Posted by: Oliver Lee | November 15, 2010

Oliver Lee vs Totoy Molar

Natatakot ako.

Ayoko sa lahat ung tinatakot ako kasi natatakot ako.

Fear leads to anger. Anger leads to hate. Hate leads to suffering. < Umaandar ang Geek side.

Pero enough muna nun. Saka ko na iisipin pag kelangan ko ng isipin. Tulungan nyo na lang ako magdasal.

Anyway, magtutuos kami mamaya ni Totoy Molar. Move over Pacquiao-Margarito. Hindi si Totoy Molar na ikinwento ko dito. Sa right yan e. Ang kaaway ko e ung sa left na counterpart nya.

Kailangan nya daw kasing matanggal kasi impakto impacted sya. Hindi naman sya nagcacause ng sakit or anything na inconvenient pero kailangan nya na daw mawala sa row ng teeth ko kasi baka sumakit daw in the future. Ayoko namang awaying ung dentista na “manghuhula ka ba?”. Nainis lang ako kasi nung sinabi nya e mayroong “baka” at “daw”. Parang hindi rin sya sure. Well, ok na un, baka playing safe sya, tanggalin na din.

Pero sabi naman ni Papa baka daw lumuwag ung ipin ko. Impacted din kasi ung Totoy Molar nya pero ayaw tanggalin ng dentista kasi un daw ung parang sinasandalan nung ngipin nya. Check ko muna daw baka hindi naman talaga kailangan galawin.

Naguguluhan ako. Ang dentist ay tooth doctor. Pero father knows best. Ah, basta, time is gold.

Actually, ang ayoko lang kasi e magpapabunot talaga ako (chicken ampf!). Ang huling bunot ko e grade 1 pa ata ako. OO, grade 1. Kusang nalaglag kasi lahat ng kelangang mapalitan na ngipin ko nung bata ako. Isang beses pa lang ako nabunutan courtesy of dentista. May baby tooth kasi na ayaw umalis sa gums ko. O diba, natatandaan ko pa kung kelan ung una’t huling bunot ko sa ipin.  Healthy naman kasi ang teeth ko courtesy of my sponsors, the dentisty students of CEU, noong bata pa ako. Nagamit ni mama ang kanyang charm sa pagbebenta ng barbecue sa mga students ng CEU/SanBeda/LaCo/Holy sa tapat ng bahay namin sa Mendiola. Free dental coverage para sa unico hijo nya. Oo, guinea pig ako ng mga Dentistry students ng CEU. Ok naman, maganda naman ung resulta ng pagiging guinea pig ko. Pero sa pagiging guinea pig ko na iyon, hindi ako binunutan ng ipin. Puro pasta at cleaning lang. Saka pala ung kukunin ung parang mold ng ipin mo. Cast ata tawag dun. Basta naenjoy ko un kasi lasang mint ung cast na nilagay sa ipin ko, haha.

Sana lang e single gentle ung doktorang magbubunot kay Totoy Molar mamaya. At sana ay totoo rin ung tooth fairy kasi kelangan ko ng pera. Sana lang e hindi ung tooth fairy na tulad ni Dwayne Johnson. Baka mamaya e daig ko pa si Margarito sa maga ng mukha pag nagkataon.

Pero nararamdaman ko lang na baka chainsaw at jackhammer ang gamitin nya pangtanggal. Wisdom tooth e, so malamang nasa sulok. Teeth #38 pala siya ayon dun sa dentista na tumingin, ito ung dossier nya. Naiimagine ko lang, pano pag biglang na out-of-control ung dentista. Tipong parang ung movie na Idle Hands. Bigla na lang mawawalan ng control ung kamay. Baka maging kamukha ko si Joker sa haba ng bibig.

At nasayang ko na naman ang oras niyo sa aking mga salitype. Try kong magpost kung ano aftermath ng laban namin ni Totoy Molar.

Advertisements

Responses

  1. naku pag tinatanggalan ng molar lalu na ung molar na tumutubo pag early twenties ka nakalimutan ko na yung tawag. LOL Anyway, bibiyakin ung gilagid mo ng bongga hanggang makita ang bungo mo saka aalisin ang impacted molar. Sakit much. try mo i check sa you tube. LOL

    • wag mo kong takutin!

  2. so single este gentle ba si doktora? hahaa

    • hindi ko alam. pero hindi rin ako magtataka kung single sya, ahhaha

  3. Hala ka, may lalabas na kabayong potro dun tapos, tapos lalabas dun yung NAKNAK na aswang!hahahah! tinakot!hahah

    Hayan sige hilig kasin kumain ng kumain!hahah! joke lang!

    Ingat

    • grabeng manakot. walang pari na lalabas? haha

  4. Or what if, akala mo dentista, pero nang magising ka, nakatali ka na sa dentist chair at may nakakabit na contraption sa ulo mo na sasabog in 60 seconds kapag hindi mo nahanap ang susi na itinago ng dentista sa esophagus mo! Let the games begin!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: