Posted by: Oliver Lee | September 23, 2010

death and life

ayoko sanang magupdate dito sa blog ng tungkol sa trabaho. feeling ko kasi naiipon ung rants ko about sa trabaho dito sa blog ko which is ayokong mangyari. kaso nga lang, tuwing papasok ako e laging buwis buhay ang nangyayari sakin. literally. nasubukan nyo na bang tumawid ng pasig boulevard? ung daan kung saan nakatayo ung flyover na kadugtong ng c5? araw-araw kong tinatawid un at feeling ko e lagi akong nakikipagpatintero kay kamatayan. marunong naman akong tumawid, pero dapat may stoplight hehe. kaya pag tumatawid ako, lagi akong naghahanap ng pedestrian lane. masagasaan man, at least asa tamang daan ako. oo, ganun na ang mentalidad ko ngaun. kung mamatay ako, might as well do it right. p.s., wala pa naman akong suicidal tendencies.

pero kung sakaling may makadale sa akin (at plis sana wag naman), gusto ko ganito ung magiging arrangement sa burol ko.

1. dadalaw lahat ng bloggers at kung sino man ang makakabasa nito (talagang uunahin ko ung makakabasa nito). mumultuhin kita pag di ka pupunta. nakikita mo ung rectangle sa gilid na “where you came from”? yan ang magiging basehan ko. iisaisahin ko yan. magpapakita ako sayo tapos sasabihin ko, “wer na u? dito na me. ligo na u. lika na. sundo na u.”

2. gusto ko pagdating na pagdating mo ay may dala kang camera. kahit ung sa celfone lang. tapos magpapapicture ka na kasama ako. ung self picture, may kasamang outstretched hand. parang ganito:

Sample Pic

Sample Pic with Maanne

3. hindi ako magpapakape kasi hindi ako nagkakape. kelangan walang kape sa burol ko. kung makakatulog kayo sa lamay, matulog kayo. at least pare-pareho tayong tulog.  at wag kang magkakamaling sagutin ako na:

“Bawal bawal ka dyan and so what kung gabi, magkakape ako kung gusto ko noh. Decaffeinated naman so pwede parin akong makatulog. Ang sarap kaya, try mo!”

sisipain kita from here to sunday. sml lang ang pwedeng inumin.

4. gusto ko sunflower crackers ung tinapay. masarap un e.

5. wag kang iiyak. kung iiyak ka, dapat gagawa ka ng eksena. mala-telenovela. at kailangang irecord at iupload sa youtube. requirement na may uhog ang pagiyak mo.

6. pag ung testimonial na, gusto ko ung parang sa friendster. dapat after ng testimonial ko, manghihingi ka din sa akin ng testimonial. hintayin mo akong magsalita ha.

7. poker lang ang pwedeng sugal. Buy in is P500.

8. ang entertainment sa burol ko e marathon ng Lost.

9. sa misa, lahat ng kanta ay may kasama dapat production number. with matching may nakaharness na gymnasts at mga flying trapeze.

10. iccheck mo ang link na ito.

at dahil dyan, at sa hindi malamang kadahilanan na wala namang koneksyon whatsoever, happy bday maanne, pati na rin kay roanne na kakambal niya! Tignan at silipin ang mga writings at cleavage nya sa link na ito.

Edit:  single yan, kung interesado kayo sa kanya at sa cleavage nya, email nyo ko. bwahahaha!

Advertisements

Responses

  1. gagu ka lee. hehe

    • i know tenkyu!

  2. at chacha ang tugtog pag libing na, para one step forward, two steps backward, ang tagal ng libing hahahah yeba!

    • gusto ko tinikling pero buzz saw ung gamit. hahaha

  3. walang cleavage dyan sa site na yan… hahaha!

    • pwes magpakita ka! wag mo kong gawing sinungaling sa mga nagbabasa at bibisita sa site mo, haha

  4. Ang panget nga ng location ng new office mo, mag ingat ka gagu ka! Sya ba bago mo GF?! Dami kinuwento sakin ni Claude about you ah ahahahha

    • hindi, barkada ko yan. hanap mo nga ako! hahaha
      single yan jepoy, rereto kita. u like?
      anong pinagkkwento ni claud sau? ha? =p

  5. adik ka lang sa blog mo lee! pero agree ako i can feel you! ilang beses rin akong nakikipagpatintero dyan dati.

    • dont you just miss bagong ilog?! hahaha

  6. bakti naman lost? sana HIMYM nalang o kaya GLEE LOL

    • walang kelamanan. im sure sayo marathon ng lahat ng season ng daisy siete

  7. BWAHAHAHAHAHAHAHA
    natatawa talaga ako :))

    p.s.
    pumuputugraper! naks!

    • at ikaw ay dumodrowing! =p

  8. Hahaha bakit LOST ang marathon pwede bang yung mas akma nang konti sa lamay mo like That 70’s Show ahehehehe.

    • pinatanda mo pa ako sana ginawa mo ng “I dream of Jeannie” or “Little house on the prairie”.
      gusto ko LOST kasi diba ung unang season nun ung bigla na lang lumalabas ung mga patay, nagpapakita bigla. ung tatay ni Jack, hahha.

      • Sige yung mas bagong series na lang. Heroes. Para may pag-asang mabuhay ka uli. Hahaha

  9. pag ako inilibing ayaw ko makakarinig ng kantang HINDI KITA MALILIMUTAN at kung anu pang malungkot na kanta. dapat masaya. HAPPY. SHALALALALA

    :))

    • ayaw mo nung kantang “Shots!”.
      parang club lang ung dating sa burol at libing, hahaha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: