Posted by: Oliver Lee | October 26, 2010

The “Hacienda Zaide” Adventure – Return of the Comeback!

Last weekend ay bumalik kami sa super exclusive at prestihiyosong Hacienda Zaide nina… well, Zaide. Hindi ko na iddocument kung pano pumunta at kung ano anong what-nots dahil nacover ko na un dati dito at dito.

Pero ngayon, may bago ng cast and crew sa aming hadbentyur. Kasama namin ang mga kasamahan ni Ate Zaide sa Red Cross na si Dondee at Cris, at ang kasintahan ni Ate Zaide na si Robin galing Korea kaya naman napraktis ako ng walang habas sa pageenglish.

Group Pic

Group pic minus Zaide (Klik to Embiggen)

Muli kaming bumalik sa super exclusive place na ito ay dahil pyesta sa nasabing lugar (ang Barangay Bukal, na hindi ko naman nakita kung nasaan ang bukal) at anihan ng……

Lanzones

Mangyaring napakaraming tanim na Lanzones sa bakuran ng Hacienda Zaide. Take note at sa bakuran pa lamang yun. Wala pa ung sa “farm” na sinasabi mismo ni Zaide kung saan nag-aani sina Kambal (read previous post). Anyway, sa Lanzones pa lamang na nakatanim sa kanilang farm ay busog na kami.

Akala ko ay parang puno ng santol o mangga ang lanzones, hindi pala. Kala ko kasi maakyat ko. Maliit lang pala ang katawan ng puno ng lanzones at kailangan mo ng ladder para makuha ung mga bunga sa itaas. Well, nagkasya muna kami sa mga lanzones na abot-kamay namin at aming pinitas at nilantakan.

me with lanzones

me with lanzoneseseseses

Anyway, since mag-aani din daw naman sila mayamaya at wala kaming magawa ay lumabas muna kami ng Hacienda Zaide at inakyat ang bundok kung nasaan ang naturang hacienda. Bale, ang goal namin ay malakad lamang hanggang kung saan aabot ung paved na daan, at narating naman namin iyon. Hindi na namin itinuloy hanggang sa dulo dahil baka mamaya ay magbaliktad na kami ng mga t-shirt at mameet namin si Petrang Kabayo. Ang weird lang kasi lahat nung nakakasalubong namin ay kumakain ng scramble pero wala kaming nakasalubong na nagbebenta. Gusto ko sanang bumili pero hindi namin nasalubong si manong scramble. Nameet nya kaya si Petrang Kabayo?

Off Road

Off Road (almost)

Pagbalik namin sa Hacienda Zaide ay nakita namin na nagaani na sila ng lanzones sa backyard. Meron din palang puno ng lanzones sa frontyard at sideyard. May isang puno din pala doon ng suha at rambutan, kaso hindi pa sila hinog kaya wala muna kaming pakialam sa kanila.

Ang isang puno ay makakapuno ng isang kaing na punong puno ng lanzones (twister word for the day). Pagdating namin ay halos mapuno na nila ang isang box na kasinlaki ng carton ng Lucky Me Box (Yung box na lampas tuhod, gets?), pero nakakailang puno pa lang sila. Needless to say, hindi ko na binilang kung ilan ung puno ng lanzones at kumain na lang kami, hehe.

Harvest Time

Harvest Time

So after kumain ng lanzones at magvideoke ng walang humpay ay nagdinner muna kami. After ng dinner, pinakitaan kami ni Robin ng kanyang card and coin tricks (inaaral ko ung coin trick, nagpaturo ako, hehe). Tinuruan din namin siyang mag 1-2-3-pass kaya ang pupula ng mga kamay namin kakapalo sa sahig. Ang mahuli kasing magbaba ng kamay ay iinom ng freshly harvested tuba na napakainit naman talaga sa sikmura at lalamunan. Needless to say, isa sa mga pulutan namin ay lanzones. Second placer nga pala ako sa game… sa mga natalo, hehe. Malaki ata problema ni Dondee kaya gustong itaob ung tuba.

After naming uminom ay bumisita kami sa ibaba ng hacienda zaide kung saan naghahanda ang clan nina Zaide ng ihahanda para bukas. And when I say handa, talagang full force handa. Hindi ko alam kung nakailang LPG tanks na sila sa kakaluto. Talagang ung malalaki ung mga kalderong ginagamit nila. Although sanay na naman ako kasi kahit sa probinsya namin ay ganoon lagi pag pyesta, nakakamiss din pala ung mga ganoong setting kasi marami kang matitikmang pagkain.

Let's Cook!

Let's Cook!

Kinabukasan pagkatapos magbreakfast (at lumantak ng lanzones) ay pumunta kami sa Taytay Falls. Hindi pa tapos ung tulay kaya dumaan kaming muli sa buwis-buhay na daan kung saan pag nagkamaling lumiko si driver ay instant death ang gantimpala.

Instant Death

Instant Death

Cemetery

Buti na lang at hindi kami dito nadiretso

May isa pa pala kaming ‘almost’ near-death experience. After kasi ng daan na yan ay sasakay kami ng jeep papunta sa Taytay falls. Ung daanan dun ay ganun din,  magkamali ng liko, patay. Hulog ka talaga sa bangin. Ang putanginang driver na katabi ko, nakakatulog. Kaya ung mga kasamahan namin sa likod, imbis na ienjoy ang mga tanawin sa labas, ayun nakatingin sa driver at binabantayan dahil baka makatulog.

Nakarating naman kami ng buhay sa Taytay Falls. Mas malamig ngayon ang tubig kesa nung last na punta namin. Kung nung dati e parang galing refrigerator ang tubig, ngayon naman ay kulang na lang ay magyelo sa lamig ang tubig. Kung nangangatog na kami sa lamig, si Robin naman ay panay ang swimming. Tinanong ko siya at normal lang daw sa kanila ang ganun na temperature ng tubig. Pero kahit nanginginig ang mga kalamnan namin, syempre kunyari hindi kami nilalamig sa picture haha. Narito nga pala ang ilan sa artistic shots ni koopal Zaide.

Taytay Falls 1

Taytay Falls 1

Taytay Falls 2

Taytay Falls 2

Taytay Falls 3

Taytay Falls 3

Taytay Falls 4

Taytay Falls 4

Taytay Falls 5

Taytay Falls 5

Ok fine, 2 lang talaga ung mga artistic shot nya dyan, haha. Hindi ko kasi alam kung san nya iuupload ung shots nya. Zaide, kung mababasa mo ito, i comment mo ung album na paguuploadan mo kung sisipagin kang magupload.

Anyway, as soon as we got home, marami ng bisita sa hacienda zaide at buhos talaga ang pagkain. After naming makaligo lahat ay nakisabay na rin kami sa walang humpay na pagkain ng mga bisita.

Ang isa sa mga highlight ng kainan na ito ay ang pagkain ng Kabag. Ang kabag ay isang dish made out of fruit bat. Oo, paniki. Doon ko napatunayan na hindi ako pwedeng sumali sa survivor or fear factor dahil napapangunahan talaga ako ng utak ko. Naamoy ko pa lang ung dish ay medyo parang naduduwal na ako. Hindi ko talaga siya nakuhang tikman.

Kabag

Kabag

Anyway, sabi nila ay lasang tuna daw ung meat ng paniki. Lasang laing ung dish (good thing kasi hindi ako kumakain ng laing, hehe).

At dyan nagtatapos ang aming Lanzones-filled, Near- Death (almost), Bat-dished,  Hacienda Zaide Adventure. Sana lang ay huwag ng madukot ang celfone ko after two days (syet ngayon pala ung 2nd day!).

P.S. : Binalik ko na ung blogroll. Tinamad na akong magedit dun sa ginagawa ko, haha.

Advertisements

Responses

  1. puro lansones lang natandaan ko…hahaha!!!Ang ganda ng falls….Nakakainggit ang gala mo.hehehe!

    • namimiss ko na nga ang lanzones e, haha

  2. Sobrang tagal ko na nung huling nakakain ng Lanzones. Nagka-trauma kasi ako nung bata pa ako. Sa katangahang palad, nalulon ko pati buto at sumuka ng malala. Yan ang maikling kwento ng aking pag-iwas habambuhay sa walang kamalay-malay na mga bunga.

    Haha buti hindi kayo naging biktima ng instant death. Minsan pa naman yung mga daanan na ganyan, enjoy na enjoy yung mga trike na i-off yung motor at magpadulas.

    Ganda ng lugar ah.

    • pero kumakain ka na ba uli ng lanzones ngayon?

  3. nice post! lagi ka na lang may near death experience wehehhehe

    • e putik katabi ko ung driver e. andun kami sa paliko na bangin tapos pumipikit pikit si driver, di ka matatakot?

      • so anu mas nkktakot? ung driver nung papasok ka kasi ngllbm or ung driver dyan na bangin ang katapat?:D

      • syempre ung bangin, nakikita ko ung bangin e. tapos pumipikitpikit pa ung driver.
        malay ko ba kung nagllbm ung driver or what.

  4. Kinain nyo si batman LOL

    • si robin kinain si batman, hahaa

  5. wala manlang pasalubong na lansones sows!

    • ubos na.
      sori naman, hindi ko naman hacienda un no, hampaslupa lang ako, =p

  6. natuwa ako sa falls! Pengeng lanzones!

    • ubos na, hehe. sa hacienda nila madami pa =p

  7. Ang higpit ng kapit parang monkey lang LOL. Naku ingat kayo sa travel alam n’yo naman ang terrain natin. Kabag?! ‘Di ko rin kaya ang itsura n’yan.

    • ako din e. nauunahan ako ng utak ko kaya di ko sya nakayang tikman

  8. Uyy nahiya pa magtopless! Kakatakam naman ung mga lansones. Sana yung tinuro mong coin trick eh ung ginawa namin kay Ahmer.

    • ayoko, di ko teritoryo un e, haha.
      at ayokong ibroadcast ang flabs ko hahaha.
      baka sandamukal na panglalait ang ibigay sakin.

  9. Gustong gusto ko yung mga ganitong kwento mo–akala ko pa naman mag su-swimming trunks ka. hehehe!

    • ayoko, baka mablock ung site ko pag nakita nyo ang not-suitable-for-work images ko hahaa.
      next time na lang, pag mala Piolo na ung katawan ko.
      ewan ko lang kung kelan un, haha.

  10. napa google naman ako kagad kung saan ang hacienda Zaide—na trick ako don ah,. hehehe. yun, masarap talaga ang pyesta sa probinsya. nakakamiss. ewan ko ba kung anu meron—bat ganun—swimming sa falls pero balut an balot ka parin. dapat next time topless na.hahaha

    • ayokong makita ang flabs ko. baka masuka kayo at magpareimburse pa sakin ng pampagawa ng mga pc nyo.
      masyadong exclusibong explosibong expose ang hacienda zaide, hindi ka makakakuha ng impormasyon sa lugar ng ganun ganun na lang. parang area 51 lang to, haha

  11. sa tuwing nakakakita ako ng online friend na nagpunta sa falls, lagi ko na lang sinasabi: gusto ko rin diyan!

    GUSTO KO RIN DIYAN!

    huhu.
    btw i like yer shirt 🙂

    nagchange na pala ako ng url jsyk

    • ung squeeze toy aliens? hehe.
      anyare kay idlip.net?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: