Posted by: Oliver Lee | June 29, 2010

Dugees

Marami na akong naging alagang aso.

Nagbibilang… wait lang….

Mga siyam na (and I can name ’em all). Kinder pa lang ako, or I think hindi pa nag-aaral, may alaga na kaming aso. Ang tanda ko, ang unang aso ko e regalo sa akin ng aking ninong. May picture pa nga ata kami ng aming first meeting (kaso asa bahay namin sa pampanga e, kaya di ko mashshare). Since then, lagi na kaming may alagang aso. Wala nga palang bili dun, lahat ng aso namin e bigay, or sa bahay pinanganak.

Minsan ng naging mala-zoo ang bahay namin. Nagkaroon kami ng alagang aso, ibon, isda at pusa all in one go. At living in peace silang lahat, lalo na ung aso at pusa namin. As in kapag may dumadalaw na foreigner pusa sa lugar namin, tinataboy ng mga aso namin, sinisinghalan. Bodyguard ng mga pusa namin ang aso namin.

Pero since Dugees ang title ng post na ito, ang current dugees namin ang isshare ko (dugees lang ang alaga namin ngayon saka dalawang lovebirds). At huwag mo muna akong tanungin kung anong breed nila kasi iccheck ko pa sa papel nila sa bahay. Oo, de papel with birth certificate ang lahat ng naging aso namin. Breed kasi ung unang tanong sakin e malay ko kung anong breed tong mga to. Ang aso ay aso, unless may nakita akong kumakahol na pusa, pwes adik ako!

Note: Nakita ko dito ung mga breeds, hehe.

Ylmas

Ylmas the Friendly Dog

Ylmas

Ylmas - emo pose

Ylmas - emo pose

Si Ylmas ay isang Anatolian Shepherd Dog. Kung bakit Ylmas ang kanyang pangalan ay dahil nung kasalukuyang ikinakasal si… you guessed it right, Ylmaz Bektas at Ruffa Gutierrez, kasalukuyan naman syang ipinapanganak ng aming asong si Tootsie. (Si Tootsie ay nasa pampanga na. Reyna ang turing ng aking tita sa kanya kasi maganda ang pinroproduce na mga tuta, hehe.) SI Ylmas ang panganay o unang anak ni Tootsie at only tuta noon. Meaning, nung ipinanganak sya, nag-iisa lang sya kaya solo nya lahat ng gatas, haha.

Kung ikaw ay nagaral sa San Beda, College of the Holy Spirit, CEU o La Consolcaion College Manila, at kumakain ka sa amin, malamang kilala mo siya. May kainan kasi kami noon sa dulo ng 2nd street at ang mga aso namin ang nagsisilbing GRO. Si Chin-chin (ang pinakamatagal naming aso, deads na since last year), Tootsie, at Ylmas ay nagsisilbing entertainment factor ng aming maliit na kainan noon, hehe. As in pag tinawag ng estudyante, lapit agad sila. Pabor naman sa kanila kasi binibigyan sila ng food nung mga estudyante (take note, strict rule na bawal ilagay ang food sa sahig. Either hawakan para isubo or sa kainan talaga nila. Ayaw kasi namin nasasanay sila na kumain sa sahig.). Feeling ko lumaki ung kita nung kainan kasi naeextra sila ng rice or ulam kasi binibigyan nila ung aso namin, hehe.

Sya rin lang ang asong nasabihan ng vet na obese at kailangang idiet. May time kasi na tumaba talaga sya at un ung bilin nung vet. Kailangan syang idiet kaya nasabihan ang mga estudyante na wag na syang bigyan ng pagkain. Nasunod naman ang diet nya, pero minsan e magaling magdroopy eyes si loko kaya kapag busy sina mama at papa e dinodroopy eye ang mga estudyante kaya binibigyan siya ng food.

Alam niya rin ang oras kung kelan sya magbabantay. Tuwing gabi kasi e may makeshift doghouse sya sa harap ng bahay namin dati at kapag pumatak na ang orasan ng 8:00 – 9:30 ng gabi, or kapag nakita nyang nagsasara na ung tindahan/kainan namin, pumepwesto na sya sa makeshift doghouse nya ng kusa. As in hihintayin ka na nya dun para gawin ung makeshift house nya ng asa loob sya. Kung hindi ka tigadulo at napunta ka sa lugar namin, sisiguraduhin ko sa iyong tatakbo ka. Nagsesecurity guard mode sya pag gabi at Burglar alarm kaya tahimik at payapa ang loob ng lahat ng nakatira sa dulo ng 2nd street. Buong area ang patrol nya. Kaya nagpapakilala ung mga boarder sa tapat ng bahay/tindahan namin sa kanya para makauwi sila ng tahimik sa gabi, lalo na kung may mga “inuuwi” sila.

Bukod sa pagiging GRO, may seasonal kumikitang kabuhayan din sya. Tuwing Frolics (Fiesta ng San Beda tuwing January) ay mayroong dog show sa loob ng San Beda. Tuwing dog show ay hinihiram sya ng mga estudyanteng suki ni mama para isali sa naturang contest. In fairness, ang laki ng mga naiuuwi nyang “Pedigree” food and items kaya lahat silang dugees ay may ambon na Pedigree items.

Sa ngayon ay medyo mataba pa rin sya (parang amo nya, hahaha) ay kasalukuyang tiga-inis kay Sachi. Tuwing asa duyan kasi si Sachi ay binubunggo nya ung duyan. Feeling nya siguro ay nakakatulong sya sa pagtulak dun sa duyan para makatulog ung pamangkin ko. Stay alert pa rin naman sya tuwing gabi at kapag may bisita, gusto nya ay nakaupo din sya sa may sala.

Puffy

Puffy

Puffy

Puffy - The dog with the ponytail

Puffy - The dog with the ponytail

Si Puffy naman ay isang Shih Tzu ibinigay sa amin noong mga June 2007. Bale binigay sya ng officemate or client or whatever sa ate ko tapos aun inuwi sya sa bahay.

Nung unang dating nya sa bahay, ambaho-baho nya at may galis pa ata. Sobrang amoy aso talaga sya na mahaba ung buhok. Sa kasabihang first impression lasts, dinibdib ata ni Ylmas un kasi nung unang dating ni Puffy, hindi sya nilalapitan ni Ylmas. Sosyalistang aso, hehe.

Well, after a month of paligo, haircuts at vet visits, bumango at naging kaaya-aya si Puffy. May playmate nga pala siya nun kasi binigyan kami ng bagong aso na mini-pincher in the name of Sniper (na namatay rin last year, inatake daw sa puso sabi ni Papa). Pero hindi pa rin sila bati ni Ylmas. Si Sniper ang bati ni Ylmas, so Sniper ang bridge nila kaya nagbati din sila. At no choice na din sila kasi sila na lang ang dalawang aso sa bahay. Araw-araw na ata silang naglalaro sa bahay, kung titignan mo ung mukha ni Ylmas sa taas, may kalmot na kasalanan ni Puffy.

Si Puffy ang aso namin na maraming accessories. As in meron syang laruan, damit (na hindi nman palaging isinusuot kasi tinatanggal din nya), sariling suklay/brush, at set of goma na pang ponytails (na minsan kinukuhaan ni mama ng goma pang ponytail kay Sachi, hahaha). Sya din ang asong kelangan ng maintenance sa buhok. Every month or twice a month ata sya kung gupitan ni Mama at Papa. Sayang wala akong picture na ginupitan sya, hehe. Pag bagong gupit kasi siya mukha syang lalaki pero pag malago ang buhok, mukha syang babae. May matching ponytail pa para hindi matakpan ung mata nya.

Ang ugali naman ni Puffy ay malambing, kahit sa mga strangers. Kapag may taong bisita sa amin nilalapitan at nagpapakandong. As in sasampa sya sayo. Buti na lang at hindi sya kasinglaki at bigat ni Ylmas. Yung mga nagdedeliver ng softdrinks (may tindahan pa rin kami hanggang ngayon pero wala na kaming kainan, ung dating bahay ang tinutukoy ko sa kwento ko kay Ylmas), sinusundan niya palagi. Para bang binabantayan. Tamang-hinalang aso. Kay Sachi naman, laging nakabuntot. As in nakabuntot talaga. Pero hindi nya naman inaano. Basta nakasunod lang sya. Sya din ung most alert sa kanilang dalawa ni Ylmas. Alam nya agad pag may tao sa labas. Pag gabi naman at wala ng tao sa baba ng bahay, tumatahol na talagang magigising ka pag may narinig na ingay o may na”sense” na tao sa labas.

At yan mga sons of bitches friends ang aking mga aso sa bahay. Sana ay makagat kayo ng aso minsan, hehe.

*****

And on a totally related note about dogs and sons of bitches, Happy Birthday Zaide! Nawa’y ambunan mo pa rin kami ng limpak-limpak mong kayamanan. Maraming salamat sa lahat at harinawa’y matupad ang iyong mga pangarap sa buhay.

Ang lakas mo kay Gloria, ginawang holiday ang birthday mo, hehehe.

Photo Credits: To the Birthday Boy


Responses

  1. Nakakamiss yung tinda niyong sisig oliver at yung mga overnight natin at pagbisita sa bahay niyo sa may San Beda nuon🙂 ang tagal na nga ni Ylmaz…college palang tayo eh Ylmaz na hehem sayang wala na si Chin-chin , siya yung aso nio na nawala diba at hinanap nio pa🙂

    • sus, if i know iba ang namiss mo sa pagbisita sa bahay namin. Pare-pareho kayo nina Maphie at Kaps, haha.

  2. Hindi pa ako nakagat ng aso at sana never mangyari

    • hehe. Diba si Khikhi nakagat na sa nether regions ng kanyang katawan? ahhaha
      Kawawang aso….

  3. Ang cute naman ni puffy!!!! Akin na lang😉

    • di pwede, hehe. marami kang dadaanang butas ng karayom bago mo sya makuha sa bahay =p

  4. ang cute ni ylmas sakin nalang sya please. At taga pampangga ka pala?!!!! San ka nag highschool? At baket wala kang regional accent?! LOL

    • kasi hindi ako lumaki at nag-aral sa pampanga. sa JASHS ka nagHS no? hahaha.
      And I can’t speak fluently pero I can understand well.

  5. di ako masyadong mahilig sa aso. pero gaya niyo, matagal na rin kami nagsimula mag-alaga ng aso. wala pa ata ako sa ulirat nun, me aso na kami. nakita ko lang sa piktyur. hehehe

    • nge, haha. at least may picture kayo =p

  6. may aso kaming malapit sa kapatid ko at mabait LANG kapag nakatali.
    may aso kaming uunahan ka palagi sa pag-akyat sa hagdanan.
    may aso kaming baboy pero cute.
    may aso kaming tuta pa lang.
    at lahat sila, pinagti-trip-an ang 13 o 14 pusanggala sa amin.
    bow.

    • gusto ko ung asong baboy na cute. si ylmas ganun e, haha

  7. ang cute naman ni Ylmas. Si Puffy ok lang. San nyo pala nilibing si Chinchin? i love dogs na may smiling face. GRO talaga? hehe. And now ko lang nalaman na may dog show pala sa Beda? nice. si lancaster pala nagka-allergy. lumobo ang mukha di nakasabay ang body ang weird ng itsura. my mom was crying and i had to take him sa vet na rush. ayun gumaling naman.

    • Hindi ko alam kay Papa, pero alam ko dun lang sa may patch of land sa may compound namin e.
      Bakit, san allergic si Lancaster? Nakakatakot naman un.
      At nga pala, so hindi ka na anonymous ngaun? hahaha. Babaguhin ko na ba uli ung link mo or I need to add this one up lang?

  8. siguro ako masyado akong self consumed kaya di ako pwede mag-aso. kawawa lang sila. I guess maalaga ka talagang tao kaya ganun. pag nag-aso ka kasi para ka na ring nagka-anak no???

    • kung hindi mo kayang alagaan, wag na lang magalaga. hindi nga pwedeng iwan magisa ung mga aso namin e, naninira ng gamit, hehe.
      swerte rin lang kasi mahilig ding mag-alaga sina mama kaya oks lang.

  9. Salamat sa picgreet! Love it! Mwahs!

  10. minsan anonymous minsan GLIP haha. allergy daw sa food pero sabi ng auntie ko baka nakagat ng centepede or kung anong insekto

    • ay ganun.
      at naiingit ako sa site mo ngaun. bawal kasi flash sa wordpress. parang gusto ko na din gumawa ng flash site kaso di ko lam lalagay ko.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: