Posted by: Oliver Lee | August 2, 2010

Balagtasan

Yaman din lamang na ngayon ay ipinagdiriwang sa ating bansa ang buwan ng wika (nagpago-bigtime from linggo ng wika) ay isusulat ko ang aking akda sa wikang Filipino.

Naaalala niyo pa ba ung mga kalokohang pinagagawa sa inyo tuwing buwan ng Agosto nung kayo ay nasa elementarya pa?

Noong ako ay nasa aking pinakamamahal na San Miguel Catholic School (na sabi ng aking dating kaklase ay binubuksang muli. Isinara to e, kami ang huling nagtapos), ang pinakatumatak sa aking memorya sa lahat ng aking ginawang presentasyon sa mababang paaralan ay yung balagatasan. Sa totoo lang, ito ay kunyariang balagtasan lamang. Bale binigyan kami ng aming guro ng aming mga linyang aming bibigkasin. Tatlo ang kailangang gumanap sa palabas. Ang aking dalawang kaklase ang naatasang maging mambabalagtas na magtatalo samantalang ako naman ay naatasang gumanap bilang lakandiwa o moderator because I’m gwapo like that .

Medyo nalimutan ko na kung ano ung paksa na aming tinalakay “kuno”. Hindi lang ako sigurado pero mayroon yata itong kinalaman sa paggamit ng wikang Filipino bilang pamamaraan ng pagturo sa eskwelahan. Gayunpaman, hindi mahalaga kung ano ung paksa kundi kung ano ang nangyari.

Nung kami ay umakyat na sa entablado ay pumwesto na kami sa aming mga posisyon sa entablado. Ang aking pwesto ay tumayo sa gitna at umurong lamang ng ilang hakbang tuwing magsasalita na ang mambabalagtas. Dahil ako nga ang naatasan na gumanap bilang lakandiwa, ako ang mayroong pinakamahabang linya sa umpisa at huli ng aming balagtasan. Mayroon ding mga panaka-nakang linya pagkatapos magsalita ng bawat mambabalagtas. Nang kami ay nasa entablado na, bigla na lamang pinatanggal ng aming guro ang mga mikropono na sana naming gagamitin sa aming presentasyon. Ito raw ay para maisadula namin ng makatotohanan ang aming palabas. Sa kadahilanang maliit lang naman ang aming entablado at puro mga estudyante rin lamang naman ang nanood, at wala rin naman akong lakas ng loob para kalabanin ang trip ng guro namin, umayon na kami. Magsisimula na dapat ako ng bigla akong pinatigil ng aming guro. Parating na daw ang direktor ng aming eskuwelahan. Sinundo pala ng aming punong-guro ang aming direktor para mapanood ang palabas ng mga estudyante sa araw na iyon. At ilang sandali na nga ay dumating na ang aming direktor at naupo sa ikaapat na hanay ng upuan upang masaksihan ang aming kalokohan.

Nang ako ay nagsimula na, bigla ko na lang nakita na nakakunot ang noo ng aming direktor at sumesenyas na siya ay walang naririnig. Kaya ako ay pumwesto sa harap ng entablado. Pinagpatuloy ko ang aking pagsasalita ngunit ganoon pa rin ang kanyang reaksyon. Tumingin na ako sa aking guro at nagsenyas sya na lakasan ko daw ang aking boses. Halos isigaw ko na ang bawat salita na aking binibigkas para lamang marinig ng aming direktor ang aking sinasabi. Nararamdaman ko na ang sakit sa aking lalamunan sa bawat pagbitaw ko ng salita. Ngunit kahit anong lakas at sigaw ang aking gawin, ganoon pa rin ang reaksyon ng aming direktor. Nagagalit na sya, at kitang-kita ko na medyo namumula ang mukha nya. Hindi ko tuloy alam kung naiinitan na sya o sadyang naiinis sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko Kuya Eddie. Nagbubutlig na ang pawis ko at nilalamig na rin ako sa kahihiyang aking dinaranas.

Bigla ko na lang naalala na matanda na nga pala ang aming direktor at may hirap na nga rin pala sa pagdinig. Kaya kahit malamang e lumunok ako ng megaphone e walang maririnig itong direktor namin. Sa tingin ko naman ay nagkapareho kami ng takbo ng utak ng aking guro kaya dali-dali nyang ipinabalik ang mga mikropono sa entablado at ipinaulit sa akin ang lahat ng panimulang aking sinabi na halos apat na talata din ata (mahaba na iyon para sakin noon). Nang ako ay magsalita na gamit ang mikropono, halos mamatay sa feedback na narinig ung mga taong malapit sa speaker. Narinig ko din ang sarili ko na dumadagundong ang boses hindi lamang sa aming oditoryum kundi maging sa buong paaralan. Tumahimik ang lahat at nakinig sa mga kalokohan na aking isinaulo para sa araw na iyon.

At habang ako ay nagsasalita na, at inuulit ang panimulang aking binigkas, tumingin ako sa aming direktor. Nakikipagkuwentuhan sya sa aming punong-guro.

Tongononomon.

Advertisements

Responses

  1. nakikibasa lang po! at nakikiisa sa pambasang buwan ng wika! 😀

    • maraming salamat po sa pagbisita!

  2. ito lang masasabi ko, ang sarap iroundhouse kick ng direktor niyo that time LOL 😀 peace baka mabasa nia to hehe 😀

    • wag kang magalala, mumultuhin ka lang, hahaha.
      naku RIP po, haha.

      • waaahhh d mo namang sinabi lol, *tabi tabi po* sowee hehe

  3. Labis kong kinagagalak ang iyong mga tinuran sa iyong tala-arawang pahina.. Nawa’y lahat ng mga ipunlang karunungan at,kasanayan, ay yumabong pa at patuloy na magdulot ng katangi-tanging aral sa iyong mambabasa.

    Hangad ng iyong lingkod ang iyong katagumpayan,upang patuloy na magpunyagi pa sa buhay. Ibulid ang mga pangarap at gawing balangkas ito sa iyong buhay.

    Ingat

    • maraming salamat sa iyong mga matalulot na mensahe sa akin. Ito ay aking lubhang pinahahalagahan at ako ay nagpapasalamat mula sa kaibuturan ng aking puso.
      Ingat din po at harinawa’y pagpalain tayo lagi ng Poong Maykapal.
      (P.S. Parang message lang sa report card ung last paragraph mo a, hehe)

  4. Gagu ka natawa ako sa dulo, ang putanginang direktor nakikipag chismax lang pala.

    Alam mo ba ako din naging lakandiwa din nung first year highschool sa linggo ng wika shit na ito, at nakalimutan ko ang ibang linya ko. Imagine yung dalawang nagtatalo na naghihintay ng magic words ko eh hindi nala narinig kaya sa t’wing sila na mega sign ako na sila na. Epic fail!

    Oo blog ko ‘to kaya dito ako nag kwento. CHe!

    • ewan ko, di ko rin maitindihan un e. Pinapalakas nya pa ung boses ko, makikipagkwentuhan lang pala dun sa principal namin.
      Sadyang gwapo lang talaga tayong mga lakandiwa, APIR!

  5. Haha putanginang direktor yan maarte hindi naman pala sya makikinig sana sumimple ka ng pagpaparinig isiningit mo sa sccript!

    • hehe, mabait pa ako nun e. saka andun ung adviser ko, nanood samin.

  6. hate na hate ko tong mga ganito. simpleng role play nga naiinis nako kasi di ako marunong—lalo kung me mga rhyme rhymes pa na ganyan at matching movement….hahaha

    • scripted naman ung samin e, so memorize lang ng lines.
      ang naenjoy ko dati e ung nung high school, ung mga sabayang bigkas. =p

  7. hindi ko lang maintindihan kung bakit pare-pareho sila ng itsura (yung mga direktor at prinsipal)?? – matanda, bingi, masungit, at mukhang nangangain ng bata…. hahhaha… in short, mukhang mangkukulam..

    • james bond, ur bak!
      pre-requisite ata un e. kelangan mukha kang kumakain ng bata to get the job.

  8. hahaha. kapag ganyan ang sitwasyon sumisimple lang ako. kapg hnd nakikinig ang director binibilisan ko ang script ko. tonginonomon

    • haha. sakin hindi pwede kasi nanood nun ung adviser ko e. pero gawain ko din yan =p

  9. di ko pa natry yang balagtasan. pang-sabayang bigkas ang beauty ko eh. hehehehe

    • ay, highschool yung sabayang bigkas days ko, haha. with matching formation, choreo at lifting pa. =p


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: