Posted by: Oliver Lee | August 18, 2010

The “UP Diliman Foodtrip” Adventure

Dahil wala kaming magawa nitong weekend at gustong gusto naming pumunta ng beach, nagresearch kami ng affordable at malalapit na beaches dito sa Manila.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari at nauwi kami sa foodtrip sa UP. (read as walang pera)

Kasama si Jen, Ann, Zaide, Ivy, at Roanne (kambal ni Maanne. Sya ang kanyang super-proxy kasi may exam daw. Magkamukha naman sila so ok lang), kami ay pumunta sa UP para lumamon ng walang humpay. Si Roanne na din ang nagsilbi naming guide sa UP, which is wrong, kasi nawawala pa rin kami paminsan-minsan.

LAMON POWERS ON!

After kong kumain ng fishballs (di nila ako pinityuran. boooo!) at pagtripan si Ann na si Roanne ay si Maanne (yan, pasundo-sundo ka pa kasi samin e, haha) Ang una naming pinuntahan ay ang pamosong Beach House malapit sa Main Library, sa may Sunken Garden. (o diba? kahit papaano e nakapunta kami ng beach!).

Ayon kay Roanne (pinanindigan ang pagiging tour guide, nyhehehe), tinawag siyang beach house sa kadahilanang sa lugar lang na ito makakatagpo ng coconut trees sa buong UP. Tinry namin ang kanilang famous na barbeque at hindi naman kami nabigo.

Barbeque at Suka

Barbeque at Suka

Kumusta naman at sa Barbeque pa din ako nakatingin, ahha

Kumusta naman at sa Barbeque pa din ako nakatingin, ahha

Special Guest: Live via 3g from Australia, Ers!

Special Guest: Live via 3g from Australia, Ers!

Masarap naman ung Pork Barbecue nila (na kung tama ang aking computation ay P25 each stick, di ko kasi nacompute maigi, haha). Sawsaw sa suka mahuli taya ay solve na solve at panalo ang kain namin.

After ng aming Barbeque adventure, dumiretso kami sa UP Shopping Center para mag Ice Cream. Actually, dapat ay kakain kami sa Rodic’s for their famous Tapsilog, kaso nga lang, busog na busog pa kami sa kinain naming Barbeque kaya nagpass muna kami dito with the hopes na babalikan namin sya. Pero bago kami pumunta ng Shopping Center ay dumaan muna kami at nagpapicture sa Main Library.

the gels

the gels

Ang inet sa puwit ng stairs!

Ang inet sa puwit ng stairs!

Propeysunal Putograper

Propeysunal Putograper

I scream for Ice Cream!

I scream for Ice Cream!

Ice Cream and Ice Monster

Ice Cream and Ice Monster

FIC at 20 per scoop. As usual e Pistachio ung nilantakan ko. Meron din naman silang mga flavors tulad ng Durian, Raspberry and others.

Dumiretso kami at naglakad patungo sa UP Film Center at nagbakasakali na makapanood ng P20 na movie, hehe. Ubos oras na rin ito para matunawan kami ng aming kinain. Kaso, walang palabas nuong araw na un at may nagpaparaos nagdaraos ng seminar. Kaya nagcamwhore moment na lang kami. Hindi ko lang alam kung nang”snipe” si Zaide gamit ang kanyang ultra zoom lens.

at UPFI Film Center

at UPFI Film Center

Sniper

Sniper

Pagkatapos sa Film Center, pumunta na kami sa kabilang kalye kung saan matatagpuan ang Bahay ng Alumni.

Dalawa ang pakay namin sa Bahay ng Alumni, ang R.O.C. at Chocolate Kiss. Inuna namin si R.O.C. kasi mas kilala si Chocolate Kiss for their desserts.

Restaurant of Choice

Restaurant of Choice

Napakarelaxing ng ambiance dito sa Restaurant of Choice o mas kilala sa tawag na R.O.C. Feeling ko, dito nagpupunta ung mga estudyante after ng kanilang madudugong exam. Ang warm ng colors nung restaurant. Parang ang sarap matulog, haha. Ang galing din kasi nahahati nila to sections ung restaurants nila for privacy. In fact, nung pumasok kami ay may nagmemeeting na org ata un sa katabing section ng restaurant. Relaxing ambiance + good food = perfect!

Ang una naming inorder ay ung Jalapeño Cheese Sticks. Tamang tama ung spice nung Jalapeño at sarap ng cheese (biased ako, certified cheese-lover). Hindi maanghang at all ung dish. In fact, may kasama pang chili sauce aside from salsa ung dish for those na gusto ng extra kick. P170 ung cost ng dish.

Jalapeño Cheese Sticks. Cool ng presentation diba?

Jalapeño Cheese Sticks. Cool ng presentation diba?

Dipped in hot sauce

Dipped in hot sauce

Umorder din kami ng kanilang Roc N Rolla Pizza. Kung familiar ka sa Dear Darla Pizza ng Yellow Cab, ganun sya, minus the grease (yes yellow cab, ang greasy ng Dear Darla nyo). Super thin nung pizza nila at pizza pa lang masarap na. Dagdagan mo pa nung kanilang sahog na greens at sauce (sori di ko alam kung anong greens at sauce un e) e perfect combination talaga. Feeling ko, kaya kong ubusin ung isang order ng pizza hehe. At P350 per order, super sulit at super sarap talaga nung pizza.

Roc N Rolla Pizza

Roc N Rolla Pizza

Ayun ung greens sa dulo, di nakuhaan ng maayos

Ayun ung greens sa dulo, di nakuhaan ng maayos

How to eat the pizza

How to eat the pizza. Edge kasi kaya toppings na lang.

After naming mabusog sa R.O.C., pumunta kami sa 2nd floor ng Bahay ng Alumni. Dun kasi matatagpuan ung Chocolate Kiss. Actually, meron pa syang isang branch sa kabilang side ng 1st floor ng Bahay Ng Alumni, kaso, mas feel daw nila sa 2nd floor so dun kami pumunta.

Sobrang sosyal at romantic ng place na ito. Ambiance pa lang, panalo na. Para ka nang kumain sa high-end na restaurant. Akala namin nung una high-end din ung presyo, buti na lang hindi. Sakto lang ung price nila at sulit pa. Kung meron kayong idadate at gusto nyo ng uber-romantic na place, I suggest dito kayo magpunta. By reservation ang table dito.  Nung nagpunta kami, nalagay kami sa waiting list, buti na lang at may nafree agad na space kaya naaccomodate kami.

The Menu and Rudy

The Menu and Rudy

Inside the Menu

Inside the Menu

Ang kool nung menu nila kasi triangle (wala lang, hehe). Akala ko nung una puro desserts lang ang sineserve nila kasi puro cakes ung nakikita ko. Meron din pala silang full meals na sineserve.

Ang inorder namin ay ung kanilang Sampler Suite at P75 per order. Ung Sampler Suite nila ay tatlong maliit na cakes at mamimili ka kung Carrot Cake, Dayap Chiffon Cake, Kahlua Butter Cake, Prune Cake or Devil’s Food Cake. Umorder kami ng dalawa para matikman namin lahat.

Prune Cake, Kahlua Cake and Carrot Cake

Prune Cake, Kahlua Cake and Carrot Cake

Prune Cake, Dayap Cake at Devils Food Cake

Prune Cake, Dayap Cake at Devils Food Cake

Sobrang sarap at out-of-this-world ung Carrot Cake nila. In fact, wala ng hiya hiya at hinoard ni Ann ung carrot cake. Hindi pa ata nakuntento at umorder ng 1 slice for takeout at “papatikim” nya daw sa nanay nya. And when sinabi ni Ann na ipapatikim nya lang, for sure e sa dila mo pa lang digested na agad.

Hinoard ko naman ung Dayap Cake, hehe. Ang sarap kasi, hindi sya ganun kaasim, parang may hint lang. Sakto lang sya, sweet pero may onting asim. Anggulo ko no? Ganun sya kasarap. Sa sobrang sarap nya e hindi ko madescribe ung lasa, ahha.

Umorder din kami ng Blueberry Cheese Cake na P105 per slice. Alam nyo naman na mortal na kaaway ko ang Blueberry Cheese Cake at ayokong nagtatagal sya sa plato pag nakikita ko sya kaya alam nyo na siguro kung sinong naghoard, hehe.

Blueberry Cheese Cake

Blueberry Cheese Cake

Masarap ung pagkacreamy nya at sakto lang ung cheese. Nakulangan lang ako sa Blueberry. Tignan mo ung picture, wala masyado sa dulo. Diba? Diba?

Aftermath

Aftermath

After naming iindulge ang aming mga sweet tooth, dinayo naman namin ang superfamous na Mang Larry’s Isawan malapit sa Kalayaan hall. Medyo madami na ung kumakain kaya naghintay kami ng onti. Wala din kaming nakuhang pictures kasi medyo umaambon nun.

Ang masasabi ko lang e sosyal si Mang Larry kasi may mic pa talaga sya sa desk nya kung san ka magpplace ng order. Parang chowking lang. Di ko naman mawari kasi anlapit nya lang naman dun sa mga nagluluto, kahit isigaw nya o sabihin nya lang e maririnig naman sya. Naisip ko lang, siguro madami talagang kumakain dito na tipong kinailangan nya na ng mic para marinig sya ng kanyang mga tauhan. Take note, ung mic niya. Alam nyo ung mic na ginagamit sa senate hearings? Ung tipong pinipindot tapos pupula ung ilaw sa harap pag magsasalita ka na, ganun ung mic nya.

Your honor, tatlong isaw ng manok at isang tainga ng baboy to go.

.

Ang isa pang eventful na nangyari samin sa Mang Larry’s Isawan e yung “Precious Hearts Romance Presents” eksena ni Ann. Pumila kasi sya dun sa hingian ng Sauce at ganito ang nangyari:

Si Ann na ung seservan ng sauce:

Manong: Sweet ka ‘te?

Ann: opo

Sabay tawanan ung mga tao sa likod nya. Mga kinilig ata, haha.

I therefore conclude na pumapagibig si Ann sa aming Food Trip.

LAMON POWERS OFF!

Marami pa kaming hindi napuntahan na gusto naming kainan, gaya ng Rodics at marami pang iba. Kaya UP, we’ll be back for another food trip! Kung kelan un, di ko pa alam, hehe. At syempre, narito ang aming expenses sa aming naturang kalokohan.

Expenses:

*P 20 = Fishball
*BeachHouse:
round P70 = 2 bbq (2 x 25), 1 Mineral (P10), 1 rice

*P20 = FIC
R.O.C.:
P170 = Jalapeño Cheese Stick
P350 = Roc N Rolla Pizza
Chocolate Kiss:
P150 = Sampler Suite (2 x P75)
P105 = Bluberry Cheese Cake
Mang Larry’s Isawan:
P74 = 1 Atay,  2 Tainga, 6 Isaw-Baboy, 12 Isaw-Manok

Total Expense (as a group): P849 / 6 = P141.50
My Total Expenses = P251.50
*Items in Blue ay expenses ko lang. Hindi nagshare ang group


Advertisements

Responses

  1. Oliver—uo. nakakatuwa nga sila. all the signs of youth is with them. me ganun. pupunta ka ba sa SM< megamall this Sat Oly?

    • baka hindi. tipid mode ako ngaun e, may kelangang pagipunan, hehe

  2. ang layo ng pinuntahan para lang foodtrip ha. ibang trip to.lol

    • hehe, tamang trip lang. mabilis naman ang travel time thanks to lrt2. =p

  3. Ako ang gusto kong ma experience dyan sa UP ung mga palabas na indie film, hindi ko pa kasi na try yun.

    last tine na nag punta ako dyan naka kain ako dyan sa may Chocolate kiss retau nakakatuwa…

    as usual hindi ka nanaman nag yaya…

    • umuwi ka kaya ng pampanga nung weekend, diba?

      • Ay oonga, paano mo nalaman ang schedule ko? Stalker much? ahahaha

      • nyek, nilalagay mo kaya sa twitter mo

  4. Phumophotographer ka na talaga! Kunwari ka pang nag-foodtrip gusto mo lang kumuha ng pics ahehehehehe. Katakam naman yung pizza kaso high blood ako lately…

    • kuha nila yan, onti lang kuha ko, di ko pa nga ata nasali sa taas, haha. mahirap lang ako, nanghihiram lang ako dslr =p

  5. hayuf lee! nikuwento mo pa talaga yung tungkol kay Manong sa isawan hahaha =)) balik tayo dito, pero looking forward ako sa japanese at korean foodtrip…gusto ko yung shabu-shabu at yung iniihaw na pork sa mga korean films/koreanovelas hehe 🙂

    • sus, alam naman naming kinilig ka sa precious hearts romance presents eksena mo

      • sows okay lang sana kung si Derek Ramsey at Jericho rosales ang kaeksena ko eh hahaha

      • sumosobra ka naman sa pangarap. Tama na ung precious hearts romance eksena mo

  6. wah nakakamiss yung chocolate kiss!!!!!!!!!

    aynako. buti di kayo kumain sa rodics. haha wala lang. di naman tapa un eh corned beef tapa! kasi para talagang corned beef…durog durog haha

    at namimiss ko rin ang isaw sa UP. 🙂

    sabi ko kay andoy mag-isaw tayo…taralets! hehehehe

    • pero gusto ko pa din itry sa rodics, ehhe.
      libre mo kami?

      • ayaw ko..mahal na yung corned beef tapa ng rodics eh. tapos hindi na unlimited rice. hhehehehehe

        isaw na lang ako. LOL

  7. Yan ang gusto ko sa blog mo, may mga presyo ng pagkain at pati na rin yung lahat ng gastusin mo sa mga lakad mo.

    Para kang nasa supermarket at namimili dahil mga presyo pa!

    Gusto ko yang ganyan bro.

    Pati yung si Ice cream monster tayp ko rin. Pakilala mo naman ako!LOLS

    Ingat

    • para detailed! hehe.
      gusto ko lang makatulong, kasi kadalasan pag naghahanap ako ng mga lakad/foodtrip/gala walang list ng expenses. kaya baka may magtrip din ng food trip sa UP, at least kahit papaano may idea na sila.
      Type mo si Jen? Ikaw ang living model ng Executive Optical. Poor eyesight. tsk, tsk.
      Ikakasal na yang panget na yan e. Pero sabihin ko pa din sa kanya na may nagoyo sya para sumaya at ilibre ako, haha.
      Ingat parekoy!

  8. yay nakakainggit naman…next time na food trip niyo pasama naman.. marikina lang ako :))

    • hello!
      oo ba, sa susunod, magaannounce na ako dito, ahha.
      natutuwa/inis ako dun sa isa mong kwento, nakakarelate ako, ahhaha

  9. clap clap! pababa ng pababa ang gastos ha. mukhang masarap yang pizza na yan

    • syempre, walang pera e, dapat sa tipid lang =p
      masarap sya, pramis. sulit na sulit


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: