Posted by: Oliver Lee | August 26, 2010

uninspired

Sa totoo lang, wala akong maisip na isulat dito sa waste of MB space na ito. Alam ko maraming nangyari this week na “major major” (na naiinis na ako kasi un ang word of the week dito sa office. Nakakarindi din pala), pero feeling ko lahat ng tao ay nakapagbigay na ng opinion at wala rin naman ako sa mood na makisawsaw sa mga nangyayari sa paligid ko. Hindi naman sa hindi ko pinapahalagahan ung sarili kong opinyon, pero much has been said. Gawin na lang natin ung dapat gawin.

May isa nga akong draft na… well, nakadraft na tnry kong isulat nung Tuesday kaso hindi ko na tinapos. Actually, matagal ko ng idea yun na isulat kaso wala akong finer points para iexplain ung topic na un. Nawalan ako ng gana at idea kung paano pa iextrapolate ung gusto kong sabihin. Alam ko wala ng sense at katuturan itong mga pinagsasasabi ko. Kaya bakit nagbabasa ka pa? hahaha.

Kung gusto mo naman malaman kung anong nangyari sa akin nung weekend… well, bakit? haha. Wala, nakatunganga lang ako at nakahiga magdamag. Nagpapakaadik sa How I Met Your Mother. Nakakatawa siya, panoorin mo. Siguro pag nagkaroon na rin ako ng anak, kkwentuhan ko sila na magsspan ng 5 seasons and counting. Bawal magCR, kelangan makinig lang sa kwento ko.

Ano pa ba…. Ah, ung work ko na hindi ko na naiintindihan kung ano ang nangyayari, haha. Ilang araw nang sumasakit ang ulo ko sa trabaho. Feeling ko mas lalago ang puting buhok ko dito kakaisip kung pano solusyunan ung mga program na ginagawa ko. Hindi na ata pwede ung ulo ko sa piso kada bunot ng puting buhok. Parang humakot ng barya sa Eat Bulaga ung bubunot ng puting buhok ko.

Naiinis din ako (sa mga nakakabasa nito na involved, hayaan nyo na akong magwhine dito, totoo naman e. Peace tayo ha?! ha!) kasi dapat meron isang trip na madami kami kaso andaming nagbackoutan. Bale, originally 9 kami, ngayon e 5 na lang. Ito ung tipong bakasyon engrande na inaabangan ko. Kaso ayun nga, andami ng hindi makakasama.

Hindi ko din naman masisi ung iba at ayoko din namang pagtuunan pa ng panahon ung pagkainis ko kasi di sila makakasama. Naiintindihan ko naman ung rason ng iba at pinipilit ko na lang din intindihin ung iba (kahit papaano). Na down lang ako kasi antagal ng plano nito tapos kung kelan andyan na, saka naman naging ganito ung nangyari. Nung una tipong “I’m alive, awake, alert enthusiastic!” ung mga tao, tapos kung kelan one month to go na lang, biglang boom! Surprise, ayaw ko na! Parang gusto ko na din magbackout tuloy.

Halika, sayaw na lang tayo ng “I’m alive, awake, alert enthusiastic!”

Advertisements

Categories

%d bloggers like this: