Posted by: Oliver Lee | November 12, 2010

half-granted

Isang malaking sori sa dalawang taong nagbabasa sa blog ko at ngayon lang ako nakapagpost. “Busy” would be an understatement kung bakit hindi ako nakapagsulat nitong nakaraang mga araw. Hindi rin ako nakabisita sa aking mga suking tindahang blogs. Kung meron man ay patumpik tumpik la’ang.

Ok naman ang pagcelebrate naming pamilya ng Undas 2010. Akala ko matrtrapik kami sa kahabaan ng NLEX. Nagbalikan kasi kami nung Monday sa Pampanga at Tarlac. Buti na lang at walang katrapik trapik at walang masyadong pasahero kaya mabilis at hindi kainip inip ang aming byahe. Nakuha namin ang byaheng Manila to Pampanga ng 1 Hour and 30 minutes ata, nyahaha. Speedy Gonzales si manong bus driver.

After naman ng undas e inintindi ko naman ang project dito sa opis. Actually dalawang project un na sabay at later this week ko lang natapos. Puro optimization na lang at padagdag ng mga users. Para akong nagbebenta ng gulay na nagbibigay ng dagdag sa kanilang mga bibilhin. Testing mode na kami at may karapatan na akong pumetiks ng onti kaya ako nakapagsulat.

Mukhang may nagbabasang tiga Pasig Traffic Office sa aking blog kasi tuwing umaga ay mayroon ng traffic enforcer dun sa tinatawiran ko sa ilalim ng tulay ng C-5. Feeling ko kilala na ako nung traffic enforcer kasi pag nakikita nya ako e pinapahinto nya na ung mga sasakyan para makatawid ako. Naawa siguro sa akin nung nakita nya na limang minuto akong nakatayo sa may pedestrian lane at naghihintay na magclear up kahit papaano ung mga sasakyan para makatawid ako. Ang pagtawid kasi dito ay parang ung larong Cross the Street (literally) with a twist. Ung mga sasakyan na ambagal bagal dun sa malayo e bigla na lang minsan humaharurot na kahit tumakbo ka patawid e madadali ka. Prey vs Predator ang dating.

At naalala mo ung sinulat ko dati na may wish ako. Tapos sinulat ko na mukhang hindi na matutupad ung wish ko. Guess what? Mukhang matutupad ung wish ko, pero half pa lang kasi may mga kailangan pa akong gawin para matupad sya totally. At sa maniwala ka’t sa hindi, ang sanhi ng pagiging half-granted ng wish ko ay si Totoy Molar. Which is a story for another day.

Sana matapos ko na this month para magrant na ng buong buo ung wish ko. Ang clue dun sa wish ko e ung matagal ng sinusuggest sa akin ni Jepoy, hahaha. Kung mahulaan mo man un, walang prize, wala lang nahulaan mo lang.

Speaking of wish, nagkaroon pa ako ng isang good news mula kay Papa. Ibinalita nya sa akin na baka bumalik na kami sa 2nd street. At kapag nagkataon na kami ay nakabalik ay for sure daw na ibabalik namin ang aming kainan na since kagabi ay wag na raw kainan ang itawag kundi ang sosyal na term na “restaurant”. Entrepreneur nang muli ang aking parents, haha. Kapag natuloy ang nasabing plano, iimbitahan ko kayong lahat na kumain sa aming “restaurant”, hehe. Pero syempre KKB. Tapos GRO nyo ung mga aso ko, walang “doggies drink”. Sana masama rin sa ibalik ang aking watchtower para boso mode uli masarap ang tulog ko kasi mahangin at overlooking pa.

At naaksaya ko na naman ang oras mo, bwahahaha.

Advertisements

Responses

  1. anu ba yan, parang blind item lang ng ‘ang gusto kong regalo…’ haha. papa-promo o raffle ba tayo nyan? haha

    • e kasi ayokong magbilang ng sisiw hangga’t hindi pa naghahatch ang eggs….

      anodaw? hehehe

  2. akala ko si manong driver ay ung driver ng jeeep hehee

    • haha. anggaleng nga ni manong e, sandali lang ung byahe.

  3. Ano malinaw na ba ang news??!! Buti naman naisipan mo nang mag blog it’s been a while. And I have news for you. Pupunta ako ng CORON yeheyyyyyyyyyyyy! Syempre sa summer pa…Kelangan kong mag back read sa post mo about coron. yun lang.

    Che!

    • hindi pa. ill tell pag sure na sure na.
      yun o. paghandaan na yan ng todo todo.

  4. pati gift ay pa-blind item…uso na apal toh…hmmm…fill in the blanks,..,.

    • hindi naman sya gift na material actually. wish lang na nabanggit ko sa dating post.

  5. Unang-una, sino si Totoy Molar??? At uu pupubta kami sa restaurant nyong sosyal! Ireserve mo ko table buy the window overlooking the river.

    • ung wisdom tooth ko, haha. pahamak ampf!
      “al fresco” dining un haha.

  6. hindi naman pala libre…hmp!!Timawa pala sa libre e.hahahaha!!!Yang mga wish mo na yan nakakakunsume.ayaw ishare!hahaha

    • baka maunsyame e. pag ok na, pramis sshare ko

  7. invite mo ko… 🙂

    baka kailangn nyo ng designer… ehem… lol

    • haha, pag umasenso sige, ikaw magdedesign. =p

  8. wow ang kainan dati ngayon restaurant na! pang mayaman na! 😀

    • next year daw e pero inuntiunti na ung paghahanda.
      sana nga =p

  9. wohoo! sige ikaw na ang busy! lol… hehehehhehehe

  10. wow babalik na kyo???? sisig!!!!!!!! 4 floors ba ulit para kita swimming pool??? hahaha

    • next year daw sabi ni papa.
      oo, mabubuhay na uli ang sisig namin, haha.
      un lang ang di ko alam. kung ibabalik ang watchtower. =p


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: