Posted by: Oliver Lee | October 6, 2010

Signos

Dapat e magsusulat ako tungkol sa ginawa naming Japanese Food Trip nung nakaraang weekend. Nga lang, nawala ko ung mga resibo namin kaya hindi ko na alam ung actual price nung mga kinain namin. Besides, feeling ko e nauumay ka na at puro mga kalokohan at adventures ang sinusulat ko dito. Pero kung curious ka pa din sa trip na aming ginawa, ang aming budget for that day ay P500 at may sinulat na si Ann tungkol dito kaya un na lang ang basahin mo. Pwede na yan kahit hindi gwapo ang nagsulat.

Hihintayin kitang bumalik mula sa pagsuka mo sa C.R. na idinulot ng last sentence ko.

Feel better? Good!

Hindi ako relihiyosong tao. Hindi rin ako madasalin. Well nagdadasal naman ako na kapag nagdadasal ako e kinakausap ko si Papa J. Parang ‘Oi, musta na?’ (oo, ganyan akong magdasal) at hindi ako ung tipong nagrerecite ng 3x Our Lord’s Prayer, 3x Hail Mary, at 1x Glory Be. Feeling ko kasi, pag ganyan akong magdasal, parang nagrerecite na lang ako sa school. O di naman kaya ay parang nagcchchant ako o nagsusummon ng elementals (kakalaro ng games, yan kasi). Ang dasal ko ay more on parang nakikipagusap lang. Kaya kapag biglang ako ay naataasang magimpromptu prayer leader sa event or kung saan man, nagbebegoff ako. Bumablangko kasi talaga ang utak ko at wala akong highfalutin words na magagamit pagdating sa mga ganyan. Alangan namang pagnagdasal e biglang sabihin ko na ‘Oi, musta?’. Baka pagtinginan at pagusapan ako at bigla na lang nila akong tanungin kung ok lang ako. Ako na weirdo.

Sa aking tangnang buhay ay nakakatanggap rin ako ng mga imbitasyon para sumama sa mga religious gatherings. Lahat ng ito ay tumanggi ako. Feeling ko e sobrang obvious na ata ung dalawang sungay sa ulo ko, hehe. Hindi ko alam, pero hindi ko talaga ‘thing’ ung mga ganoong bagay. Hindi sa against ako sa kanila or whatever, trip nila un e. Hindi ko lang trip. Naniniwala kasi ako na ako mismo ung makakahanap sa kung ano ung espiritwal na pangangailangan ko. Ayokong ibase ung mga paniniwala ko sa mga sinasabi ng iba. Kahit na sabihin nilang tulay lang sila at kung ano ano pang shit, sa bibig pa din nila nanggaling un. Interpretasyon nila, hindi akin. At base sa paragraph na ito, hindi ako epektibong magsulat ng isang spiritual based na babasahin. Sinong maglalagay ng mga salitang ‘tangnang’ at ‘shit’ sa isang babasahin na magtatalakay ng spiritual na pamumuhay.

Kung bakit ako nagsulat ng tungkol sa paniniwala ay hindi ko rin alam, pero ganito kasi ang ugat nyan. Nung nagsimba ako nung linggo, may dalawa akong idinasal. Hindi ko na babanggitin kung ano un pero minsan, nahihilig din ako sa paghingi ng signs signs na yan. Ang totoo nyan, hindi naman ako naniniwala sa signs signs. Minsan lang. Ok fine, minsan nanghihingi ako ng sign kahit alam ko namang hindi sya ‘logical’, for the lack of a better term. Siguro mas tamang term ung hindi kapanipaniwala or accurate. Feeling ko kasi, ikaw mismo ang nagbibigay ng sign sa mga nakikita mo. Sarili mong pakuhulugan. Sarili mong interpretasyon. Ikaw mismo ang nagbibigay ng sign sa sarili mo.

Pero, dun sa dalawang sign na hiniling ko para dun sa dalawang idinasal ko, may natupad na isa. Right there and then. Sa simbahan mismo, pagtalikod ko. At natakot ako. Well hindi naman takot. Kinabahan siguro would be a better term. Ung unang sign kasi na hiningi ko e, well, it’s a bro thing, haha. Actually, ung unang sign e dinasal pero joke lang. Biruin mo, jinojoke ko si Papa J, sineryoso ako, haha. Sana pala dinasal ko din na makapulot ako ng P10000, baka mabigyan din ako nung time na un.

Ung pangalawa, however, sa tingin ko e in the long run ko pa malalaman. Pero sana matupad, sana pagbigyan. Dahil sa ngayon, mas kinakailangan ko un. Pero hindi rin naman ako tatanggi kung tutuparin nya ung unang hiniling ko, haha.

Pero kung matupad ung dalawang un, magvivideoke ako at kakantahin ko ang ‘I Saw The Sign’.

Advertisements

Responses

  1. kala ko nawala na yung comment page mo. sabi nga nila believe and u will receive. ^_^

    • naniniwala akong magkakaroon ako ng P10000 mamaya, hehehe

  2. Hahahaha maka-Ace of Base, sana nilagyan mo ng mp3 itong post na ito. Ako nadala na ako sa kakahingi ng sign. Dati humingi akong sign, nakita ko agad. Kaso na-mislead ako sa sign na yun… Hindi naman ako nagtampo kay Lord kebs lang rin…

    • actually naisip ko na un, kaso wala akong mp3. hindi naman ako pwedeng magsearch ng mp3 sa internet dito sa office. wala na akong special powers sa internet simula nung lumipat kami.

  3. sabi nga ni glentot saken nasa Timing lang yan. hehe

    • antagal namang tumiming, hehe.

  4. at bakit wala ako sa blogroll mo hahaha

    • kasi actually inaayos ko ung site ko, hehe.
      ililipat ko lahat ng asa blogroll sa isang page para hindi mahabang tignan ung site. ibabalik ko din, dontyooworri.

  5. Alam mo ang landi mo! LOL

    Ang hirap i-decipher ng hiniling mo ayaw pa kasing i share eh… Oist!!! Sama ka sa Sunday ha! paki vacate na schedule mo. I’ll txt you the details. Go!

    • Letch! hehe
      hindi pa pwede. baka majinx. saka na pag natupad na, isshare ko din naman.
      ill wait for your msg.

  6. aminin na kasi. i-next post na yang mga wishes na yan.

    • pag natupad, i swear ilalagay ko.

  7. hehe parang alam ko yung 2nd one..related ba to kay S at A? pero yung una…hmmm di ko nalang tatanungin kung ano yan, baka rated PG hehe πŸ˜›

  8. Naniniwala kasi ako na ako mismo ung makakahanap sa kung ano ung espiritwal na pangangailangan ko.
    -tama pero kulang pa rin yan friend. πŸ™‚ ako nga sabihin ko sa sarili ko, magbabasa ako ng Bible, pero iba pa rin yung may ibang “anointed na tao na kayang makapag-explain ng mga bagay bagay spiritually. i mean, yun kasi ang purpose ng church. pero mukhang okay naman, nagsisimba ka naman eh. sapat na yan.

    yung pagdadasal…tama ka. ako rin ganyan magdasal. naggugudmorning pa nga ako kay Bro. haha. πŸ™‚ pero gaya ng itinuro sa atin na The Lord’s Prayer, kumbaga iyon yung format ng ating pagdadasal.. πŸ™‚

    kung ano man ang iyong kahilingan, alam na yun ni Lord. basta marunong ka lang maghintay na ma-grant lahat ng panalangin mo. gaya nga nung sa kowt ko diba, God’s answer isn’t always YES but it is always PERFECT πŸ™‚

    • ikaw na ang may quote! hehehe.
      sana lang. congrats sa bagong trabaho! paburger ka naman!

  9. Ahahhahahahaha samahan mo na rin ng sayaw ang pagkanta ng I saw the sign…lol…

    Wee salamat sa pagpunta kanina ah…. Ingats!

    • hey! nice meeting you too.
      sa susunod kami naman pupunta dyan sa davao, pakainin mo kami ng maraming fruit cocktail, lol. =p

  10. Hey it was really nice meeting you, napost ko na pics natin sa blog ko just check it out hehe

    And again it was nice meeting you, whatever your wish is sana magkatotoo hehe

    • nice meeting you too!
      sana lang, hehe

  11. Add pala kita sa blogroll ko heheh

    • add din kita, hehe. inaayos ko pa ung blogroll ko e.

  12. gotcha!Hahaha…Akalain mong hawig nga halos nung huling post ko.hahaha!apir!

    i like the way ya pray…mas gsto ko ung ganong sariling gawa.Mula talga sa puso.hehe!

    • oo, kaya nagbebegoff ako sa mga impromptu lead the prayer kasi makikita nilang maitim puso ko, haha

  13. parang nakarealte ako sa mga repititive prayers at imbetasyun to go to church na yan.ang mali siguro is marami ring tinuro ang sibahan satin na mga ayun sa knaila at tama at mali kaya kung minsan napapangunahan tayo ng guilt na tumawag sa kanya…pero tama, daapat ang dasal, personal level—para kang nakikipag-usap dapat sa kaibigan para nasasabi mo ang nilalaman ng puso mo…..

    • langya, kala ko kung sinong antonio. haha.
      well, baka kaya marami ding imbitasyon kang nakukuha kasi nahahalata na din ung sungay mo, gaya ko, =p

  14. ang pagsagot nga raw ng Diyos sa mga prayers, ay ganito.. Yes, No, and Wait. πŸ™‚

    • Choknat!
      oi alam mo ba na matagal ko ng hindi maccess ung blog mo, laging nakaprivate.
      hindi ko alam kung ano nangyari. baka ako lang ung walang access or something.
      ngaun lang uli ako nakakabasa ng posts mo.

      sana lang ay yes ung sagot nya, sana lang naman. hehe

  15. Pana-panahon … πŸ˜€
    Natawa siguro si bro na jinojoke mo sia kaya para sampolan ka, ayan. haha! Pero i’m sure makukuha mo rin yang hiniling mo sa oras na talagang kailangang makuha mo yun. πŸ™‚ Woot woot ! ACE OF BASE!

    • Alam mo ba na ikaw ang nagbigay ng aking pang-1,000 comment. hehe.
      Sana nga nagjoke ako na makapulot ng pera, isang matinding sampol un, haha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: