Posted by: Oliver Lee | October 20, 2010

incommunicado y magna

im disappoint.

Nasabi ko na dati na nawalan ako ng “super-powers” dito sa bago naming office. Kaya limited ang aking surfing skills sa innernetz. Nawalan ako ng access sa facebook, which is ok lang naman. Ang iniisip ko lang kasi e yung access sa YM kasi pag nabobore ako o sumasakit na ung ulo ko sa kakaisip ng kung ano-ano, nambubulabog ako sa YM. Kahit nawalan ako ng direct YM access, meron pa rin naman akong access sa mga piling web-based messenger sites.

Ngunit, subalit, datapwat, nagupdate ng policy ang aming pipitsugin at walang kakwenta-kwentang (bitter?) office. Ayun, lahat ng alam kong web-based messenger, blocked. IGN at Gamespot, blocked. MgaEpal.com, blocked din. Si Tumblr, blocked din (pano na ang aking daily NSFW images?!). Monitor ng Office PC ko, blacked (ankurneh! Pero totoo pramis, snpraypaint lang ung monitor ng PC ko. Hindi talaga sya black, balatkayo lang syang black). Kaya ang iniisip ko na lang e pag nasali ako sa mga trivia game shows na yan ay may edge ako kasi puro si wikipedia ang binabasa ko. Updated din ako lagi sa News at Current Events (gmanews.tv) at Showbiz Tsismis (pep.ph) dahil un at un na din lang ang nababasa ko.

Buti na lang at hindi pa blocked si WordPress at Blogspot. Oh well, ung images ni blogspot e blocked kaya sa mga blogspot sites, minsan e distorted ung website nyo pag nagbabasa ako. Minsan blanko lang talaga ung mga pictures.

But wait, there’s more! Nitong linggo lang e nakadiskubre ako ng isang matinding sikreto sa apat na sulok ng aming opisina.

malikot ang kamay ng nasa tapat kong cubicle.

At hindi ung malikot na iniisip nyo. Malikot at in item-taking malikot. Hindi sya basta-bastang magna, sya ung im-so-proud-of-myself magna. Ung tipong alam mo nang sya ung kumuha pero dahil wala kang ebidems, wala kang magagawa, at hindi basta basta ma popoint ung finger (heh) mo sa kanya.

Unang Tagpo:

Sa paglipat namin ng office, dinala namin ang kaisa-isa naming electric fan dito sa bagong office. Lunes, habang nagiinepal si Bagyong, sorry bigay galang, SuperBagyong Juan, ay pumasok ako ng office. Hindi ko na ididiing late ako kasi known fact naman un. Anyway, pagdating ko sa office, lo and behold, ung electric fan na nakapwesto sa likod ko ay nasa mismong pwesto ko na. Take note, asa ibabaw ng table ko, katabi ng aking PC. At ang electric fan namin ay hindi ung desktop fan ha, stand fan.

Klik to Embiggen

Natural, basang-basa (heh) na ako dahil kay SB Juan, tapos makikita ko pa na may lumapastangan sa aking workplace, naginit talaga ulo (heh) ko. Ayoko namang gumawa ng eksena at kumprontahin ung tao kaso, tangina, magisa lang sya dun sa dalawang row of cubicles na katapat ko. As in mag-isa lang syang nagbebenepisyo sa umiikot na stand fan na nakapatong sa desk ko. At nasa tapat sya mismo ng cubicle ko. So diba, sya lang ung nafifit sa category ng pwede kong sisihin. Ayoko lang masira ung araw ko kaya binigyan ko sya ng isang matinding squinting-of-the-eyes look at tinanggal ang electric fan sa desk ko. Hindi naman sa nagmamadamot, pero sana ay nagbigay galang sya na manghiram man lang kahit kanino samin, o humingi sya ng dispensa sakin dahil dun nya nilagay ung electric fan sa desk ko. Pero wala, kasing tatag ng sunshine ang loob nya.

Pangalawang Tagpo:

Dahil sa lahat nga ng kagamitan namin ay galing sa ibang office, pati ang upuan namin ay iba sa mga upuan dito sa bagong office. Bale, mas kumportable ang upuan namin kasi ung upuan namin ay ung may malalaking sandalan. Anyway, big deal sa amin ang aming mga gamit dahil nakapangalan sa amin ang accountability ng lahat ng aming mga ginagamit. Ultimo trash can, pag nakalista sa accountabilities mo, lagot ka pag nawala. Malaking problema to sa clearance pag nagresign.

Nung nakasettle na ako sa aking pwesto nung same day na un at humupa na ang inis ko, humirit ung katabi ko. Nawawala daw ung upuan nya. Pagtingin ko ay kulang nga ang upuan sa row of cubicles namin. Tinanggal nya kasi ung mga noticeable tags sa upuan nya nung lumipat kami. Buti na lang madaling maidentify ung upuan namin kaya tnry naming iscout ang floor. Guess where kung san namin nakita.

Pagkalogout nung katapat ko ay tiningnan namin ung ilalim ng upuan dahil may isang maliit na tag dun sa ilalim kung saang location dapat ung upuan na un. Buti na lang at hindi pa napalitan at nakaaddress pa sa luma naming office. Tamang hinala. Kaya kinuha namin at nilagyan na namin ng bagong tags ang upuan nya. Buti nalang at hindi rin war freak ung officemate ko, tamang parinig lang.

Pangatlong Tagpo:

Hindi ko na alam kung same person pa rin to or iba na pero ung buong departamento namin kasi ung concerned at nakapansin.

Ang drinking water samin ay per department ang supply. Meaning sa isang department, meron kayong sariling water dispenser. Gastos namin ang pagpaparefill ng water. Mura lang naman tipong tig P20 kami sa 1 buwan. Pero since limitado ang water containers namin, at sakto lang para sa aming bilang, medyo naalarma kami sa aming naranasan.

Isang araw, bago kami umuwi at maglogout ay pinalitan na namin ang nakataob na gallon sa aming water dispenser. Expected na mababawasan un ng mga 1 inch kasi diba magiimbak sya ng tubig sa loob.

Pagpasok namin, kalahating gallon na lang sya.

Una, merong night shift sa office namin, pero dalawa tatlong tao lang sila at hindi namin kadepartment. Pangalawa, meron silang sariling water dispenser. Mas supplied nga sila kasi mas marami silang refillable gallons kesa samin. Pangatlo, wala na, wala na akong maisip na rason. Ewan ko lang kung iba ba ung lasa ng tubig namin or kung merong ghost employees sa department na ito at nakakalahating gallon sila ng tubig.

Pinagiisipan kong lagyan ng fibrosine o laxative ung water dispenser namin. Kaso baka makalimutan ko at magbackfire sakin. Any suggestions? Unahan na kita, hindi effective na maglagay ng ipis sa loob, nadudurog kasi sya at nagdidisintegrate sa loob kaya hindi mo na sya mapapansin na iniinom mo kapag kumuha ka ng tubig. At walang immediate or long term effects. Trust me, nagawa ko na.

Nagnnanight shift nga pala ung katapat ko.

Advertisements

Responses

  1. planuhin na natin kung papano sya madidispatsa hahahah

    • haha. parinig mode pa lang kami e. pero naannounce na namin sa dept namin na may peste kami sa opisina, haha

  2. Wow, ang corny naman nun, lahat nalang blocked. Puro trabaho lang talaga. Kaya super stressed at nabuburn out mga tao e. Haha.

    Hahaha nakakatawa naman yung trip ng bago nyong opismate. Bitch talk lang katapat nyan.

    • oo ampangit. puro si wikipedia na lang lagi binabasa ko.
      fact: yamashita’s was tried for WWII crimes he wasn’t directly involved in. said trial is still controversial up to this day.

      yan, ganyan ang mga nababasa ko pag bored ako sa office, haha. kung ano ano tuloy nababasa ko.

  3. aysus para akong nag-time machine sa dati kong office 6 yrs ago haha. talagang “disappoint” ha LOL

    • so we’re stuck in the past? hahaha

  4. hahaha!Klepto din pla topic d2.o well!magkabit ng hidden cam o kya magparinig ng “sino uminom tubig d2?Nalimutan ko sabhing may halong clorox yon!”..hahaha!

    • onga e. nabasa ko din ung sayo, hindi kaya isa lang sila? haha.
      may naisip na ako actually, haha, hindi ko lang alam kung sasakay ung mga kaopismate ko

  5. nakakadiri yung work station mo parang office ni mama tabla talaga yung table parang pang teacher!

    Lumipat ka na nga ng work!

    • oo tabla. para akong titser.
      that’s the plan, =p

  6. Una sa lahat, meron namang proxy na pwedeng gamitin…. pag lumiit bahagya ang screen mo ibig sabihin screenshot na yun… press CTRL+TAB to regain control of your PC and shut it down para walang ebidensya hehe… aside from that pwedeng lagyan ng thumbtacks ang upuan… o kaya lagyan mo na ng sign yung upuan mo to the tune of PU^%#$(%^$ MO GA%& KA MAGNANAKAW KA! KILALA KITA UL*(&

    O diba… I think they’ll get the picture hehe

    • blocked din ang proxies.
      saka hindi accessible ung laptop ko kasi nakadeactivate ung remote admin properties nito.

  7. Pinanghuhugas nya ng pepe yung tubig!

    tangina natawa ako sa kasing tatag ng sunshine animal hahaha sa lahat talaga ng offices meron at merong ganyan, hindi ugaling professional.

    • lalaki e. e di sana tinulungan ko sya, LOL.
      inaantabayanan pa namin e. pag kumilos uli kakausapin na namin.

  8. brod nakakarelate ako dun sa blocked blocked na yan! buti nga kahit papaano may mga sites ka pang napupuntahan, sa akin totally wala! Tanginis na yan!

    Teka tungkol naman sa mga buraot mong kasama, hehehe, bat di subukang hamunin ng square!hahaha!

    Ingat palagi pre, at yung wacky pic ko ha!

    • malaki e, ahaha. takot ako.
      onga pala. pramis mamaya tatag na lang kita. =p

  9. kaya pla wala ka lagi sa ym hhaha
    ang tatag nun ahh
    isa lang solusyon dyan, lipat na hehehhe

    • tumahimik YM nyo no? haha.
      e ayaw senyo e, haha. search mode uli.

  10. hahaha kaya pala hindi kana nangungulit sakin sa ym at hindi na kita nakikitang online kc blocked na hehe.

    Buti nalang hindi ako ang officemate ng pestelacious mong officemate diyan kung hindi ang WARFREAK mode ko nagturn ON na naman hehe.

    Tama tama…lipat kana, hanap mode ka ulit πŸ™‚

    Ei, watch naman tayo ng movie ung RED maganda daw eh hehe…hatak kapa ng ibang masasama πŸ˜€ calling jen and zaide..yoohhooo! πŸ˜€

    • mamimiss nyo ko.
      bakit, nagtuturnoff ba ung warfreak mode mo?

      • oo naman! hindi naman sa lahat ng oras eh galit ako noh, lalo na kung wala namang dahilan magalit hehe πŸ˜› nacocontrol ko na yun ngaun hehe πŸ˜›

      • yeah right. haha

  11. chillax lang kuya!

    akin na’t nininjahin ko ang opismeyt niyong yan!
    ishuriken natin!

    hakhak!

    • sige nga, i ninjutsu mo or something hehe

  12. bwahahhaha sorry natawa talaga ako! πŸ˜›

    kawawa ka namannnn! parang sarah prinsesang kinawawa haha pasensya talga pero natawa ako haha! πŸ˜› kahit na asar na asar ka na sa sitwasyon mo, natatawa lang ako hahahha! hayaan mo, sa eb ka bumawi haha! baka sa sbrang sama ng loobmo, pag nakita mo kami, distorted na rin kami a hahah! reregaluhan kta desk fan ok? πŸ˜›

    • yan ba ung eb this weekend… wala ako dito sa manila, hindi ako makakapunta.. =(

  13. ibig sabihin dimo nakikita mga pics ng blog ko? photoblog pamandin sakin .huhuhu

    at about dyan sa opismate mo na nakakaburaot—honestly, anmimiss ko yung mga ganyang eksena…subrang bored ko na siguro sa bahay kaya namimiss ko na may maka-away sa opis. pampalibang lang. hobby. warr freak amp.bwahaha

    • wala, puro blanko lang. di ko nakikita ung pics =p
      warfreak? hahaha.

  14. May common denominator tayo, pareho tayong may pasaway na co-employee. haha. Naghahanap na nga ako ng tindahan ng pasensya eh. =)

    • sabihan mo ko kung san ka makakabili ha? hehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: