Posted by: Oliver Lee | October 14, 2010

An overdue after-EB post

Mukhang walang matutupad dun sa mga wish ko sa previous post ko, hehe. Buti hindi ko shnare, hayaan nyo na lang munang sarilihin ko yun. Pero ok lang. Saka sabi nga ni Pareng Ahmer, dapat daw hindi winiwish, inintend. Inintend ko naman e, baka lang hindi intended for me.

Anyway, tinanggal ko din nga pala muna ung blogroll, ieedit ko lang kasi dumadami na tayo, hehe. Saka may balak kasi ako, baka next week ayos na sya. Gusto kong gawan ng sariling page para hindi masyadong mahaba ung pagsscroll down. Ako na maarte.

Malamang sa alamang ay nabasa nyo na din sa iba’t ibang blog sa sangkablogosperyuhan na nagkaroon ng isang EB mula sa imbitasyon ni John Lloyd ng Davao – Ang taong hindi nagjejeep. Tignan ang aking ginawang picture comparison dito. Notice the similarities in the eyebags. May eyebags din naman ako a!

Pero actually ito talaga ung una kong ginawa, hehe. Pasensya na, nung nakita ko ung picture, kelangan ko lang talagang ishare, haha.

Sa totoo lang, medyo kabado akong umattend sa EB na ito pinagbantaan lang ni Jepoy ang buhay ko. Wala kasi akong kilala (bukod kay Jepoy at Glentot) at hindi ko alam kung sinong kasama. Bukod pa doon, hindi ko kilala si Xprosiac kasi hindi ako regular reader nya at hindi ko rin pa nababasa ung blogs ng iba ng regular (bukod kay Jepoy at Glentot). Siguro minsan napadaan na. Pero ako ay natuwa kasi kahit hindi tayo magkakakilala at hindi natin binibisita ang blog ng isa’t isa ay parang kahapon lang tayo huling nagkita. Tapos ambabait nyo pa (bukod kay… Joke!) at napakawelcoming kaya maraming salamat.

Xprosiac, inamin ko naman sa iyo na hindi ako madalas magawi sa blog mo diba? Hehe. Pero maraming salamat dahil napakaaccomodating mo kahit hindi tayo magkakilala. Congratulations sa bago mong camera! Sana ay kami naman ang makapunta sa Davao for a change, haha. Padalhan mo na rin pala ako ng fruit cocktails at pineapples. Sana ay matuloy na ang pelikula ninyo ni Sarah Geronimo.

Jag, antahimik mo daw, hehe. Pero sabi lang nila un. Nagkwkwentuhan naman tayo e, hayaan mo sila =p. Ipasyal nyo kami ni Xprosiac pag nagawi kami sa Davao ha?

Traveliztera, Steph, sa totoo lang nastarstruck talaga kami, kaya medyo tahimik kami =p. Tapos tumabi ka pa kay Jepoy, lalo ka tuloy nagstand-out, hahaha. Maraming salamat at napaunlakan mo kaming puntahan at bisitahin. Sana sa susunod ay medyo matagal para makagawa na kayo ng duet video ni Jepoy, haha. At pinapanood pala sa amin ni Jepoy ung “Empire State of Mind” video mo, sinearch namin sa blog mo. Kala ko Tagalog na ung next post mo? hehe.

Anna, ang kewl mong kasama. May dala ka pang calculator, haha. Pasensya na kung hindi na ako nakakasabay pag chemistry na yung pinaguusapan, nagsabi naman ako na wala akong alam dun diba? hehe. Hanggang H2O at MSG lang ang kaya kong icontribute sa ganyang usapan. Paguusapan pala natin yang asosasyon na sinasuggest mo, wokey? haha.

Kumagcow, ikaw na ang may remote ng DSLR, haha. Ninakaw ko pala ung picture mo, pagamit lang, hehe. Pwede bang ipamana mo na lang sakin ung camera mo pag nagsawa ka na? Maraming salamat pala kasi kahit papaano ay naisingit mo kami sa iyong schedule.

Rico de Buco, ang kulit ng namehandle mo, parang DJ lang, haha. Ang kewl in fairness. Bakit wala kang dalang buco salad o buco pie man lang? hehe.

It was nice meeting you all. Kahit hindi ko pa nabisita ung blog nyo e nag kewl kasi ang welcoming ninyong lahat.

To Glentot, maraming salamat. It is always fun seeing you. Next time magsstay na ako ng matagal, may kinailangan lang kasi akong gawin nung night na iyon. Sayang at hindi ako nakasamang manood ng movie. In fairness ha, ang tatag mo. After all ng pinagusapan at kwentuhan natin, nakuha mo pang manood ng horror? Haha.

To Jepoy, isang humahapibday sayo! Maraming salamat sa lahat. It is also always fun seeing you. Sana ay matupad na ung pinapangarap mo, tapos ttry ko na lang sumunod sa iyo, haha. At sana ay hindi mo kinakain ung chocolates na bigay sakin ni Claude, pless lang, tenkyoo.

At pasensya na kung late ang post ko tungkol sa EB na iyon. Busy-busyhan kunyari.

Photocredits: Kumagcow and Google Images.

Advertisements

Responses

  1. e baka naman ung wish mo eh gerlprend! di ka naman lumalandi… payo ko lang, when someone is flirting with you, COOPERATE! hehe!

    • hoy! anong ginagawa mo dito?! bakit di ka nag-aaral?! mag-aral ka nga!
      langya, kinuha ko nga ung password mo sa FB, nagkalat ka naman sa twitter at pati friendster pinatulan mo na. tapos kung kelan walang FB, saka lalong naglandi, sus. get your head out of patty and selma.
      at hindi un ung winish ko. cooperative kaya ako.

    • Ta~mah! COOPERATE! LOL

  2. The EB sounds fun ๐Ÿ™‚ pwede bang sumama next time? hehe ๐Ÿ˜€

    • ikaw lang e. pero ann, bawal kuripot dun, kelangan manlibre ka. pano yan?

      • Weh?!! Nanglibre ka nga? Oh~My! it’s a miracle =))

      • hindi ako nanlibre. yung moyoyomon lang un.
        ako ung exemption sa rule, ahah.

  3. hahaha… natawa ako sa picture ni lloydie…

    • hehe. ako din e. parang too good not to share, =p

  4. hahaha!Iilan lang din sa mga kaEB mo ang nababsa ko blog…impernez kainggit ang EB nyo.makaepal nga minsan….hahaha!joke.

    • onga, sama ka minsan, hehe.

  5. naku naku. hnd ako nakasama. isa ka pang nangiinggit. gulayness

    • nakita ko ung post mo haha. sayang may duty ka nung araw na un.
      may next time pa naman e.

  6. wow kung maka-PARE ka naman kay Ahmer hahahahhahahahaha

    yun lang hihihihi

    • haha YJ may problema? haha

    • ok nga ung post ni Ahmer e, nagtugma sa previous ko.
      pintamaan ata ako sa wish wish na yan, ahhaha

  7. HAHAHA nahiya nga ako sa inyo anuberrrr…
    Sama mo kay Jepoyyy! Sumbong kita! hahaha!
    Tagalog naman next post ko o… Ayan o … Una kong post sa twitter. ๐Ÿ˜› HAHAHA!
    Pero promise thanks sa warm welcome–literal namawis ako. sira talaga jepoy. katapat lang pala ng kung san ako nanggaling ung pinagtambayan niyo. layo pa ng inikutan ko. seryoso 2 blocks inikot ko tapos MAGKATAPAT LANG PALA!? aynako haha!
    At kelangang i-rewind ung blooper ng vid? hahahaa mga baliwers !!!

    • oo,di sila makapaniwala sa blooper mo, haha.
      inulit talaga namin =p

  8. aganon nag stand out si Traveliztera dahil tumabi sakin! Putakels ka! lalo kamo nag shining shimmering splendid ang kagandahan nya dahil tumabi sya sakin. Sus!

    • lumaki ung backdrop kasi, kaya lalong nagstandout, joke! haha

      • Puta ka! Dahil dyan isisiwalaat ko ang love story mo… Marami ako alam, salamat kay Claudine ahahahahha

      • Wala kang alam! I can deny eberyting! NooOOooOoOoO!

        Ankyotkyot ni Jepoy!

  9. Ahahhahahahaha… ang haba ng dedication at syet talagang idikit yung mukha ko sa kanya… ahahahahhaha… mas lalo tuloy napansin kung gaano kalayo ang itsura namin… Matry nga magpose ng ganun minsan… bwahahahahhaha… sori naman… kulang lang talaga ako sa pahinga… pero pagnagawi kayo sa davao sabihan niyo ako para ipaprepare ko ang red carpet…lol… kaso malayo rin ako sa Davao ayos lang magagawan ng paraan yan… heheheheh… wag mo na sabihin kung nasaan ako… hehehehhe… O ang haba na nito gusto ko lang naman sabihing it’s nice meeting you! ayan umeenglish… lol… pero di nga! it was fun i didn’t expect eb would be that fun! hehehehehehe kaya sobrang salamat talaga!

    • sige nga, dali, try mong magpose ng ganun tapos kunan mo using your bagong bagong canon camera, hehe.
      tapos post mo sa blog mo, =p

  10. nakakamiss yung ganyang EB.
    ๐Ÿ™‚

    • magkita kita tayo pagbalik ni xG? haha.
      humingi tayo pasalubong. =p

  11. at nadamay pa ako dito haha : D
    i-spill na ang wish na yan! hehe

    • angaling nga e. tungkol sa wish ung post mo.
      saktong nagwiwish ako, haha.
      pero as per your post, inintend ko naman. ewan ko na lang kung anong nangyari haha.

  12. Hahahahh XD sige na nga next time diko na gagamitin yung remote LOL

    • ankool nga e. hi-teks!
      kayo na photographer, haha.
      magiipon muna ako pambili ng camera. hindi ako kagaya ni xprosiac na pumupunta lang ng maynila para bumili lang ng hi-teks na DSLR, hehe.

  13. wow, puro eb ang nababasa ko.

    first time here.

    • nauuso lang, haha.
      welkam sa pagbisita!

  14. nakakatwa kayong lahat promise!

    tinatawanan niyo pa ung HIGH TECH NA REMOTE NI KUMAGCOW! hahahaha! sorry naman kumagcow. hahahahhaha!

    tay ka kay jepoy o hahhaa!
    ongapala, panalo si john lloyd sa pics a hahaha

    • sabi ko kay xprosiac gayahin nya ung pose tapos picturean nya ung sarili nya para malagay sa blog nya, hehe

  15. Haha may dedications talaga. So generic na pala ngayon ang “It’s always fun seeing you” hahaha.

    It is always fun seeing you rin nyaha!

    Bakit iba yung sinabi mo dito sa mga sinabi mo nung nagkwekwentuhan tayo???

    • atin atin na lang un, haha

    • wow anong mga sinabi niya? hahaha!

      • hindi pweyde, haha. sikret lang.

  16. napadaan lang. ๐Ÿ™‚

  17. bito ba sa eyeball niyo ginawa yung coin trick kay Ahmer? haha

  18. at para saan naman yang calculator?!

    • sa work ni Anna, pag cocompute ng molecules, atoms, sutff, haha.

  19. humagalpak ako ng tawa na nag-stand out lalo si steph ng tumabi kay jepoy. hahahaha!

  20. cge..kayo na ang nakakapag’attend ng EB!! kayo na! (bitter much?) ๐Ÿ˜€

    ansaya nyo nman..hope one day mkasama din ako.. ๐Ÿ˜€


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: