumili muna ako ng ticket at nanood. Tamang tama kasi 2:15 ung showing (1:30 na nung nakapunta ako sa 3rd floor) kaso nga lang, 3d. Hindi naman sa ayoko ng 3d pero ayoko lang manood ng 3d sa mga pelikulang hindi ko tipong ung talagang gustong panoorin. Ung inabangan ba. Anyway, since hindi ko naman alam ang gagawin ko para umubos ng oras, bumili na ako ng ticket at nanood ng movie.

In fairness, ok ung movie. Nakakatawa siya at hindi ko inexpect na ganun pala na nakakatawa ung movie. Akala ko parang Incredibles lang na fight the bad guys and stuff. Hindi naman sya ung super super super good pero definitely hindi sya bad. Panalo ung dialog nila. 3d-wise, hindi ka naman nya bibiguin, lalo na kapag lumalabas si Megamind, haha. “You know what the difference between a villain and a super villain is? PRESENTATION!!!”

Meron nga palang post-credit scene ung movie buti hindi agad ako lumabas. Anyway, pagkatapos kong manood ay nakalabas ako ng mga around 4:00. Chneck ko muna uli ung pila ng NBI since madadaanan ko naman sya along 3rd floor. Guess what? Walang kapila-pila.

So bumaba muna ako sa kiosk ng NBI at meron silang ineentertain siguro mga sampung customer. Tinanong ko muna si manong thumbmark (siya ung incharge sa pagtthumbmark sa clearance mo) kung kelangan ko pa ba ung luma kong clearance. Sabi niya hindi na raw at priority daw ako.

So after iaannounce ni manong  na may card ako at priority express sumthing  ako, kinuha agad ni ateng tagasingil ng fee (magkatabi sila ni manong thumbmark) ung card ko, chneck, at kinuha ung bayad ko sabay abot ng resibo. Pinapasok ako sa loob at kinuha ni manong operator ung card. Pinasok sa machine, Kodak moment, digital thumbmark at press print. Wala pang isang minuto may clearance na ako. At nakapila pa rin ung dinatnan kong sampung customer, bwahahaha!

After kong makuha ung clearance ko, pumunta na ako sa clinic. Inentertain naman agad ako. Pero nung sinabi ko kung ano ung kailangan kong ipabunot, parang nagulantang sila hindi ko naman ibinaon. Kailangan ko daw munang ipaxray, sorry ang term nila is PANORAMIC x-ray, ang aking ipin para madetermine kung kailangan daw talagang bunutin. P850 ang singil, buti na lang nakapagwithdraw ako kaya pinax-ray ko. After ng x-ray, ipinakita sakin ni dentista ung x-ray at ipinaliwanag. Hindi raw bunot ang kailangan ko, surgery.

SURGERY?! PI! Bunot nga kinakabahan/takot na ako, surgery pa!

At hindi lang yan ang nakakatakot, ang magagastos ko daw ay P15K-20K. At dahil lang yan sa aking stupid wisdom tooth.

Sabi ko na lang ay masyado atang mabigat ung ganung operasyon kaya wag na lang muna at kukunin ko na lang ung xray. Umoo naman sya at siguro ay nahabag sya sakin kaya iccleaning nya na lang daw ako. Umoo ako.

Sana humindi na lang ako.

Wala lang, nung nakahiga na kasi ako at iniisa isa nya na ung ipin ko e parang gusto kong matulog para lumabas si Freddy Kreuger at islice ung mukha niya. Tapos lalabas si Jason X para i-torture sya. Tapos si Chucky saka ung Bride, Seed, Plant at kung ano-ano pang tumubo sa kanya (BTW, hindi ko nagets pano nkabuo ung 2 manika na un nung nagsex sila).

After kong macleaning/torture ay dumiretso na ako ng uwi at ipinakita kay Papa ung x-ray ko.

Parehong pareho pala kami ng sitwasyon, eksaktong eksakto na ganun din pala ung lower left wisdom stupid tooth nya. At hanggang ngayon ay hindi nya pa rin napapatanggal ung wisdom stupid tooth. Wala naman daw syang nararamdaman na sakit at maayos pa din ang ipin nya. Complete set, walang sungki, pwedeng gawing model ng colgate. So dalawa na ung common sa amin, ung nub sa taas ng batok at ang aming wisdom stupid tooth. Hinding hindi nya ako maitatanggi, haha. Pero hindi pa pala tapos ang bad news ko….

Dahil ayon kay Papa, P250 lang daw ang x-ray ng ipin sa clinic na malapit sa amin.

Isang malaking WTF!


Responses

  1. ganun? pano yan?d mo na papabunot?

    • hindi. waiver na lang daw.

  2. i like the evil laugh sa nbi kiosk hehe

  3. Tol, isipin mo na lang na nagbigay ka ng donasyon sa dentista mo. Malay mo, need na need niya ang pera at may charity din pala silang sinusuportahan. Look at the brighter side!

    • pero kelangan ko din ng pera para masuportahan ang Oliver Lee foundation na ako ang beneficiary….

  4. Nag-HMO ka pa kasi!!! Hahah nahassle na gumastos pa lalo, pero at least nakapag-Megamind ka hehehe

    • e sayang naman kung di ko gagamitin diba?
      pero ok si megamind, hehe.

  5. whahahahaha!!!Nagulangan ka…Hayop na wisdom tooth yan. Di ko mlaman ang silbi.Tinawag pang wisdom tooth di nman nadadagdagan wisdom ng tao.hahaha!!!Hayaan mo nalang siyang tumubo kesa gumastos ka pa

    • stupid tooth sya. wala syang kawisdom wisdom o kahit ano pa mang biyayang intelektwal na naibigay sakin. ipinahamak pa ako.

  6. andaming events.
    hahaha!
    priority ka pala e. sorry naman hahah! salamat at niremind mo ako na kelangan ko rin magpaganyan hahaha!

    AYOKO TALAGA NG USAPANG WISDOM TOOTH. hahaha!😛
    nagmana ka sa daddy mo, goodluck …sana namana mo ung knowledge na may xray jan na 250 lng pala hahaha joke lang

    sayang 850. rawr =\

    dahil dito…may award ka!
    http://traveliztera.blogspot.com/2010/11/awards-and-recognitions-where-is.html

    • yey! salamat sa award!
      teka, anumeron sa wisdom tooth at ayaw pagusapan? ehehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: