Posted by: Oliver Lee | September 30, 2010

Manong Driver

Meron akong dalawang buwis-buhay moments kanina. Kaninang papasok ng school work, sumakay ako sa jeep at, as usual, sa harap ako sumasakay. Ako yung pangalawang pasahero sa harap. Ayoko kasing sumasakay sa likod lalo na’t marami namang jeep na dumadaan sa sinasakyan ko. So kahit papaano may choice akong mamili. Nababadtrip ako kasi most of the time, pag sa likod ako sumasakay, e may nakakatabi akong aleng mahaba ang buhok. Natural, pag andar ng jeep e lagi na lang may papalong maraming hibla ng buhok sa mukha ko. Minsan mamasa-masa pa. Sobra atang pagtitipid e ginagawang blowdryer ang jeep. Ito ung moments na ang sarap magbaon ng gunting.

Anyhoo, aun nga, pagsakay ko sa harap e sa hindi ko malamang kadahilanan e nagmamadali si manong driver sa kanyang pagmamaneho. Kulang na lang e sigawan ko si manong ng “TIME EXTENDED!” dahil feeling ko e akala nya ay naglalaro sya ng video game at token ung pamasaheng binibigay nung mga pasahero nya.

Buwis buhay moment number one ko e nung biglang lumiko si manong. Habang ako ay nakikinig ng radyo at nakahawak ang isang kamay sa estribo, bigla na lang lumiko si manong na sakto namang may biglang sumulpot na parang kabuteng motorsiklo sa kanan namin.

Ngayon, hindi ko alam kung sino ung may kasalanan sa kanila, pero kung tumama si manong motorcylce sa kanan ay goodbye right tapa ang drama nito. Syempre, natakot na ako ng onti at ipinasok na ung paa ko sa loob. Bahala ng masiksik at kumaskas ung braso nung katabi ko sa kilikili ni manong driver, basta’t buo pa ung hita’t pata ko. Hindi pa natatatakan ng BFAD ung paa ko na wala akong FMD kaya hindi pa pwedeng ipakatay.

Buwis buhay number two moment ko naman sa same jeep na ito ay nung nasa shaw boulevard na kami. Hindi ko alam kung najejerbaks na si manong driver, sadyang matapang, o akala nya lang talaga e naglalaro sya ng videogame dahil hindi sya huminto sa intersection kahit nakapula na. Partida, nakataas na ung kamay nung manong traffic enforcer sa universally accepted gesture na “stop” na nakapwesto sa gitna ng intersection. Akala nya siguro e hinihigh five sya ni manong traffic enforcer kasi inabante nya pa talaga ung jeep. At dahil nga intersection, ayun, muntik na naman kaming mabangga, this time ng isa namang car (Honda City ata un).

Ang malupit dyan, si manong driver ang nagalit at hindi sya natiketan ni traffic enforcer. San ka pa?

Ngunit lo and behold, sa kalagitnaan ng shaw boulevard ay huminto sya at lumiko sa nearest gas station. Pagkatapos huminto ay tinanong kami kung saan ang baba namin at inabot ang aming mga corresponding pamasahe.

At habang nagaganap ang lahat ng tanungan at balikan ng pamasahe, sabay alingasaw ng isang hindi kaaya-ayang amoy sa loob ng naturang sasakyan.

Kaya pala nakatakip ng panyo ang mukha nung katabi ko.

Kaya pala wala ng taong nakaupo dun sa likod nung driver.

Manong Driver, youdaman!

Advertisements

Responses

  1. exciting ang diatabs moment na ito! 😀

    • yes, exciting at death-defying.
      and at the same time, masakit sa ilong, haha

  2. Nyahahaha! This is your best post yet! WordPress high-five!

  3. Hahaha I agree with RAZ I love this post gusto ko yung mga ganitong kwento kasi parang ganito rin ang mga gusto kong ikwento, mga putangina moments ahahahahahaha fuuuuuuck ngayon naiintindihan ko na yung mga driver ng Nova Bus!!!

    • now we know na lahat ng nagmamadaling sasakyan, kagaya ng nova bus mo, e kailangan nating abutan ng imodium o diatabs, haha.
      at least alam na natin ang rason kung bakit sila nagmamadali.

  4. ngayon ko lang din naisip na mahirap palang maging driver, dahil kahit taeng tae ka na hindi ka pwedeng tujmae sandali dahil may nag-iintay na pasahero, at kung pinababa mo naman sila dahil tatae ka muna, tyak galit naman sila sa iyo

    hehehe

    ingat brod

    • kasi naman, sana tinanong nya ako kung may diatabs akong dala, bibigyan ko naman sya, hehe.
      ingat!

  5. aysus!! 😛

    • bleh! belated hapi teacher’s day! haha

  6. wahahahaha! si manong taeng tae na pala! kaya nagmamadali 😀

    • onga e. buti hindi nagpasabog masyado. nasalo lahat nung katabi ko ung amoy, haha

  7. i’m back. buti at buhay ka pa rin. jeep?! may jeep pa pala these days haha! (yabangers lang)

    • opkors, haha.
      ikaw na hindi nagjejeep! =p

  8. hahaha ngayon ko lang nabasa to…tsktsk d na kaya ni Manong Driver, nagsabog na siya ng lagim sa loob LOL =)) winner!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: