Posted by: Oliver Lee | July 28, 2010

How To Write Your Name and the GBOTM

While chatting with a friend, I discovered na meron syang angking kakayahan na magsulat ng Chinese.

Me: Marunong kang magsulat ng chinese?

Friend: Oo.

Joke lang, hehe. Hindi talaga ganyan ung usapan namin. Basta, work-related ung usapan tapos napunta na lang sa chinese writing and what-nots.

Naalala ko noon, tinuturuan ako ng ninong ko (obviously, intsik sya. it happens na ung dalawa kong ninong e parehong chinese) how to count and write letters in chinese. Sadly, hindi ako natuto. Mas concerned ako kay Shaider at Bioman. Dun ko rin lang nalaman na Hapon pala ung nakasulat sa opening at closing title ng mga sentai shows na ito kaya nawalan ako lalo ng interes. Magkaiba pa pala un, ang Chinese at Japanese. Kala ko iisa lang. I thought mas may chance akong marecruit  sa Bio-team kapag naintindihan ko ung “Chodo Denshiii, Biomann!!!” O kaya e magkaroon ako ng aura power at lumutang habang naka indian seat tulad ng Maskman.

Going back, ito daw ang paraan ng pagsulat ko ng name using the Chinese Alphabet:

奥利弗利 李 亚武特

Ganito raw ang representation ng pangalan ko sa Chinese alphabet. Pinadissect ko kung pano naging ganyan ung pangalan ko, kasi baka mamaya ang ibig sabihin lang nung binigay nya sakin e “I Have Poop in my Pants” o “Bakla Ako”. E pano kung pinatatoo ko, e di pinagtawanan ako sa China kung sakaling magpunta ako dun. So dissecting the above symbols, ganito daw sya:

奥利 – Oli,  弗利 – ver, 李 – Lee, 亚 – Ya, 武特 – but

Ang alam ko e each symbol corresponds to a syllable. Meaning isang tunog, isang simbolo. Pero hula ko lang un. Kaya nagconsult ako kay pareng Wikipedia para malaman kung tama ako.

In the Chinese writing system, the characters are monosyllabic, each usually corresponding to a spoken syllable with a basic meaning.

Wikipedia

So tama naman ako. Ang ikinagulat ko e ang paragraph na ito.

The number of Chinese characters contained in the Kangxi dictionary is approximately 47,035, although a large number of these are rarely used variants accumulated throughout history. Studies carried out in China have shown that full literacy in the Chinese language requires a knowledge of only between three and four thousand characters

Wow, 47, 035 characters! Pano pag nagalit si titser, tapos pinasulat ka sa blackboard?

Pero ang sabi naman, 2,000 characters lang ang kailangan mong maintindihan for basic literacy in Chinese. 4,000 – 5,000 characters kung well-educated person ka. Andami no?

Nuon ko din lang nalaman na meron palang Traditional Chinese at Simplified Chinese sa pagsusulat. Baka nahirapan din silang magdrawing ng characters? Mahirap kasi isulat/drawing ung mga characters. Kung ako nga ampangit na ng sulat ko, pano pa kaya pag nagdrawing ako ng symbols.

As it turns out, kaya pala nagkaroon ng Simplified Chinese e para maimprove ang literacy rate nila. Para mapasimple ung pagddrawing ng characters or symbols. At ang sabi, ung pagiging komplikado sa pagsusulat ang naging balakid sa pagunlad ng ekonomiya nila, kaya inimbento si Simplified Chinese writing.

Pero paki ko na dun. Ang gusto ko lang naman malaman e kung pano isulat pangalan ko.

****

Isang araw habang jumejerbs, naisip ko na ibang tao naman ung magsusulat sa waste of MB space na ito. Alam kong hindi naman well-known o sikat ang bahay ko sa innernet at tayo-tayo lang naman ang nagbabasa dito, pero hindi ba masaya na may mabasa tayong iba bukod sa utot ng dila ko? (nagzoombrush* at swish ako kanina). Ung iba ko kasing friends, imbis na magsulat sa comment box ng kanilang mga saloobin e nagYYM minsan ng message tungkol sa mga bagay minsan na sinusulat sulat ko dito kaya hindi nababasa ng lahat. Nahihiya daw sila kasing magsulat sa comment box. Ayaw nila akong chup suportahan sa aking mga katarantaduhan.

Anyhoo, ung naisip ko nga e magkaroon ng guest blogger of the month (GBOTM) . Ngaun, hindi ko alam kung masusundan ko ito, o magiging monthly habit, pero wala kasi akong maisip na title na masayang pakinggan. Ayoko namang maging “Ang Napagtripan at Nauto kong Kaibigan na Magsulat sa Blog Ko” or “A.N.N.K.M.B.K.”. Hindi catchy diba? Or “Friends Usually Chatting Knowledgeably with Oliver” or “F.U.C.K. with Oliver”. Teka, parang mas catchy un a.

Ang una kong GBOTM ay itatago natin sa pangalang “Kristy Kreme”. Yes, ang totoo nyang pangalan ay Diego. At narito ang kanyang ibabahagi para sa sangkablogosperyuhan (not touched/edited/enhanced/photoshopped/Belofied in any way):

Ang naisip kong isulat ngayon ay tungkol sa trabaho.  Hindi ko talaga hilig at forte ang pagsususlat.  Ang gusto ko lang sana ay magsulat itong kaibigan ko ng blog tungkol sa trabaho.  GUsto ko kasing magreact sa isusulat niya. Gusto kong sumangayon at gusto ko rin sana makipagdebate. Pero ang sabi niya: “Bakit hindi na lang ikaw ang magsulat?” Kaya ngayon eto ako… sinusubukan ko.

Ang pinakaunang pumapasok sa isip ko pag binanggit ang trabaho ay ang mahiwagang tanong ng mga tao sa kanilang sarili: “Nagtratrabaho ka ba para mabuhay or nabubuhay ka para magtrabaho?” Kung ako ang tatanungin niyo, ako ung tipo ng nagtratrabaho para mabuhay. Pero sa totoo lang hindi ko rin alam ang sagot.  Ang alam ko lang sa ngayon ay nagtratrabaho ako para kumita ng pera. Para may maibigay sa nanay ko atyan lang ang kaya ko incontribute.

– Kristy Kreme

Medyo nahihiya kasi si Kristy Kreme kaya onti lang ang nasulat. Gayunpaman, iwelkam natin si Kristy Kreme at malay nyo e maengganyo sya at sumali sa ating mga blogroll one of these days.

Base sa kanyang sinulat:

1. Tingin nyo, ano ang inyong saloobin sa kanyang niraise na question?

2. Itutuloy ko pa ba ang shit na ito?

Kung gusto mong maging GBOTM sa aking pipitsuging site, ipadala lamang ang iyong artikulo sa aking email address. Gawa ka ng sarili mong codename dahil ang default codename ko kapag di ka nagbigay sa akin ay “Boy Tigas”.

*zoombrush = Mabilisang toothbrush

Advertisements

Responses

  1. Iba na naman ang napagdikitahan. Chinese writing naman ngayon. Hahhah! Sobrang dami ng subject di ko alam kung ano ang una kong rereactionan.

    hihihiih.

    • sabaw kasi utak ko ngaun e, kung ano ano tumatakbo sa utak hehe.

  2. ang masasabi ko lang lee eh, BORED ka nga haha kung ano ano sinusulat mo…;)) pero infairness naman naaliw ako 😀 kahit tama ung unang nagcomment sayo na ang dami nga subject for a single blog entry 😛

    • pansin mo? haha. educational naman dba?
      hindi ka ba magpapakain? pyesta nyo kahapon a

  3. Dapat mo talang ituloy yang GBOTM na yan at moreover lagyan mo ng premyo like $50,000 tax free para marami kang mapasayang blogger…

    • iaapply ko ung idea ng inception dito (oo, hindi ako makaget-over sa hayup na inception na yan).
      hindi ako magpapapremyo, hahaha.

  4. hahha mukhang may mapapasaya kang tao 😀 sa totoo lang natawa ako hahhaah (db obvious?:D) maganda pagkakapresent mo ng blog ni kristy kreme, aliw p rin! hehehe sana may ksamang pic ang GBOTM hahaha

    • bawal pic. kaya nga codename ung nagsulat e, tapos lalagyan ko ng pic.
      unless gusto nya magpakilala, edi ok lang.

  5. dati ay may chinese classes kami dahil taiwanese ang boss namin. hindi ako natuto magsalita pero may natutunan naman ako kahit papaano! ngayon limot ko na dahil arabic na ang inaaral ko. hehehe

    GBOTM, akala ko eh Golf Ball of the Month ang tinutukoy mo. ituloy mo yan parekoy. Sali ako na ‘di ko ilalagay ang codename ko para makuha ko ang default codename na Boy Tigas! \m/

    • sige haha. talagang gusto mo ung boy tigas ha?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: