Posted by: Oliver Lee | September 15, 2010

Commercial Break

Hay, nakapagsulat din.

Actually, dapat ung day 3 ung kasunod nito, kaso di ko sya matapos-tapos kasi nagpakabusy lately, lalo na sa work. However, ung day 3 naman is all about food and inuman lang, so ung basic gastos ng trip namin is covered na nung day 1 and 2. Yaan nyo, sisikapin kong matapos agad ung day 3 namin para matapos na, hehe.

Pasensya na rin pala sa aking mga kaibigang bloggers kung hindi ako madalas dumalaw o makapagkumento sa inyong mga blogs. Aside kasi from being busy sa work e nawala din ung internet connection namin sa bahay. So aun, yucky ako.

At Ingles nga pala ang salitang ginamit ko sa Coron trip para makatulong sa ating mga non-english speaking friends. La lang, epal lang ako, haha. Kaya balik Filipino muna ang aking post.

Ayun, natuloy na ang kinakatakot naming magoofficemate. Ang marelocate sa aming god-forsaken data center. Sobrang nalulungkot ako kasi dati, pag nabobore ako, or nagugutom, bababa lang ako ng elevator, tapos mall na. Minsan nga, pag tipong may magandang palabas sa sine, bibili lang ako ng take-out sa burger king tapos sa sinehan ako maglulunch. Best. Lunch. Ever. Mahaba kasi ung break namin, 1 hour and 30 minutes, at kung tipong wala naman akong ginagawa, why not diba? Umaalis lang ako ng mga 1130 o magpapaalam ako na malalate ako (may pupuntahan kunyari hehe).

At, syempre, kung may kailangan kang bilhin sa supermarket, bababa ka din lang. At marami kang choices sa pagkain.  Feeling ko puro pagkain lang ang mairarant ko dito kaya ititigil ko na ito dito.

Kaya ayun, nung friday e nagimpake na kami ng lahat ng maiimpake namin. Buti na lang onti lang ang gamit ko kaya nagkasya lahat ng gamit ko sa mobile pedestal ko. Bilang ganti, kinuha namin ung whiteboard sa conference room na malapit samin, hehe. Bakit, accountability namin un a! Magsulat kayo sa pader ng mga drawing nyo na kung ano- ano. May nalalaman pa kayong save-save sa whiteboard namin, pinagbubura ko nga, ahaha.

Ngaun naman e nasa bagong office na ako at ang pinakamasarap na pagkain na makakain ko sa lugar namin ngaun na bago e Burger Machine. Masarap naman sa burger machine, kaso, baka naman madevelop ko ung aking angking kakayahan na naaamoy ko pa lang e nalalasahan ko na. Nangyari na sa akin un, pramis.

Nangyari kasi, ung unang work ko, dun ako naassign sa building sa tapat ng LRT2-Gilmore Station. Ang pinaka-kainan sa lugar na iyon ay Shakeys or Pizza Hut. At since wala namang P39ers o P10 donuts sa mga naturang kainan na iyon e napipilitan akong bumili ng aking merienda sa kaisaisang tindahan ng pagkain na malapit sa office namin. Bonito Burger.

Anim na buwan ko ding tiniis ang buy 1 take 1 burgers ng Bonito Burger. Lahat na ata ng flavor natikman ko na. Actually, dalawa lang naman ung burger nila. May cheese o wala. So alternate na lang para maiba man lang diba? So ayun, hanggang sa dumating na ung point na naaamoy ko pa lang, o nakikita ung pwesto nila, gumagawa na ng laway na kasing lasa ng Bonito Burger ang bibig ko. Tinapay na lang, para na akong kumakain ng Bonito Burger. Feeling ko ito na ung next step sa evolution. Natakot akong maging burger patty ung dila ko. Ang lame ng mutant power ko, burger patty as my tongue. Ni hindi man lang ako nakalipad, optic blast o kahit anong telepathetic powers.

Going back, andito na ako sa aming bagong office. Medyo maluwag, tahimik at may wi-fi naman so hindi na nagsshare ng lan cable si desktop at laptop. Kaso, restricted ung access ko sa internet. Accessible pa rin naman ang mga blogs (kakatest ko lang), kaso wala akong FB at ang YM ko ay courtesy of IMO. Pano na ung mga niluluto ko sa Cafe World?! Ano na lang ang sasabihin ng mga customers ko? Pati ung mga jobs ko sa Mafia Wars? At ang chips ko sa Poker, hindi lumalago!

Interesting note, nung last long weekend, tinuruan ako ng aking mga kaibigang maglaro ng poker. Mabilis naman akong pumickup, hehe. Buti na lang, walang involved na pera pag naglalaro kami. Uhm, ok, ung isang laro may involved na pera, pero P20 lang naman ang nagastos ko, hahaha. Malas kasi ako sa sugal e, at ayoko din ng nagsusugal. Tamang laro lang ako. Kung magsusugal man ako, ung pera lang na alam kong pwede ring mawala sa akin. In fairness, naramdaman ko naman ang panalo sa laro at magkaroon ng maraming chips sa mesa. Yaan nyo, magkkwento ako ng tungkol dito hehe.

Un lang, pramis tatapusin ko na ung mga post kong in limbo. Pag tinamad akong magtrabaho, un ang gagawin ko, ahahhaa.

Advertisements

Responses

  1. burger machine. me masamang alaala ako sa burger na yan. sa isang branch lang nila. weh branch daw? hahaha

    dapat kasi nagrestaurant city ka na lang. pwede mong iopen yun for 24 hours. hehehe 🙂

    • hindi ung niluluto ko, un ung nasira hehe. talagang usapang cafe world? haha

  2. nget-pax naman ng power mo. hahaha. hanggang laro sa computer lang din ako sa poker. yoko sa totoong buhay. mas mataba ka na siguro ngayon kesa noong huling kita namin sa’yo. puro pagkain eh. hahahaha

    • ganun! sige, touché ako sa mataba ako hehe. hindi ako papalag dun.
      badtrip nga e. wala naman akong balak maglaro ng poker sa office no, pero un nga, di ko naaccess ung FB ko kaya di ako updated sa mga bagay bagay. hanggang mobile lang ako.

  3. natawa ako sa bunito burger putakels! Ikaw na ang ayaw sa burger machine ikaw na ang mayaman! Che!

    So saan na ang bagong office nyo?

    • sa pasig. sa may bagong-ilog.
      alam ko dito, onting ulan, bumabaha. kaya siguro bagong-ilog pangalan, laging may bagong ilog, hahahha.

  4. ang lapit lang pala ng opis mmo dati… 🙂

    • bakit sir chingoy nagoopis ka pa ba? diba Don ka na? hehe

  5. Naaalala ko yang burger machine. Yung Bulilit Burger. pag may tongits session–nagpapabili yung nananalo ng 200Php na Bulilit Burger, syempre dahil ako ang runner–tatlo ang sa akin –ska may tong pa!

    ehehehe

    • may bulilit burger pa rin ata sila e. pero sosyal na burger machine ngaun, may mga buy 1 take 1 na sila, pero same price pa din.

  6. grabe may burger machine pa pala!

    Naku yung burger naman dyan ay lasang pinitpit na pritong baboy lang! Hindi man lang baka ang ginamit!LOLS

    Naks sosyal pa pizza-pizza hut pa dati, ayaw sa karienderya!

    Ingat

    • oo, buhay pa hehe.
      hindi nga ako nagppizzahut nun kasi walang 39ers, hehe. ammahal kaya.
      saka walang carinderia nun na malapit sa 1st working place ko. parang late na nung nagkaroon.

  7. Bonito Burger yippie! Lakas maka-plug, bayad???

    • hindi, ano ba.
      ayoko na ngang makakita ng bonito burger e, haha.

  8. ang haba naman ng post na ito.. parang main program hindi commercial break eh 😛

    • he! magupdate ka na ng blog mo! haha. skipreading ka! =p

  9. naku—mukhang naka-apekto ata yung last blog post ko.Oly—di ikaw yun ha. me pinapatamaan lang ako na isang blogger na nakakapika sa pagiging subrang snob.

    about your Coron trip—hope you can give me advice in the future pag nakahanap ako ng promo fare. hehehe

    • haha, hindi. in general naman yan. mga two weeks din akong nawala ata. hindi ako nakapagbloghop.
      namiss ko din ung mga kalokohan nyo sa blogs, ahaha. buti na lang may access pa ako sa blogs nyo dito sa office kasi wala pa din kaming net sa bahay.
      inggit nga ako senyo, nakapagmeetup kayo. kaso di din ako makakasama nung araw na un kasi di ako tnext ni jepoy, sisihin mo sya. joke!
      next time na lang, sa bday ni jepoy, libre daw nya P1Soc e, hehe.
      about our trip, ill do my best to post lahat ng naging gastos namin. pero basic trip is covered na nung day 1 and 2 namin. mostly foods and booze talaga ung day 3 namin.

  10. haha oist binabasa ko ung coron posts mo, yung latest asan na

    • teka lang, asa netbook ung ibang pictures e, hehe, kalat kalat =p

  11. […] ko na dati na nawalan ako ng “super-powers” dito sa bago naming office. Kaya limited ang aking […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: